chapter 14

5.7K 97 2
                                    


CHAPTER 14

"NAUUSO na naman ang martilyo gang na matagal-tagal ding natigil. Modus ng grupo ang pumasok sa jewelry store at gamit ang mga martilyo ay babasagin ang display cases para makuha ang mga alahas loob..."

Iyon ang nadatnan ni Andre na palabas sa wide screen tv sa sala nang buksan niya ang pinto ng bahay niya. Sa bandang komedor ay natanaw niya ang stay-out helper niya na abala sa pagma-mop. Nagpaalam ito dati sa kanya kung puwede ba itong manood ng telebisyon kapag naglilinis ito. Kahit iyong balita lang daw. Mahilig kasi ito sa balita. Pumayag naman siya. Napatingin sa screen si Andre nang marinig ang sinasabi ng reporter.

"Kanina lang ay isang kilalang jewelry store ang nakuhanan ng halos dalawampung milyong pisong halaga ng alahas at relo nang sumalakay ang grupo. Nasa loob ng isang mall ang tindahan..." Footage ng pangyayari ang ipinakita.

Nagkakagulo ang mga tao. Marami ang nagsisigawan, nagtutulakan.

"Nagkaroon ng palitan ng putok ang miyembro ng martilyo gang at ang mga pulis na rumesponde sa tawag. May mga shoppers na nasugatan, iyong iba ay dahil sa pagtutulakan at iyong iba ay tinamaan ng ligaw na bala.

There were shots of policement firing at some men wearing black bonnets. Gumaganti ng putok ang mga lalaki. Nag-pan ang camera para ipakita ang ilang mamimili na natumba sa pagkakagulo. Nagulat si Andre nang may mahagip ang camera na dawalang tao. Iyong lalaki, nakayakap sa babae, parang pinoprotektahan ito. Sandali lang tumagal ang shot na iyon sa screen pero nakilala agad niya kung sino ang nakunan ng video. Sina Rhyanna at Lucas. Naalala nila ang pag-uusap nila ng dalaga...

"Where are you?"

"Nasa mall."

"Sino ang kasama mo?"

"Suspect ba 'ko sa krimen para tanungin mo ng ganyan?"

"Just answer me, dammit!"

"Lasing ka ba o sabog? Umayos ka muna bago kita kausapin ulit." Nawala na ang kausap niya...

Well, alam na niya ngayon kung sino ang kasama ni Rhyanna. Kinumpirma lang niyon ang dati ay idine-deny pa niya sa sarili. Na dumadalas ang pagkikita ng dalawa, ayon na rin iyon sa doorman na sinuhulan niya para mag-report sa kanya.

Gusto niyang magalit sa kaibigan. Mukha kasing sinusulot siya nito. But look who's talking? Sino ba ang unang nanulot? Siya, di ba? At hindi naman masusulot sa kanya si Rhyanna kung hindi magpapasulot ang dalaga. Kung ganoon na sumasama sa kaibigan niya si Rhyanna ay ibig sabihin lang na gusto nito. Which proves something that he is also trying to deny to himself. Na sex lang talaga ang namamagitan sa kanila, walang feelings at walang commitment na involved. Dapat lang siguro na huwag siyang mag-obsess sa dalaga, imbes ay ang makakabuti para sa kanya, ang magpapasaya sa pamilya niya, ang asikasuhin niya. And maybe that is also what would be good for him.

Sa halip na si Rhyanna ang tawagan niya para kumustahin ay si Lucas ang kinontak niya.

"I saw the news," sabi agad niya.

"News?"

"Iyong sa mall."

"That's in the news? Kung sabagay, medyo intense nga iyong nangyari. Sayang at di ko dala iyong baril ko. May natamaan man lang sana ako sa mga putang inang magnanakaw na iyon. Mandadamay pa talaga sila ng iba."

"Mukhang okay ka naman. Nakakapagmura ka pa eh," sabi niya.

"Masamang damo ako, dude. Uhm, ano ba eksakto ang nasa news?"

Hidden Desire by : Mystique (R-18) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon