King
Nakahanap si Tita Diane ng kennel na nagbe-breed ng top of the line Golden Retriever. Rome looked smug when we picked up the little puppy.
"Ang cute... Ano pangalan?" tanong ni Rome habang pauwi kami sa Country Club. Hindi ko alam bakit laging sumasama sa akin ang kumag na ito.
"Prince." I replied. Pinagawan ko na din siya ng dog collar.
Tumawa si Rome. Damohong ito.
"Dahil tatay niya si King, kaya siya si Prince. Matalino ka talaga." sagot ni Rome.I secretly smiled.
Pagdating namin sa Country Club, tinanong ko sa tauhan ko na nakabantay sa control room kung nasaan si Khal. Kasama daw ni Zoey at Jack sa boutique ni Tita Kaye. So I went there.
At nakabuntot pa rin si Rome sa akin. Hindi ko mailigaw, parang linta.
Natigil sa pagkukwentuhan sila Jack at Khal ng pumasok kami ni Rome.
"Nakaka-tulala talaga ang kagwapuhan ko, di ba hon?" bumanat na naman si Rome. He kissed Zoey liked we are not in the store.At si Prince na hawak ko, tumahol at kumawag ang buntot. On instant natingin ang mga nasa boutique sa amin. I saw Khal light up. Lumapit ako kay Tita Kaye and I kissed her cheek.
" Nice move." she whispered.Lumapit ko sa mga girls at inabot kay Khal si Prince.
"Hello there. Ano name mo?" Tiningnan niya ang name tag.
"Prince..." she said.
Zoey winked at me and Jack gave me a best smile. Dumila dila si Prince sa mukha ni Khal. Tawa ng tawa si Khal.
"Mabubura ang make up ko, buddy. Stop licking me."
"Saan mo nabili? Meron pa ba?" Tanong ni Khal sa akin habang yakap yakap ang tuta. Bigla akong nainggit...
"Actually, it's for you." I replied like it's no big deal.
Nakangiti si Tita Kaye sa akin. At nakatingin ang mga kaibigan ko.
"Huwag mo akong biruin. Hindi ko tatanggihan 'to." Khal said.
Ngumiti lang ako."Totoo King? Para sakin 'to?" Tanong ni Khal.
Tumango ako saka nguiti.
"Oh gosh...Thank you. Kung para saan man 'to. Salamat..." Pinaghahalikan ni Khal ang ulo ang aso.
Nag thumbs up si Rome ng hindi nakatingin sa gawi niya si Khal. Meron na naman ipagyayabang ang gago na ito.
Araw-araw kong nakikita si Khal na kasama si Prince. Kasama niyang nagjo-jogging. Kasama niyang umaalis ng bahay. One week bago ang kasal nila Zoey at Rome, nagkaroon ng small gathering sa bahay nila sa Country Club. Dinala ni Khal si Prince at pinaglaruan naman ng kambal. Pati si Axel na anak ni Gab, nakikihabol sa tuta.
Okay na sana eh, kaso dumating si Carlos at Jon na kasama si Tiago.
Tinanguan ako ni Jon. I nod at him too. Nag-uusap sila sa Spanish.
"Tinatanong ni Tiago kung kanino daw ang tuta." bulong ni Jack sa akin. Kung titingnan kami ng ibang tao, hindi nila mapapansin na kinakausap ako ni Jack dhil hindi naman bumubuka ang bibig nito."Kailan ba aalis yan?" Pasimpleng tanong ko.
"Wala pa akong nasasagap na balita." She replied. "Kaya bilisan mo."
Umalis si Jack sa tabi ko at nakihalubilo sa mga bisita. Lumapit si Jon sa akin at pumesto sa inalisan ni Jack."I heard about the dog." Sabi ni Jon.
Tumango ako.
"Ano ang balak mo King?" Tanong ni Jon.
"Ligawan si Khal." I replied honestly.
"Alam niya bang nililigawan mo siya?" Tanong nito.
" Hindi ko pa sinasabi."
"For all she knows, peaceful offering yung tuta." Jon nodded towards the dog.
"Kailan ka natauhan?" Tanong niya.
"2 years ago. Allie begged me to give Khaleesi her space so I distant myself. But I can't do it anymore.""She's my sister."
"I know. And I was sorry for what I've done."
"I'm not sorry that punched you." Jon said smirking.
"I was glad you did. But Jack beated me first, so..." nagkibit ako ng balikat.
"Hindi mo sasaktan si Khal?"
"I won't." I replied.
"Good. Cause I don't like Tiago. You better move fast." Jon said then join Carlos who can't walk.My problem now is how to tell Khal that I am courting her?...
And I need to rescue our puppy before the twin smash him.
BINABASA MO ANG
KHALEESI: The One that got Away (completed)
RomanceKhaleesi Daenerys Sebastian, the mother of dragons...di joke lang. Khal as her friends and families called her is a jolly person. She likes to do things her way. She vision a business and now she's a business woman. But back on her childhood days, K...