Chapter 71

449 14 2
                                    

Athena's Pov

Paalis na kami kasama namin mga kaibigan ko. Hinatid kasi nila ako rito sa private airport nila dad. Napatawad ko na siya. Ewan ko lang kay kuya pero alam ko naman na namimiss niya ito pero hindi niya lang sinasabi.

"Bhess wag ka nalang kaya umalis?" Abby.

"Nagpa alam ka na ba kay Zeus?" Grace.
Nastatuwa ako sa sinabi niya, hindi ako nagpa alam sakanya kasi ayoko makasira ng mga gusto niyang gawin. Hindi parin mawala sa isip ko na Asawa niya lang ako sa papel. Ngitian niya lang ako bilang sagot!

"Athena kailangan mo ba talagang umalis?" Kyle. Tumango ako sakanya.

"San ba punta mo? Kailan ka babalik? Hindi mo ba hihintayin si kuya? Baka naman may mga rason siya at hindi siya nagpakita sayo" Kyle.

"Kung may mga rason man siya. Di ko ginagawa to para sakanya. Para to sa sarili ko! Desisyon ko to sana suportaan niyo!" Ako.

Niyakap ko si sila isa isa. Si abby ang inuna ko.

"Wag ka na umiyak! Papangit ka andyan pa naman Myloves mo!" Biro ko sakanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko at namula ang pisnge niya. Sinunod ko naman so Grace.

"Alagaan mo mga kaibigan natin grace. Ikaw na muna bahala sa dalawang unggoy sa gilid gilid mo" bulong ko sakanya. Napatawa naman ito kahit na umiiyak.

"Loka loka ka talaga! Oo naman bibigyan ko sila ng saging isa isa eh!" Grace. Niyakap ko naman si Kyle.

"Ikaw na bahala sa Kuya mo! Wag mo siya pabayaan Kyle!" Bulong ko kay Kyle. Tumanggo naman siya bilang sagot. Lumapit ako kay Dennis.
Nagulat siya sa pagyakap ko.

"Alam kong di tayo close pero sana kahit di kayo tunay na magkapatid ni zeus. Sana mabalik niya ang dating pagkakaibigan niyo." Bulong ko.

Kumalas na ako at sumunod na kina kuya dahil tinawag na yung flight namin. Nilingon ko yung pintuan umaasang nasa labas lang si zeus pero wala akong nakita. Nilingon ko silang lahat at kumaway ako sakanila. At tinalikuran ko sila.

Paalam Zeus! Patawarin Mo Ako.
Ayoko lumaki ang anak ko na namamalimos sa pagmamahl ng tatay niya.

~3 days later~

Zeus Pov

Pagkatapos ng nagyari nakauwi narin ako sa bahay namin ni athena. Masaya akong bumaba ng sasakyan ko! Sa wakas makikita ko na ang asawa ko! Pero para akong nalungkot na ang tahimik ng bahay namin.

Pagkatapos kasi nung araw na nasa jamaica ako. Pagkauwi namin sa philipinas. Hinahanap namin si Marco at natagpuan namin siya sa Condo kung saan ko tinatago si Veniece. Di ko alam kung paano niya yun natunton. Di ko inaasahang magyayari yun.

~~Flashback starts~~
Pagkalanding ng eroplanong sinasakyan namin. Dumiretso ako sa condo ni veniece pero hindi lang si veniece ang naabutan ko dun. Nakabukas ng kaunti yung pinto at narinig ko ang boses ni Marco sa loob. Hindi muna ako pumasok pinakingan ko muna sila. Nagmasid lang ako sa kanila.

"Veniece, sumama kana sakin?" Marco

"Ano bang pinagsasabi mo diyan marco?" Veniece.

"Sumama kana sakin Veniece. May karapatan ako sa bata niyan. Anak ko yan hindi yan kay zeus kaya pwede ba. Maniwala ka sakin!" Marco.

"A-anong s-ab-i mo? Pa-pano nag-ya-yari yun?" Veniece.

"SA AKIN ANG BATANG YAN! SA AKIN LANG KAYO!" Marco

PAKKK! Sinampal ni Veniec si marco.

"Pa-pa-no na-g-yari yun?" Veniece. Pumasok na ako sa loob. Baka ano pa ang gagawin ni marco sa loob. Nagdrudruga ito at namumula na ang mata nito.

The Highschool WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon