Khal
Kinabukasan, dala namin ang camping bag namin, at dala ko ang drone at GoPro, inakyat namin ni King ang Mount Batulao. Iniwan namin ang kotse sa hotel. Tahimik si King na sumusunod sa guide namin.
"King, magsalita ka diyan... Mapapanis laway mo." I said to King while walking backwards.
"Tumingin ka sa nilalakaran mo." King warned. Parang ang liit ng bag niyang dala. Samantalang ako, parang kasing laki ko ang bag ko.
"Maam, hindi ka ba nabibigatan sa bag mong dala?" Tanong ng guide namin sa akin.
"Hindi naman." Sagot ko.
"Parang party kasi ang pupuntahan mo. Bakit kasi kailangan lagi kang madaming dala?" Tanong ni King.
"Kasi, babae ako." Sagot ko.Huminto kami sa campsite...dito daw kami matutulog ngayong gabi. Nagtayo kami ng tent ni King. Humanap kami ng medyo bakante pang lugar dahil meron din ibang campers na nakatayo na ang tent nila.
"Kayo mong itayo yang tent mo?" Tanong ni King sa akin.
"Oo naman. Nagte-trekking kami dati nila Zoey at Cailee." I replied. Those were the days... I missed my girls.After namin maitayo ang mga tent namin, nag-prepare ako for lunch. Nilabas ko sa bag ko ang portable stove ko. Nakatingin sa akin si King habang inaayos ko sa lapag ang maliit na saingan...
"Nakuha mo pang magdala ng butane stove? At may kaldero ka pa talaga?!" Hindi makapaniwala na sabi nito. Pati ibang campers nakatingin sa akin.
"Ano naman gusto mong kainin magdamag, energy bar?" sarcastic na sagot ko.
Kinuha ko ang isang maliit plastic ng bigas. Yung saktong dalawang scope lang ang nakalagay. Ganun na lang ang tawa ni King sa akin."Huwag kang kakain kapag naluto ko ito." I said to him. Nilagyan ko ng tubig ang bigas saka ko sinalang.
Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang spam at catsup na galing fast food."Dala mo ba ang ref nyo?" Nang-aasar na tanong ni King. Kumakain na siya ng energy bar.
Natatawa ang ibang campers na nakakadinig sa amin. Hindi ko siya pinansin. Alam kong kulang sa kanya ang energy bar. Sa laki ba naman niya nay un. Kaya nga ako nagdala pagkain... Hindi pa pasalamat...
Maglalaway ka mamaya pagkaluto nito.Ang secret para sa mga ganitong hiking ay paper plate, earth friendly disposable utensils. Kailangan mahalin din si mother earth. Umuusok pa ang kanin ng sandukin ko at ilagay sa paper plate. Kunwari, hindi ko napapansin na nakatingin si King sa pagkain.
"Hmmm... sarap, ang init." Sinasadya ko talaga siyang takamin. Kumuha ulit si King ng energy bar sa loob ng tent niya. I tried not to laugh. Pati ibang campers nakatingin sa akin. Ako lang yata ang kumakain ng kanin..."King, kumain ka na... Huwag ng pakipot. Naka limang energy bar ka na eh." I taunted him. Inabutan ko siya ng isang paper plate at utensils. Matagl bago siya ito kinuha...
"Masarap?" Tanong ko sa kanya.
"Matabang..." Sagot nito. I chuckled...
"Salamat Khal." I said.
Tumawa si King saka umiling.
"Thank you Khal... Hindi ko alam bakit hindi ako nagdala ng ref kagaya mo." Sabi nito.Pagkatapos namin kumain, magpahinga at makipagkwentuhan sa ibang campers, naglakad ulit kami para marating ang isa sa pick ng bundok. Nilabas ko ang drone ko saka ko ito pinalipad. Pati ibang campers nakikikaway sa drone. Ang ganda ng aerial view. Natatanaw pati ang Pico De Loro. Next time, aakyatin ka namin.
Bumalik kami sa campsite after naming panoorinang sunset. Madilim na ng makarating kami. Pawis na pawis at gusto ko ngmaligo.
Nagluto kami ni King ng hapunan...Nagshare na din kami ng food sa ibang campers.Parang mini party ang nangyari habang nakapalibot kami sa isang bonfire nasinindihan ng isang guide namin.
"Baka meron kang marshmallows sa bag mo Khal." Sabi ng isang campers nanakabiruan na namin.
"Meron, teka kukuhanin ko." Sagot ko naman. Alam kong nakakatawa, pero meronnga akong dala. Tawa sila ng tawa hanggang sa makabalik ako dala ang marshmallow at bbq stick. We roasted the marshmallow habang nagkukwentuhan kami. Hating gabi na ng pumasok kami sa kanya kanyang tent."Goodnight Khal." King said before he crawl to his tent.
"Night King." I replied then went to my own tent.Kinabukasan, maaga akong ginising ni King. Niligpit namin ang tent. Nagluto ngnoodles at lumakad kami papunta sa isa pang peak ng bundok bago kami bumaba ngbayan.
Nakatulog ako sa biyahe papuntang Quezon. Ginising na lang ako ni King ng nasaVilla Escudero na kami.
"Ang sarap mong kasama, tulog lang sa biyahe." Alam kong binibiro ako ni Kingpero nahiya pa rin ako.
"Sorry. Ako na lang magmamaneho papuntang Lucban." I told him.
"Pupunta tayong Lucban?"
"Yup... Pahiyas bukas. Daan tayo."Iyon nga ang nangyari, kumain kami ng kumain sa Villa Escudero. Nagcheck out kami kinabukasan para pumunta sa Lucban Quezon.
BINABASA MO ANG
KHALEESI: The One that got Away (completed)
RomantikKhaleesi Daenerys Sebastian, the mother of dragons...di joke lang. Khal as her friends and families called her is a jolly person. She likes to do things her way. She vision a business and now she's a business woman. But back on her childhood days, K...