Chapter 7- More fun

9.7K 290 5
                                    

Khal

Himalang hindi pa tumatawag si Tina kay King at pabalikin ito sa tabi niya. Malamang hindi nito alam na ako ang kasama ni King.

Naiisip ko nga minsan, mahal ba talaga ni Tina si King? Bakit parang trophy kung ituring niya? Trophy na pinapamukha niya sa akin na hindi ko maagaw-agaw sa kanya.

Nakarating din kami sa Las Casas Filipinas de Acuzar. And I fell inlove with the place. Parang bumalik kami sa Spanish Era. Naka pilipinyana ang mga nasa hotel. Hindi ko napigilan magpapicture sa napakagandang hagdanan ng hotel.

"King... ayusin mo ha." I told him before I strike my pose. Parang pictorial lang ang peg ko.
Binigay sa akin ni King ang dslr ko saka ko tiningnan ang mga pictures.

"Grabe ang ganda ng lugar na ito." Bulong ko kay King ng papunta kami sa kanya kanya naming kwarto. Detalyado ang architecture ng bawat sulok ng kwarto.
I sent pictures to mommy. Ofcourse nakapunta na siya dito and she recommend na maglakad lakad na plaza kapag hapon dahil merong nagpeperform.

I left message to King na maglalakad lakad ako sa baba.

These past few days ang pinakamasayang araw ko. Hindi matutumbasan ng pera ang mga moments na kasama ko siya. God, I love that guy maybe from the day I watched Belle fell inlove with Beast. Not that King is a beast. Hindi siya mestizo kagay ng kapatid ko at ni Carlos. Hindi siya parang boy next door kagaya ni Gab at Rome. King is handsome in a more Filipino way. His hair is wavy so he cut it short. His skin is katumangi. Matangos din naman ang ilong niya.

"Khal..." Nagulat ako ng merong humawak sa balikat ko.
"Ay ilong ka." Nabanggit ko. Lumingon ako sa tumatawang si King.
And his smile can kill me. Not that I'm complaining.
"Kanina pa kita tinatawag... Ano ba iniisip mo?"
Ikaw... gusto ko sanang isagot.
"Lunch.." Sagot ko.
"Yun nga ang sinasabi ko sayo, hindi ka pala nakikinig sa'kin. Kain na tayong lunch. Merong resto doon." Tinuro nito ang isang building.

"So ano plano natin?" Tanong ni King habang kumakain kami.
"Check out tayo ng maaga. Punta tayo Mt. Samat bukas, then lunch tayo sa Balanga City... Tapos straight tayo ng Pangasinan... Island hopping tayo the day after." I replied.

"Okay... sounds good to me." He replied.
"King... buti pinayagan ka ni Tina."
He snorted. "Nasa Hong Kong siya. Ayaw ko lang sumama doon. And besides hindi niya alam kung nasaan ako. So don't post picture na kasama ako." He said. Medyo nahurt ako doon. So I will keep our pictures together.
"Hmm...kay." I pretend na nginunguya ko ang crispy pata na parang nawalan ng lasa. Bakit ba kasi I brought out her name.

"May balita ka ba kay Zoey?" Pag-iiba nya ng usapan.
"Sabi niya sa akin the other night na makausap ko siya, okay naman daw ang chemo nya. Hindi naman daw siya pumapayat. Nalalagas nga lang ang buhok niya." I answered.
"Tutubo din yun. And importante gumaling siya. It's hard to imagine what she and Rome went through."
"Totoo... At ang lecheng si Trevor... nakakayamot isipin na hiningin nya kay Zoey na itago na magkapatid sila." Lalo akong nawalan na ng gana kumain. Buti isang subo na lang at tapos na ako.

Chill- chill lang kami today. We went to the beach to catch vitamin sea...

Kinabukasan, inakyat namin ang Mt. Samat and we learned some historical facts about the Japanese invasion in Philippines and the gruesome death march that killed a lot of prisoners of war.

Hindi ko na ulit binanggit kay King si Tina. Hindi naman ako full time masokista. Ieenjoy ko na lang ang hiram ng oras ko withhim.

Kinabukasan, nakalimutan ko na si Tina sa ganda ng hundred island. Bawat island na kaya naming puntahan, pinuntahan namin. Hindi din namin pinalampas magcliff diving.

"Uy, tawa ka ng tawa?" tanong ni King sa akin.
Pinakita ko sa kanya ang comment ni Cailee sa post ko sa IG. Inggit na inggitang buntis... Hindi makagala, at bantay sarado si Gab. King chuckled.
"Lalo mong iniinggit eh." Sabi nito.

So dahil mabait akong pinsan, nagpost pa ako ng ibang YOLO moments ko. Bumabahangcrying emoji and comment galing kay Cailee, Zoey at Allison.

Pagkatapos namin sa Pangasinan, nagsurfing naman kami sa La Union bago kami umakyat ng Baguio para bisitahin si Allison.

"Khal... yung payo ko." Allie said like a hundred of times.
"Yes...yes, huwag pipirma kapag nakainom." Sabi ko. Alam ko naman yun. Kaya nga cash ang pinabayad namin ngayon at hindi credit card or cheque.

KHALEESI: The One that got Away (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon