Athena's POV
"Mamaaaaaaa"
Bumukas ang pinto at niluwa nito si mama na may dalang sandok. Napangiti ako ng makita siyang malusog.
"Nagyari sayo? Bigla ka nalang sumisigaw diyan" Bumangon ako at niyakap siya ng napakahigpit."Goodmorning mama" sabay kiss ko sa cheeks niya.
"Hayy ewan ko sayo ena hala sige maligo ka na at uuwi na tayo mamaya" napatango ako ng maraming beses.Sinunod ang utos niya at lumabas narin siya dahil baka nasunog na yung niluto niya.
Its been 2 months nung nadito kami sa states at pinagamot si mama. Akala ko nga mawala si mama nun eh. Yung panaginip ko nagyari yun pero naging maayos naman yung operation.
Andito kami sa bahay na inuupahan naming apat. Oo apat kasama namin ang mag asawang Cruz. Para na kaming pamilya dito nagtutulungan.
Simula nung naging maayos ang mama ko. Nagtratrabaho din ako rito 18 na kasi ako kaya kumuha ako ng working visa. Nakapasok naman ako pero part time lang dahil inaalagan ko pa si mama.
Hindi naman masyado mahirap yung ginagawa ko. I am performer sa bar. Hindi prosti ha! Ibang bar ang pinasukan ko. Walang nakaka alam sa nangyari sa akin nong gabing yon. Hindi ko yun makalimutan pati yung lalaking naka una sa akin. Hindi ko siya kilala pero hindi ko makalimutan ang mukha niya.
Bilang lead vocalist ng band nila. Kulang kasi sila ng vocalist dahil umuwi raw sa pilipinas ang lead. Kaya ako muna ang pinalit. At pag walang gig tumutulong din ako mag waitress sa isang coffee shop. Nakaipon naman ako hindi masyadong malaki. Pero kasya na para mabayaran ko yung utang nung lalaki. Buti nalang at di ako nabuntis kasi pag nabuntis ako di ko alam anong gagawin.
Naligo ako habang nagkwekwento sa inyo. Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na ako at nag empake. Pagkatapos kung i empake ang lahat pati na rin kay mama bumaba na ako. Naabotan ko din sila mama at nurse Gen sa hapag kainan.
"Oh andito ka na pala, pupuntahan na sana kita." Nurse gen
"Gutom na kasi ako nurse gen" sabi ko nakasimangot ito at kinurot ako sa pisnge ko.
"Aray ko miss gen" sabay pout ko.
"Hehe sorry ikaw kasi ang cute cute mo"sabay kurot ulit.
"Diba sabi ko tita nalang tawag mo sa akin ha!" Sabi niya ulit at kinurot ako ulit. Hinayaan ko lang.
..
Buntis eh😂
.
..
Nabiyayaan rin ang mag asawang Cruz sa kabutihan nila ng isang anghel. Masaya ako nung nalaman ang resulta at positive itong buntis at nung nalaman ni doc bigla ba namang lumindol yung bahay dahil sa lakas niyang tumalon 😂 pero joke lang hindi lumindol noh. Pero ang saya saya niya nung nalaman niya at nagpaparty pa siya at kami kami lang at kasama yung mga bago kung kaibigan na sina Grace, Abby, at si Kylle. Sila yung ka band ko pareho kami mga pilipino.Si Grace ay pianist. Magaling din siya sa mathematics. Tahimik yan at seryoso pero pag kami lang kasama niyan. Naguguna sa kabaliwan.
Si Abby naman siya yung bubbly ng grupo. Siya din yung drummer At isa ring takas sa mental pag nagsama kaming tatlo naku! Magkakaroon talaga ng noise pollution. 😂😂
Kaya naririndi si kylle eh.Si Kylle yung nagturo sa akin mag gitara. Siya yung guitarist ng grupo masungit yan sa ibang girls pero pag dating sa amin.
Todo supporta naman siya. Palagi lang yan tahimik pag magkasama kaming apat. Minsan lang magsalita pero taga libre namin yan.
