Chapter 7

7.5K 128 3
                                    


CHAPTER 7

"NOW YOU know my horrible secret." Nakatingin sa kawalan si Rhyanna nang magsalita siya. Kanina pa sila nakahiga ng lalaki sa kama. Gusto niyang matunaw sa hiya nang umalis kanina si Andre sa pagitan ng hita niya.

Bumangon na rin agad si Rhyanna, yumuko para pulutin ang mga damit niya. Isa lang ang gusto niyang gawin noon, ang makalayo sa lalaki. Ang lakas ng loob niyang imbitahan ito na maging lover niya, sexually dysfunctional naman siya. Inisip kasi niya na baka ito na ang lalaking hindi niya kakatakutan na tanggapin sa katawan niya. Ilang beses na rin ba niya itong naka-sex sa imagination niya? Isang bagay iyon na hindi niya ginawa sa ibang mga lalaki, kahit doon sa mga naging ex niya. Ma-imagine lang kasi niya na may pumapasok na ari sa lagusan niya ay nate-tense na siya. Iba si Andre. Isipin lang niya ito ay nag-iinit na ang katawan niya. At ang reyalidad, nang mangyari na, ay hindi malayo sa nai-imagine niya.

She was aroused by his foreplay, much more that what she usually feels with other guys. Kanina nga ay may naramdaman na siyang kakaiba. Iyong umakyat lagpas sa dati iyong antas ng pagnanasa niya, iyong parang isang kembot na lang ay makakarating na siya sa tuktok. Kaya lang, nang iumang ni Andre ang pagkalalaki nito sa bukana niya ay nakaranas na naman siya ng anxiety attack. Ang masaklap pa, napansin iyon ng lalaki. Other guys she had been with were too preoccupied with their lust to notice her freezing up. Sa round two na nga lang kakailanganing magpanggap ni Rhyanna na nag-climax siya. Sa first round ay sobrang sabik ang mga nakaka-partner niya para intindihin pa ang nangyayari sa kanya.

Si Andre, hindi lang nito napansin. Naging daan pa iyon para huwag nitong ituloy ang ginagawa. Mas humiliating iyon para kay Rhyanna. Kaya nga gusto niya ay umalis na lang. Pero bago pa niya madampot iyong little black dress niya ay hinagip ng lalaki ang braso niya. Hinila siya nito.

"Stay with me for a while," anito.

Nahiga ito sa kama saka inilahad ang braso sa kanya, niyayaya siya sa tabi nito. Sandali lang nag-atubili si Rhyanna bago siya sumunod sa gusto nito. He hugged her to him and brushed a kiss on her hair. Inasahan niya ay tatanungin siya nito kung ano ang nangyari pero nanahimik lang ito. Panay lang ang hagod ng daliri nito sa balikat niya. Siya na ang hindi nakatiis. Siya ang unang nagsalita.

"Now you know my horrible little secret," aniya.

"Horrible?" Bahagyang inilayo ni Andre ang mukha nito para tumingin sa kanya.

"I...I can't... I can't seem to tolerate penetration." Umamin na siya.

"Pero nagka-bf ka na kamo, di ba?" Parang nagtataka ito.

"Dalawa. And I had flings. Same result each time I had sex with them. N-nagpi-freeze ako. Hindi ako maka-react at iyong pananabik ko, parang apoy na binuhusan ng napakalamig na tubig."

He hugged her to him and kissed the top of her head once more.

"Any idea why?" usisa nito.

"Iyon nga ang masaklap. Hindi ko alam. Kung alam ko sana, baka sakaling masolusyunan ko. Nagtataka ka siguro kung bakit inalok-alok pa kita na maging lover ko kung ganito naman ako. The thing is, with you I don't feel so threatened. And I find you so hot and sexy that I thought I would be able to get past whatever is making me feel so anxious." Kaiba nga siguro ang epekto sa kanya ng lalaking ito dahil hayun siya, ang daling nasasabi rito iyong mga bagay na hindi niya magawa-gawang banggitin sa mga past bfs niya. "I find you very attractive and I was hoping..." Napailing siya. "Sorry for dragging you into this. Bitin ka pa tuloy. I'm dysfunctional and I should just forget about having sex..."

"Hey!" Inalog siya nito. "Don't beat yourself up. Sabi nga nila, lahat ng problema ay may solusyon. Who knows, baka mahanap natin iyong solusyon nung sa iyo."

Hidden Desire by : Mystique (R-18) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon