Chapter 30- Acid Attack

12.4K 305 6
                                    

Khal

"Meron concert si Ed Sheeran sa Manila." I informed my friends.
"Nood tayo." Yaya ni Cailee.

Kasama namin si Allison at si Jack ngayon. Nasa bahay kami nila Rome at tinutulungan namin sila to decide kung saan magandang location para magpatayo sila ng sarili nilang bahay.

"Hanap ako ng ticket." Jack volunteered.

"Meron pa... kaso VIP tickets nalang. Ipareserve ko na. Ilan ba tayo?" Nagbilang si Jack kung ilan kami at pinareservena ang ticket.
"Peram credit card." Nakalahad si Jack sa mga boys.
Inabot ni King ang credit card niya at ilang minutes lang meron na kaming ticket.
"Kailan ba yang concert?" Tanong ni Carlos. Wala na siyang cast pero masakit pa daw ang tuhod.
"Sa weekend na." I replied.

"Kailangan na pala nating magplan." King commented.
"Uh... kailangan ba ng bodyguards?" Tanong ko sa kanya.
"Meron tayong kasamang Knights..." Tinuro ni Zoey si Jack at Gab.
"Pwedeng walang bodyguards? Hindi ba kayo nasasakal kapag merong nakabuntot sa atin?" Tanong ni Cailee. "We are capable of defending ourselves." Dagdag pa niya.
"Pwera kay Carlos." I chuckled when Carlos murderously looked at me.
"I can still shoot." He replied.
"Guns are not allowed inside." King commented.
"Then we can still kick some ass." I replied.
Matagal bago namin napapayag si King na wala kaming dadalin na bodyguards.

"I don't like the idea of no bodyguards." King told me over the phone that night.
"Ano ba kinakatakot mo?"
"I just got this feeling that something will happen." He said.
"To me?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot.
"You will be there right?"
"Oo naman." Sagot nito.
"Then I'm safe." I told him.

Excited kaming pumila sa VIP line para sa concert. Karamihan ng mga katabi namin ay puro artista. Katabi ko si King sa upuan at nasa kaliwa ko naman si Allison. Katabi ni Allie si Carlos.

'Tong dalawa na ito. Ang daming spark pero ayaw mag-usap. Ano ba ang problema nila at hindi pa din sila? Buti na lang nasa VIP seat kami, kung hindi, hindi ko makikita ang stage. Ang daming tao.

Ang boses ni Kuya Ed, ay sobrang romantic. Then King holds my hand habang kumakanta siya ng Perfect. And classic ng kanta niya, pero sobrang ganda.

Napansin kong palingon lingon si Allison sa paligid. May nakikitaba ito? Sa dami ng tao dito, meron bang multo? Bumalik ang tingin ni Allison sa stage at nakalimutan ko na ang weird na kinilos nito dahil sobrang nag-enjoy talaga ako.

Nagpaalam ako kay Cailee na magtotoilet lang dahil hindi ko na kaya.

"Magkita tayo sa parking lot." Cailee told me.
Tumango ako at tinungo ang toilet. Palabas na ang mga tao kaya ang haba ng pila sa toilet.

I texted Cailee na mahaba ang pila. Nasaparking na daw sila.

King

"Nasaan si Khal?" Tanong ko sa mga kaibigan namin.
"Nagpuntang toilet." Sagot ni Cailee.
"Siyang mag-isa lang?" Tanong ni Allie.
"Oo siya lang." Cailee replied.

"Hanapin natin." Nag-aalalang sagot ni Allison.
"Bakit?" Tanong ko kay Allison.
"Magkita daw dito sa parking area. Baka pabalik nayun." Cailee replied.
Umiling si Allison.

"Hanapin natin si Khal. Merong masamang mangyayari." Sagot ni Allison.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagansi Khal.

"Nasaan ka?"
"Palabas na ng toilet. Mahaba ang pila." Khal answered.
"Pupuntahan kita." I told her.
"Huwag na. Palabas na ang mga tao."
"Nasaan ka? Pupuntahan kita."
Sinabi ni Khal ang location niya.
"Papunta na ako."
Sinabi ko sa mga kaibigan ko ang location ni Khal. Nagmamadali kaming bumalik sa stadium.

"King, bilisan mo. Nandito si Tina." Ang sabi ni Allison.
Iniwan ko si Allie at nakipagtulakan sa mga tao papasok ng stadium.

Nagring ang phone ko, si Allison.

"Bilisan mo." Sigaw nito sa kabilang linya.

Natanaw ko si Khal na nakatayo sa gilid ng toilet. And on the far corner, papalapit sa kanya si Tina.

"Khal..." Sigaw ko sa kanya.
Tumakbo ako palapit kay Khal habang tinatawag ko siya. Hindi niya sinasagot ang cellphone. Nakatalikod siya kay Tina.
"Khaleesi." Sigaw ko. Napalingon si Khal sa akin. Nakita niya akong tumatakbo kaya naglakad siya papunta sa akin. Then Tina started to run towards her. Meron itong inabot sa bag niya. Isang bote na halos kasing laki ng 500 ml na water bottle.

Binuksan ni Tina ang bote at inihagis ang laman nito papunta kay Khal. Niyakap ko si Khaleesi at iniharang ko ang likod ko sa kanya. Sa akin tumama ang liquid na hinagis ni Tina.

Mainit ang una kong naramdaman ng mabasa ang likod ko.

"Huwag kang lilingon." I told Khal.

The burning sensation turned into pain. Napasigaw ako sa sakit.

"King..." Nagmulat ng mata si Khaleesi. Tumingin siya sa akin.
"Tawagan mo sila Cailee." I told her.
Napasandal ang kamay ko sa pader. Sobrang sakit.

"Iyan ang dapat sayo. Tingnan natin kung ano pa ang ipagmamalaki mo...Masunog ka." Sigaw ni Tina.

Kinakapos na ako ng hininga pero hindi ko binibitawan si Khal. Nakatakip ang katawan ko sa kanya.

"King..." Nag-aalalan ito.
"Tawagan mo sila." I told her. Nanginginig si Khal na tinawagan si Cailee.

I can smell the burning of my flesh. Sasabuyan ng asido ni Tina si Khal... I will kill her...

"Tulong..." Sigaw ni Khal. Nanlalabo na ang paningin ko, hindi ako makahinga.
"Masunog ka Khaleesi." Sigaw ni Tina.

Narinig ko ang sigaw ni Jack kay Tina bago ako napasandal ng tuluyan kay Khal at nawalan ng malay.

KHALEESI: The One that got Away (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon