Khal
Ang sarap yakapin ng teddy bear na ito... ang warm saka ang bango...
"Khal..."
Oh Lord... napapanaginipan ko na naman si King. Tinatawag niya ang pangalan ko.
"Gumising ka na. Dadating na ang guide nati. Susunduin na tayo."
I snuggled more to my life size teddy. So cozy and warm.
"Khaleesi..."
Huwag mo akong ugain... nahihilo ako.Tumigil ang pag-uga sa akin. Napalitan naman ng pagtapik sa mukha ko.
I slowly open my eyes and I came face to face with King. His face is few inches from me. Hindi ako nakapagsalita.
"Good...Gising ka na." Sabi nito.
Nasaan kami? Ano ang nangyari kagabi?
"Bilisan mong kumilos." Tumayo si King at tumalikod sa akin.
"Where are we?" I asked when I found my voice. Lord ang sakit ng ulo ko.
"Bilisan mong kumilos. Nasa labas na si Ate, kanina pa tayo hinihintay. Kausap niya yung pinuno."
"Sinong pinuno? Sakit ulo ko." Hindi ako makabangon ng maayos. Lumingon si King sa akin.
"Bilisan mo na." He said firmly.Kahit nahihilo at lutang ang pakiramdam, pinilit kong tumayo at ayusin ang sarili ko. Paglabas namin, naabutan namin ang nakasimangot na matandang lalaki at si ate na anak ng tinutuluyan namin sa kabilang village.
Nag-uusap sila ng local language nila at halata naman sa matanda na hindi siya masaya na nandito kami.
"Marami pong salamat." I told the old man.
Trinaslate ni ate ang sinabi ko. The old man just grunt but didn't reply.
"Kailangan ba naming magbayad, ate?" Tanong ko. Umiling siya.
"Okay na, ading."sagot niya.
"Thank you po ulit. Aalis na po kami." Nakayuko akong dumaan sa harap ng matanda. Hindi ko na nakuhang magbanyo. Merong sinabi si ate sa matanda at tumango ito. Lumabas kami ng bahay niya at nagsimula ng maglakad sa pilapil pabalik sa kabilang village."Galit ba siya?" tanong ko kay ate.
"Hindi. Ganun lang yun." sagot nito.Ang ganda ng Rice Terraces lalo na ngayong umaga. Merong mga hamog sa mga dahoon. Maaliwalas ang paligid. Nadidinig ang mga huni ng ibon. Payapa ang lugar na ito lalo na at wala pang turista sa paligid.
Parang nabad trip yata si King sa akin dahil hindi ako kinikibo.
After naming makapaligo at makakain, dumating na ang guide namin para makaakyat na kami pabalik sa bayan.
"King, galit ka ba?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Hindi." Bumuntong hininga siya. "Naiinis lang ako sa nangyari. Bakit kasi ang dami mong nainom?"
"Hindi ko alam na purong gin ang iniinom ko. Hindi pala uso ang yelo sa kanila."
"Wala ngang kuryente, paano pang magkakayelo... Look at you, may hang-over."
"Sorry na." Nahihiya ako sa kanya. Nawalan ako ng malay kagabi... Kung sa ibang pagkakataon, tatawa ako sa nangyari. Baka next month pwede ko ng pagtawanan ang experience ko na ito.
"Huwag kang nagtitiwala basta-basta. Paano kung hindi ako sumama sayo kagabi? Eh di, mag-isa ka doon. Lasing at walang malay..."
Napayuko ako. "Sorry na nga."Hindi kumibo si King. Naglakad kami ng walang imikan.
"Uminom ka ng maraming tubig baka madehydrate ka dahil sa hang-over mo." He said after minutes of silence. Tinago ko ang ngiti ko.
"Masakit ba ulo mo?"
"Oo."
At nag-umpisa na naman siya sa pangaral niya kung gaano ako napakadaling magtiwala sa mga tao kaya ako nalasing ng todo... Does he care for me?Pinipigilan kong ngumiti habang nataingin sa kanya at nakikinig.
"Huwag mo akong ngitian lang... Tandaan mo ang mga sinasabi ko."
"Yes, dad..." I replied jokingly.
"Seryoso ako, Khaleesi."
"O...kay." Natatawang sagot ko. "Chill... I got your point. And I'm sorry."Hindi na ako kumontra kay King ng sabihin niyang huwag na kaming pumunta sa Sagada at dumeretso na ng Vigan.
Gabi na kaming nakadating sa Vigan, nagcheck in lang kami at hindi na nakakain pa. For sure, tulog na si King dahil sa biyahe namin. Kung bakit kasi ayaw akong pagmanehuhin.
Kinabukasan, pinuntahan namin ang Calle Crisologo... Isang street na puno ng lumang bahay. Napreserve nila ang mga ito at pati ang daan ay gawa sa bricks. Nagtitingin ako ng mga antique na gamit ng makita ko ang isang lumang juwelry box. Gawa ito sa kahoy at maraming mga nakaukit na bulaklak. Kasing laki ito ng notebook at nasa six inches ang taas. Binili ko iyon at maingat na nilagay sa bagpack.
Hindi kami nagtagal sa Vigan, nagdrive kami papuntang Bangui at naglakad-lakad sa beach habang umiikot ang mga wind mill.
"Alam mo bang si Auntie Marie ang isa sa engineer na nagtayo n mga ito?" Tanong ko kay King habang nakatingala siya sa umiikot na propeller.
"Ang cool..." Sagot nito.
"Ang sabi niya, nauna daw ang mga windmill sa shoreline. Sumunod lang daw ang mga nasa taas." Tinuro ko ang mga windmill na nasa taas na ng bundok.Sunod naming pinuntahan ang sand dunes sa Paoay. Nagkarera kami gamit ang sandboard... Parang snowboarding lang 'to... Syempre, nanalo ako.
Masaya kaming nagkukwentuhan ni King ng tumunog ang cellphone niya. Nakita koang pangalan ni Tina bago niya ito sagutin.
"Baby..."
"Babe... Where are you?" Nadinig ko ang boses ni Tina kaya tumayo ako sa buhangin at umalis sa tabi ni King.Pumunta ako sa 4x4 na inarkila namin at doon ko siya pinanood na ngumiti habang kausap si Tina.
Tapos na ang road trip na ito... Kailangan na naming umuwi.
Tumawag na ang kontrabida ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
KHALEESI: The One that got Away (completed)
RomanceKhaleesi Daenerys Sebastian, the mother of dragons...di joke lang. Khal as her friends and families called her is a jolly person. She likes to do things her way. She vision a business and now she's a business woman. But back on her childhood days, K...