CHAPTER 10
"YOU LOOK tired," komento ni Andre pagbukas pa lang ni Rhyanna ng pinto ng condo niya.
"I'm not," tanggi niya pero hindi niya napigilan ang mapahikab.
"Hindi raw eh parang makakatulog ka na kahit nakatayo ka," anang lalaki. "I have an idea. Huwag na tayong tumuloy na kumain sa labas."
"Oh, no, it's okay..." simulang protesta ni Rhyanna.
"Ang dami pa namang beses na puwede nating gawin iyon. You should rest."
"But I wanna be with you," nasabi niya nang hindi niya sinadya. Ikinagulat niya iyon lalo nang madiskubre niya na ganoon nga mismo ang nararamdaman niya. Gusto niyang makasama ang lalaki.
"We can sleep together. And I mean sleep. Kulang din ako sa tulog eh."
"Then come on in."
Noong una ay hindi siya mapakali sa kama. Ganoon ang problema niya. Inaantok siya pero hirap siyang maghanap ng tulog. Hanggang sa maramdaman niya ang paglapat kamay sa batok niya. Dumidiin iyon, pumipiga. Lumipat iyon sa mga balikat niya, pababa sa likod niya. Naalala niya iyong masaheng ginawa sa kanya noon ni Andre. Would he be doing the same thing now? She felt herself starting to get aroused.
Pero hindi na nagawang magtuloy-tuloy ng pag-iinit ng kalooban niya. Na-relax yata siya nang husto sa masahe ng lalaki, at parang nakatulong din ang presensiya nito, kaya maya maya pa ay nakatulog na siya.
MINASDAN lang muna ni Andre ang mukha ng babaeng nasa tabi niya. She is one luscious-looking woman. Ewan kung matatawag na personality disorder ang meron siya kaya nae-excite siya sa isang kagaya nito, pati na rin sa sitwasyon nila kung saan hindi niya ito puwedeng basta angkinin lang. Well, puwede naman pero kung gagawin niya iyon ay siya lang ang mag-e-enjoy.
No, he wants the woman hot and needy for him. Nakakapagtaka nga lang na kahit aroused siya sa mga sandaling iyon, and admittedly, lagi siyang bitin kapag kasama ito, ay hindi siya nabubugnot. Call it chemistry but he just likes being with her. Natuwa nga siya kanina sa ibinulalas nito. But I wanna be with you.
He wants to be with her, too. There is no rhyme or reason behind it. Basta gusto lang niya. Basta natutuwa siya kapag kasama niya ang dalaga.
Is that a crime? Defensive si Andre. Nai-imagine niya ang sasabihin ng pamilya niya kapag nalaman ng mga ito ang tungkol sa dalaga.
Hindi na lang muna niya iisipin iyon. Sa ngayon ay kuntento na lang dapat muna siya sa sitwasyon nila ng dalaga. And he felt that nice, warm feeling fill him up once more as he gazes at her sleeping face. Puyat din siya kaya inayos na lang muna niya ang pagkakahiga sa tabi nito. Isiniksik niya ang ilong sa leeg nito. Inhaling her scent aroused him. Pero dahil wala naman siyang puwedeng gawin tungkol doon sa mga sandaling iyon ay pumikit na lang muna siya. Bahagya pang napangiti si Andre. He likes this feeling, holding a woman in his arms as he drifts off to sleep. He could remember a time when he felt the same kind of contentment. Napadilat siya, nabahala, nang maalala kung kailan huling nangyari iyon. Noong si Jean pa ang nobya niya.
Napatitig ulit siya kay Rhyanna. Halos hindi na niya makita sa itsura nito iyong babaeng pinuntahan dati ni Lucas, iyong Domme na nagpapatikim ng sakit, emosyonal man o pisikal, sa isang lalaki. Pero alam niya, parte iyon ng pagkatao nito, ng buhay nito.
"You're staring." Naalimpungatan yata ito.
"You look so sweet I can't help myself," sabi niya.
"Liar!" anito pero bahagyang napangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/140767451-288-k975616.jpg)
BINABASA MO ANG
Hidden Desire by : Mystique (R-18) COMPLETED
RomanceErotic dreams. Hidden past. Dark secrets. May sikretong itinatago ang isip ni Rhyanna. Sikretong posibleng dahilan kung bakit nagkaka-anxiety attack siya kapag may makakatalik siya.