Chapter 17- 'Wag na 'Wag

10.6K 310 16
                                    

Khal

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tatag ng loob para ngumiti at magpakitang masigla ako kahit nakadapa ang pagkatao ko. Dapang-dapa at hiyang hiya ako sa mga nangyayari.

Pumirma kami ni King ng mga dapat naming pirmahan tungkot sa post-nuptial agreement at annulment.

"Khal..." Tawag sa akin ni King pagkalabas namin sa office ni Tita Sam sa Grace Hotel.
Huminto ako, tumingin sa mga mata niya pero hindi nagsalita.
"Makakahanap ka din ng tunay mong mamahalin." Sabi ni King sa akin.
"Yung taong ipaglalaban ka."Dugtong pa niya.

Tumango ako sa kanya at naunang maglakad papuntang parking lot. Iyon ang huling pag-uusap namin ni King bago lumabas ang decision sa annulment.

Mablis lang ang naging process ng annulment namin. Dahil na din siguro sa apelyidong dala ko. SEBASTIAN... Nagawang paikliin ni Tita Sam ang process from 1-2 years, inabot lang ng 4 months ang annulment namin ni King. Ang now, I am an unmarried woman once again.

Merong paparty ang mga kaibigan ko... Nasa Club Zero kami at nagkayayaang magsama-sama. Aalis na ako the day after tomorrow. I decided na ipagpatuloy ang Masteral ko sa Spain. Sabay kaming lilipad ni Carlos dahil simula na daw ng practice nila sa football team niya. Malapit ng manganak si Cailee and Zoey is cancer-free na. There are a lot of good things to celecrate. Hindi titigl ang mundo sa akin dahil nasaktan ako.

"Open-mic ngayon oh... Tamang tama." Rome pointed out.
"At throw-back din kaya nandito ang mga Titos and Titas of Manila." Cailee replied. She was referring to our parents... the Titos and Titas... Chill-chill din sila ngayong gabi.
"Tito Mark..." Kaway ni Rome sa owner ng Club.
"Tugtog kami." Sabi nito.
"Throw back..." Sagot naman ni Tito Mark.
"Hindi kami makarelate Mark. Millenials kami eh." I heard Tita Diane's comment.
Nagtawanan sa loob ng club.

"The spirit is Millenials, but the flesh is..." Rome started to tease his mom.
"Lola." Tita Sam added.
Nagsimula na ang kulitan sa table ng mga parents namin. Mas makulit pa sila sa amin sa totoo lang. minsan mahirap magpalaki ng parents.

"Tara na bago pa tayo maunahan ng mga bagets sa kabilang table..." Tinuro niya ang table ng parents namin.

Pagtungtong ko sa stage, doon ko lang napansin si King kasama si Tina at ang mga kaibigan ni nito.
I acted like I am not affected. Na-master ko na ang act na yun.

I scanned what's on Tito Marks playlist... Oh Lord, puro break-up songs...

"Tito Mark, broken hearted ka ba?" Tanong ko over the mic.
"Puro break-up songs ang nasa playlist mo."

Nakamot ng ulo si Tito Mark ng pinagloko siya ng mga magulang namin.

"Ako na lang mamili ng kanta." Inabot ni Allie ang ipad at pumili ng kanta. Binigay niya kay Rome ang ipad after. Nang makita ko ang kantang pinili ni Allie, gusto kong umiyak.

Nagsimulang tumugtog ang mga kaibigan ko. Si Jack ang nasa drums ngayon. At ako ang vocalist dahil nag-iinarte si Gab. Ayaw umalis sa tabi ni Cailee.

May gusto ka bang sabihin
Ba't 'di mapakali
Ni hindi makatingin
Sana'y 'wag mo na itong palipasin
At subukang lutasin
Sa mga sinabi mo na
Iba'ng nararapat sa akin
Na tunay kong mamahalin

Oh....
'wag na 'wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig kong handang
Ibigay kahit pa kalayaan mo

Di ba, tanginang Allison 'to. Gandang pumili ngkanta. Akong-ako ang kanta eh... Iyon na iyon ang nararamdaman ko eh. Parang sinulat ang kanta na ito para sa akin.

KHALEESI: The One that got Away (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon