KhalNakakabwisit itong si King...
Manliligaw daw...Pagkatapos akong paiyakin ng dalawang taon... Gago ang ulol.
"Uy, bakit tulis nguso ka?" Tanong ni Allison pagpasok ko ng kwarto namin.
Nagulat kasi sila ni Jack pagpasok ko dahil kumalabog ang pintuan.
"Yung kapatid mo." Baling ko kay Jack.
"Ano na naman ang ginawa?" Tanong nito.
"Manliligaw daw siya." I replied. Palakad lakad ako sa harapan nila.
I saw them looked at each other."Di ba dapat nagtatatalon ka na sa kilig nyan?" Sarcastic na tanong ni Allie.
"Pagkatapos niyang ipa-annulled ang kasal namin, manliligaw siya ngayon?" Nag-ngingit-ngit ako sa galit.
"Eh di bastedin mo." Jack shrugged.
Nahinto ako sa paglakad. Bakit ko naman gagawin?
"Oh, ayaw mo naman. Ano ba kinakagalit mo?" Tanong ni Allie.
Ano nga ba kinakagalit ko?"Nakakainis kasi... Two years... Grrrrr..." Nagsimula ulit akong magpalakadlakad.
"Sinayang niya ang dalawang taon." I told them. Tumango silang dalawa.
"Dalawang taon na sana kaming magkasama."
"Eh wala ka sanang Masteral kung nagkatuluyan kayo 2 years ago." Allie said.
"Hindi ako magpupuntang Spain kung natauhan siya dati." I replied.
"Exactly." Jack said.
"Umupo ka nga. Pati si Teodora nahihilo sayo." Hinila ako ni Allie para makaupo sa kama.
"Sino si Teodora?" Tanong ni Jack.
"Yung multong alaga ni Khal. Yung nagbigay sa kanya ng kwintas na yan." Sagot ni Allie, tinuro pa ang kwintas na suot ko.
"As in multo talaga?" Tanong ni Jack.
Tumango si Allie."There is a reason behind everything. Connected yan, hindi mo man maintindihan sa ngayon kung bakit kinailangan mong mag masteral, maiintindihan mo yan in the future. Ang importante Khaleesi, makinig ka." Hinawakan ni Allison ang mukha ko para iharap sa kanya.
"Lahat tayo may sariling time frame... Naunang mag-asawa si Cailee sayo pero mas nauna kang nakapag masteral kaysa sa kanya. Naunang magkapamilya si Zoey pero nauna din silang sinubukan ni Lord. Mas naunang nagtraining si Jack, pero boss niya ngayon si King. See, wala yang sa kung sino ang nauna. Nangyari ang mga nangyari kasi kailangang mangyari sila.""Natatakot ako." Nangilid ang mga luha ko.
"Alam ko naman, Khal. Pero di ba, mas okay na matakot ka na kasama mo si King kaysa natatakot kang mag-isa?" Tanong ni Allison.
Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
"Khal, I saw how King change for the past two years. Tina made so much effort to win him back. But he refused. I saw him once, he was watching your video during your road trip." Jack said to me."Believe me when I tell you he wanted to follow you in Spain before. Hinintay ka niya Khal." Allison said.
I dried my tears and smile to them. "Thanks. Maybe I just freaked out.""Pahirapan mo si King. Huwag kang sasagot agad. Let him chase you." Jack winked at me.
"Paano ko naman gagawin yun?" Natatawang sagot ko."Pagselosin mo daw sabi ni Teodora." Allison commented.
"May point siya." Tumango-tango si Jack.Ngayong lumipas na ang pagkataranta ko, nagsink-in na ang mga sinabi ni King sa akin. Napapangiti akong mag-isa.
"Patay na... Kinikilig na siya." Allie commented.
Natawa ako kay Allison.Kinikilig naman kasi talaga ako.
--------------
A/N
Ayan tayo eh. Kinikilig naman pala kunwari lang galit.
BINABASA MO ANG
KHALEESI: The One that got Away (completed)
RomanceKhaleesi Daenerys Sebastian, the mother of dragons...di joke lang. Khal as her friends and families called her is a jolly person. She likes to do things her way. She vision a business and now she's a business woman. But back on her childhood days, K...