Kaya nung nagresign na ako sa trabaho ko dahil uuwi ng pilipinas nalungkot yung tatlo. Gusto nilang sumama pero di pa tapos kontrata nila sa bar. Kaya maiiwan sila rito. Nakakalungkot talaga as in.
Nung nalaman nila yun si abby na palaging naka ngiti ay parang batang inagawan ng candy kung maka iyak! Naku! Si grace naman tahimik lang pero isang balde na yung luha niya😂😂 nilagay talaga balde😂😂 si kylle parang wala lang di siya umiyak pero palagi nlang nka nguso nagmumukha siyang duck.
Kaya nilibre ko sila ng ice cream. Pag karinig ng libre ay sabay silang yumakap sa akin. Parang nawalan na ako ng hininga pag libre talaga di palalagapasin.
Natatawa ako pag na alaala ko yun.
Kaya ito andito na kami sa airport at aalis na.Di nagpakita ang tatlo. Di sila sumama ihatid ako dahil baka raw magbaha yung airport sa iyak ng dalawang abnormal. Nagbonding naman kami kahapon. Kaya tawag nalang pag may time.
Tinawag na yung flight namin sa 2 months ko dito sa states marami akong natutunan. At naging masaya naman ako.
Uuwi na ako sa pilipinas ano na kaya amg nagyari doon?
Kumusta na kaya yung pamangkin ko😊 at si kuya. Umuwi kasi sila nong naging maayos ang lagay ni mama.Denise POV
Nandito ako sa opisina ni Zeus at nakaupo sa swivel chair nito para sana makipag usap sakanya. Bumukas ang pituan at pumasok ang lalaking hinihintay ko. Bumungad sa akin ang naka kunot niyang noo bago bumalik sa walang ekspresyon ang mukha.
"Anong ginagawa mo sa opisina ko?" Cold niyang tanong at kahit kailan di yan ngumiti sa akin.
"Bakit? Bawal ba bumisita dito sa opisina mo? " ngitian ko siya ng malademonyo. Ewan ko anong nagyari sa amin. Magkaibigan naman kami dati.
Pero nagbago yun bigla siya naging cold sa akin pagkatapos namin malaman ang totoo. Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko."Gusto ko lang ipa alala na malapit nq ang araw ng pag ibig at yung tungkol sa man---" hindi man lang niya ako pinatapos.
"Get out of my office!"
"This is your office NOW but its going to be MINE SOON" umalis na ako doon.
Oo nga pala ako pala sa DENISE CHOI ALFONSOat kung anong iniisip kapatid ko so third. Well step brother. Magkapatid sa ama.
Zeus POV
Nabwiset ako sa demonyo sa opisina ko kanina. Bakit ba kasi nagkaroon ng kabit si dad. Kaya demonyo ang labas. Magkaibigan kami nun kaya kilala ko na siya. Nagalit ako sa kanya dahil sila ang dahilang kung bakit nawala ang mama ko magsama sila demonyong mag ina.
Nabwisit kasi ako sa last will ng papa ko. Siya pa tong may kasalanan sa amin ni mama tapos ako pang pinapahirapan.
Kailangan kong gumawa ng way kahit sa sariling pera gagawa ako ng negosyo ko. Pero mas maganda kong sa akin na ito ng tuluyan. Pero hindi.! Mapupunta kay denise ang kompanya pag hindi ako nag asawa bago ang 19 bday ko. At isang buwan na yun ngayon malapit na. Kaya tinawagan ko si Skier. Siya yung kaibigan kong architect.
(Hello)
~sky yung lupa na sinasabi ko kailan na natin simulan gawan ng resto bar~(Ahh yun, pre yung mga tao doon humihigi ng right of way. Hindi kami makagawa pag merong mga taong nag raraley ng right of way kaya di kami matapos tapos eh)
~ok sige kakausapin ko sila at pag uusapan namin yan. Maraming salmat~
Binaba ko na kaagad ang tawag. At aalis nah. Isasama ko si attorney nagsama rin ako ng body guard at driver baka may mangyaring masam sa akin. Mas mabuti na yung sigurado.