CHAPTER 67

443 10 0
                                    

  Rex POV


Kanina pa talaga ako nagtitimpi sa taong toh. Ang lakas ng loob niyang pumunta dito at kukunin kami ni athena. Pagkatapos niya kaming iwan at di na binalikan. Kakagaling lang namin ni lianne sa mall namili kami ng kinakailangan sa bahay.

 Kahit na mahirap kami nakakain naman kaming tatlong beses sa isang araw. Simula nung namatay ang asawa ko sa panganganak ni lianne. Im reaching out to my father para humingi ng tulong. Anong ginawa niya? Wala binalewala lang niya kaya puno kami sa utang nila nanay at tatay. Kaya malaki ang utang ng loob namin sakanila. Itinago ko sa kapatid ko ang tungkol sa mga magulang namin dahil ayoko maranasan niyang balewalaen lng siya katulad ko. 


Pag ka uwi namin sa bahay yung mukha ng taong to ang bumungad sa akin. Kinakausap niya si nanay na kukunin na niya kami kay nanay.

 Dadalhin niya kami sa ibang bansa para don na manirahan. Bigla lumabas pagka demonyo ko at bigla ko siya sinuntok. Wala ba siyang utang ng loob ha? Ilalayo niya kami kay nanay tapos iiwan mag isa si nanay dito. Nakikipagtalo ako sa kanya pinipigilan naman ako ni nanay. Pinapa alis ko siya di siya umaalis.


"Anong Nagyayri dito kuya? Nay? Sino po siya?" athena. Nagulat ako sa pagdating ni athena.


"Im Your Father" siya. Naguguluhan naman si athena saglit tyaka palang nag sink in sakanya ang kaniyang narinig. Nakatingin kami sakanya. Tumingin din siya sa amin at nagtatanong. Umiling ako bilang sagot. Tumango naman si nanay.


"Hindi athena. Matagal nang patay ang tatay namin!"ako


"Siya ang totoo niyong tatay athena. Patawad di ko nasabi sayo kaagad." umiiyak na sambit ni nanay.


Napahawak siya sa dibdib niya at bigla nalang siya kinapos ng hininga. Na statuwa ako sa kinatatayuan ko.


"Nayyyyyy?" athena. Tyaka ko lang nalaman ang nagyari nakalapit na si atena kay nanay.


"ate? Ate? Ate? Gumising kah!" siya


"Nayyyy! Nayyy!"ako. Kinarga ko siya at madaling lumabas ng bahay.


"May dala akong kotse?" siya. Di ako nakinig sakanya at sa tricycle ako sumakay. Pagkarating namin sa hospital dinala kaagad siya sa ER. Nakita ko si athena humihikbi sa gilid. Katulad nung inooperahan si nanay sa ibang bansa. 

Nilapitan ko siya at niyakap. Di ko narin napigilan sarili ko. Umiyak narin ako! Nakakabakla man? Wala akong paki alam. Oo demonyo ako pag galit. Pero may puso pa naman ako. Habang yakap ko si ena. Bigla nalang siya nag collapse at nakahiga na siya sa sahig. 


"Nurse! Nurse! Athena gumising ka please!" ako. Dinala naman siya sa kabilang ER. Ano bang nagyayari? Una si nanay ngayon naman si athena. Si lianne. Tyaka ko pa naisip ang anak ko. Asan ang anak ko? Naiwan ang anak ko? Di ko alam sinong uunahin ko ang gulo gulo ng utak ko?


"Balikan mo si lianne. Ako ng bahala dito rex!" siya. Sinamaan ko siya ng tingin at pumayag ako pero hindi ibig sabihin nun pinapatawad ko na siya sa pag iwan sa amin ni athena at pag balewala sa amin. Tumakbo na ako palabas ng hospital. Kailangan ako ng anak ko? Baka anong nagyari sa kanya. Ayoko mawala si lianne. Mahal na mahal ko ang anak ko. 

The Highschool WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon