Chapter 21

623 11 1
                                    

Athena's POV

Nagising ako sa maliit na kurot sa ilong ko at paghaplos sa buhok ko. Napadilat ako at naitulak ko si third! 
"G..gigi..singan.. na.. sa..ana kit..a" sabi niya at lumabas at wala akong naiintindihan. Teka?! Anong ginagawa namin rito sa bukid! Oo bukid may nakikita kasi akong mga pananamim na mga palay.
"So diyan ka lang iiwan na kita" napalingon ako sa kanya. Ang layo na pala niya kaya tumakbo ako sa kanya. Ang bilis niyang makalakad ha! Hinihingal ako sa kakatakbo kaya humawak muna ako sa kanya for support! 
"Maghintay ka naman. Ang bilis mo maglakad!" Habol ko parin hininga ko. Hinayaan niya lang ako nakahawak sa kanya.
"Teka!? Saan ba tayo pupunta. Ang layo na ng nilakad natin ha!" 
"Layo ka diyan andito na nga tayo eh!" Sabi niya. Nasa cemeteryo pala kami. Nag stop kami sa lapida kung saan nakasulat. Hermia Alfonso. At ang lapida ay pinanlibutan ng mga bulaklak. Ngayon ko lang napansin may dala pla siyang bulaklak na nakavase. Bat di ko napansin yun. (An:kasi habang naglalakad kayo! Absent minded ka! Lumilipad kasi utak mo! Kung saan saan ka nakatingin)
edi ikaw na author!
"Ka ano ano mo siya?" Sabi ko at lumingon sa akin.
"Shes a precious gem to me!" Ahh may mahal pala siyang iba. Nalungkot ako!
"Ma, pasensiya ka na ngayon ako nakabisita ulit" weyt mama.. haha anu bang iniisip ko. Haist! 
"Si athena nga pala ma! Asawa Ko!" Asawa di pa kami kasal ha!
"Hello po!" 
"Ma alam kong magagalit kayo sa akin! Pero nangako kasi ako mama! Wag kayong mag alala hindi ko naman pabayaan ni athena. Di ba then?"dinamay pa ako!
"Oo nman po! Pag naging makulit to pipingutin ko ng tenga!" Sinamaan ako ng tingin. Isumbong ko nga toh!
"Ayan po sinasamaan ako ng tingin! Masungit po anak niyo!" 
"Ma, inaaway ako oh!"
"Totoo po yun! Masungit po siya.!"
"Ewan ko sayo!" 
"tignan niyo po oh. Nagsungit po siya!"
"Ma uuwi napo kami baka po maabutan kami ng ulan! Bye ma!" Sabi niya nagbabye din ako! At umalis na rin kami don! 
"Uhhmm anong dahilan ng pagkamatay ng mama mo?" Napatigil siya sa paglalakad! Naku! Ena bakit mo kasi tinanong yun!
"She died ng dahil sa cancer! And the day we found out na may ibang pamilya si papa!" Sabi niya.
Hinawakan ko kamay niya! Hindi ako chansing. Dinadamayan ko lang siya. 
"Ok lang yan. Kaya pala ibinigay mo sa akin yung pera dahil nalaman mo na may cancer ang mama ko!" Tumanggo siya bilang sagot! Kaya hinug ko siya. He hug me back 
"Thank you! Nailigtas mo mama ko!" 
Bulong ko sakanya at bumuhos ang ulan kay tumakbo kami sa malapit na masisilungan kasi ang lakas ng ulan. Malayo pa kami sa kotse eh!
"Mga anak! Mababasa kayo diyan bat di kayo pumasok sa loob!" Sabi ng madre!
Kaya pumasok na kami dahil lumalakas na yung ulan eh! Pag pasok namin ang ganda sa loob maliit na kapelya kasi to! Sunod lang kami sa kanya! Maraming mga upuan.
"Father! May mga tao sa labas kaya pinapasok ko na! Ang lakas ng ulan" sabi ng madre sa father kaya nagmano ako! Pare siya eh!
"Parang may kamukha ka iho!"sabi ng pare na may katandaan na rin.
"Ikaw ba ay anak ni Zacaria Zeus alfonso!" Huh? Zacaria?
"Opo! Paano niyo po nalaman!" third
"Natandaan ko pa ang papa mo nung kinasal sila ng asawa niya sa kapelyang ito! Ako mismo ang nagkasal sa kanila!" Sabi ng pare!
"Oh siya tutal malakas ang ulan! Dito kayo magpalipas ng gabi. Panigurado wala kayong madadaanam dahil magbabaha ang mga daan dahil sa lakas ng ulan!"sabi niya at nagsimula ng maglakad. Sumunod niya kami sakanya! Dinala niya kami sa kwarto.
"Dito muna kayo! Matagal na yang hindi ginagamit!" Sabi niya at pumasok kami sa loob! Malinis naman sa loob! 
"Ano nga ulit pangalan mo iho! Ikaw ba ay si zeus!" Nakangiti niyang sabi sa amin! Nakakunot noo naman tong kasama ko! 
"Paano niyo po nalaman?"third
"Kinasal ang mga magulang mo rito at ako rin ang nagbaptist sayo!" Sabi niya. 
"Po?" Third
"Mukhang nilalamig na kayo! May mga damit diyan at s hapunan nalang tayo mag kwentuhan!" Sabi niya at umalis
Naiwan kaming dalawa rito. Nilalamig na ako kaya naghanap ako ng masusout. Nakahanap nman ako ng T shirt at Pajama. Naghiram din ako ng towel at dumiritso na sa banyo. Ako muna mauuna dahil parang hindi pa nasink in sa utak ng kasama ko ang sinabi ng pare!? Ako din eh pero nilalamig na ako!

The Highschool WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon