Ena's POV
Sinundan ko lang si Zeus. Inaalalayan ko pa siya. Tipsy na siya maglakad eh! Binuksan na niya yung pinto. Pagbukas niya lumantad sa akin Ang Piano na nasa gitna.
Di pa naka bukas ang ilaw niyan nasisinagan ng mga bituin at buwan na nasa taas. Dahil may parte sa taas ng ceiling na glass lang. Deretso na umupo si Zeus sa piano. Di ko na bubuksan ang ilaw may ilaw na namam eh. Baka gusto lang niya tumogtog.
"Bhuksan mho yhung ilaw ang dilim!" Zeus. Lasing siya hindi niya binuksan yung piano naka lean lng yung ulo niya rito. Binuksan ko naman ang ilaw!
Goosssshhhh! Nastatwa ako sa mga nakikita ko! Akala ko piano lang ang meron dito pero marami talaga namamatay sa maling akala.
Maraming Paintings and Photography. Nasa harap ng piano yung Painting ng magandang babae. Na naka Wedding Dress? Sino siya? Inisa isa ko yung mga painting and photos parang nasa gallery ka lang eh.
Napansin ko yung Hello Kitty at Doraemon na kumakain ng Icecream ang Cute! Napansin ko rin na luma na toh! Dahil sa color nito kumukupas pero maganda pa rin siyang tignan. Water color lng kasi ang ginamit. Binili ba toh ni Zeus o baka ng mama niya. Pero parang hindi eh. Napansin ko rin yung sketch ng barkong napaka Familiar sa akin.
Ito tong sinasakyan namin ni zeus nung honeymoon namin. Kuhang kuha talaga yung nasa barko at sketch natoh? May photograph ding kasabay. May picture din ng dolphin na maliit plang. Napansin ko yung marka niya parang si dolly. Kuha tlaga yung pag talon niya sa dagat tapos yung mga tubig tumatalsik nagmumukha siyang moving picture. Pero isang picture lang talaga siya. Marami pang photograph dito. May painting din na di pa natapos. Pero itong ang kaharap ng piano ang napakalaki. Sino siya?
Ang ganda tlaga ng painting prang isang sikat na painter. Napansin ko sout niya yung kwentas na bigay ni zeus sa akin nung bday niya. Sa pagkakatanda ko galing yun sa mama niya. So tong babaeng toh? Mama ni zeus. Nakatingin lang ako ni zeus nakadukong parin siya sa piano. Baka tulog natoh? Dito talaga siya natulog oh! Lumapit ako sakanya. Umupo sa tabi niya. Pagka upo ko tyaka ko lang napansin na humihikbi pala toh? Hinihimas ko yung likod niya. Para tuloy siya ng batang lalaking nawalan ng pagmamahal galing sa pamilya. Batang naagawan ng candy. Batang naka gatas pa sa labi. Batang mahinang mahina. Mahinang zeus!
"Tahan na Zeus! Pwede mo nman sabihin sa akin para gumaan yan
Sige nah!""Pagod na ako Thena! Ayoko ng ganito!" Siya. Hinayaan ko lang siya magsalita.
"Nasa akin na ang lahat athena. Ginagawa ko naman lahat ha! Pero bakit palagi pa rin akong talo!"
"Nasa akin na lahat ng sakit sa ulo. Paghihinayang at pagsisisi. Lahat pinasan ko parang may kulang pa rin eh!"
"Isinuko ko lahat ng pangarap ko. Mga gusto kong gawin di ko na magawa. Dahil kailangan kong itaguyod kung anong nasimulan ng mga taong malapit sa akin."
"Sinuko ko na pangarap ko athena pero parang di ko na kakayanin. Kailan ba ako mananalo athena. Palagi nalang akong Talo!" Siya. Niyakap ko nalang siya. Umiiyak na rin siya naramdaman ko kung nasasaktan tlaga siya. Pangarap vs obligasyon! Pangarap? Pangarap? Tyaka ko lang napansin yung maliit na penmanship sa ibaba ng painting. Nakalagay Z A 3..
Ngayon ko lng napansin. Initials pla yun. Zeus Alfonso the Third. Si zeus? Ang may gawa lahat ng painting na nandito?
"Thena! Bat ka umiiyak. Sorry!" Siya.
"Wala kang kasalanan Zeus.!" Ako
"Bat ba tayo nagkakilala athena?" Siya.
"Siguro... uhhhmmm! Siguro dahil kailangan mo ako!" Ako.
"Thena.." siya.
"Zeus Mahal Kita! Kaya hindi ka Talo ok! Panalo ka pa sa akin.!"
"Thena..!" Siya.
"Oo inaamin ko MAHAL KITA! Mahal na mahal kita!" ako. Di ko alam kung saan nagsimula pero mahal ko tong lalaking toh? Mahal ko siya.!
"Thena .. I..."