Chapter 4- Moana

10.1K 345 34
                                    

King

Sinundo ko si Khal ng ala sais ng umaga sa bahay nila. Malaki pa sa kanya ang maletang dala-dala. At dalawa pa talaga.

"Road trip lang tayo. Hindi ka lilipat ng bahay." I said to her ng buhatin ko at ilagay sa compartment ang mga maleta niya.
"Yan lang dala mo?" Tinuro ni Khal ang isang malaking gym bag na nasa compartment.
"Oo." I replied. Meron pa akong bag sa ilalim ng upuan pero hindi ko na sinabi.
"Huwag mong sabihing, side a, side b ang brief mo."
"Hindi ako nagbi-brief." Sagot ko. Sinarado ko ang compartment. Sa taas kong 6 feet 5 inches, mukha bata si Khal kapag natatabi sa akin. Actually, hindi naman talaga siya maliit. Nasa 5'4" yata siya. Matangkad lang talaga ako.

"Boxers ang ginagamit ko." I added
"Too much information." She said. Pinigilan kong tumawa. Binuksan ko ang passenger side.
"Abot mo?" Pasimpleng tanong ko.
"Oo naman." Tumungtong siya sa side steps para makaupo ako ng maayos sa passenger seat.
"Saan tayo?" Tanong ko. She key in our destination on my GPS and we started our road trip.

First stop namin, beach....

"Bakit hindi si Tina ang kasama mong magbiyahe?" Tanong ni Khal sa akin ng makalabas kami sa Country Club.
Nagkibit ako ng balikat. Ayaw kong ielaborate na nagkatampuhan kami dahil pinipilit ako ni Tina na layuan ang mga kaibigan ko.
"Lampa nga pala yung girlfriend mo. Ayaw ng pinapawisan." Siya din ang sumagot sa tanong niya.

Merong katotohanan yun... pero hindi naman lampa si Tina. Ang tatag nga nyang magshopping maghapon ng nakaheels.

"Saan tayo bukas?" Pag-iiba ko sa topic.
"Mount Batulao." She replied. Napangiti ako. Gusto kong akyatin yun dati pa...
"Gusto mong magscuba ngayon? Deretso tayong Anilao... tapos beach na lang mamayang hapon."
Pumalakpak si Khal. "Sige...Sige... Gusto ko yan."

So ayun nga ang nagyari... Nagwalk-in kami sa Anilao. Marami naman diving resort ang open. Khal is athletic, dahil na din siguro sa mga practice nila ng martial arts ni Cailee. Competitive pa siya kaya masarap din kasama sa mga ganitong adventure.

Dala-dala niya ang underwater camera niya. Nagrent din kami ng diving gear. And she didn't allow me to pay for her... Kaysa mag-away kami, I let her do what she wanted.

Habang papunta kami sa diving are, kumanta bigla si Khaleesi habang nagvivideo, na ikinatawa ng kasama naming guide.

I've been staring at the edge of the water
'Long as I can remember, never really knowing why
I wish I could be the perfect daughter
But I come back to the water, no matter how hard I try

"Manong, ako si Moana." Sabi ni Khal sa guide.
"Nako mam, ay madai ng nagsabi niyan..." May puntong Batangas si Manong Tour Guide.
"Ganun? Sige, ako na lang si little mermaid." Sagot ni Khal.

Nagkukuha ng picture si Khal... Pati ang bangkero at guide namin, kasama sa picture niya...

"Manong sigaw ka... YOLO..." Sabi ni Khal habang nagseselfie sila.

Nauna pang tumalon sa dagat si Khal kaysa saakin pagdating namin sa diving site.

Ang ganda ng ilalim ng dagat...Ang daming kulay.
Binigay ni Khal sa akin ang camera niya at sinenyasan niya akong kuhanan siyang picture. She din a lot of poses. Kinuha niya ang camera sa akin at ako namanang kinuhanan ng picture.

After naming maubusan ng oxygen, we did some snorkelling. Nakagabay naman sa amin ang guide namin at hindi niya kami pinapalayo masyado.

Niyaya namin ni Khal ang guide at bangkero namin na kumain. Sabay sabay kami kumain na nakakamay. Medyo nagulat pa ako kay Khal dahil marunong siyang kumain ng nakakamay. Then naalala ko, nakikihalubilo nga pala siya sa mga tauhan niya. Hindi siya snob.

Tuwang tuwa yung guide namin kay Khal. Tinuturuan siyang magsalita ng batnagueño.

"Manong hindi ko kaya ang punto niyo. Mukha akong trying hard na lasing." Sabi ni Khal na ikinatawa ni Manong guide.

No boring moment with Khaleesi so far.

-------
A/N
If you are from Luzon, comment your province and I might need your help para sa roadtrip na ito.

KHALEESI: The One that got Away (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon