CHAPTER 12
"WHAT is this place?" Iginala ni Andre ang paningin.
Napangiti si Rhyanna sa itsura ng lalaki. Parang takang-taka ito at gulat na gulat.
"It's called the Private Lair. Dito, puwede mong isabuhay ang secret fantasies mo. May selection ng kuwartong gagamitin mo. At depende sa type mo, I will dress the part and play the role of your woman of choice."
"You never cease to amaze me," sabi nito.
"Of course!" sagot niya. "So, what will it be? You want to be a prince with a harem? A DOM bedding a virgin? A teacher with a naughy student? O baka type mo iyong specialty ko, ang pagiging Domme..."
"No!" Ang bilis ng tanggi nito. "I mean, you already do that as your job."
Pinilit na lang ni Rhyanna na huwag pansinin iyong parang suntok sa sikmurang naramdaman niya sa naging reaksiyon ng lalaki sa suggestion niya. Halatang naasiwa ito nang maalala ang trabaho niya. Pero magugulat pa ba siya? Andre is a nice guy. A decent one. Natural na mailang ito sa ideyang isa siyang Domme. Hindi nga niya maintindihan kung bakit gusto siyang makasama nito.
Hindi mo talaga alam? Of course she has an idea. Ayaw lang niyang i-acknowledge iyon. It's all about sex. They are so good together when it comes to that.
Bakit nga ba kasi naba-bother siya sa ideyang iyon samantalang sa kanya rin naman galing ang patakaran na hanggang sex lang ang ugnayan nila? Could it be because she is starting to feel she wants more than just sex? Na sana ay...
In your dreams, girl. Ni ayaw nang isipin ni Rhyanna ang gusto niya. Isa lang iyong napakatinding pantasya. It's just about sex and she should be thankful already. Kung ilang orgasms na ang naranasan niya, hindi na niya mabilang. Lahat ng iyon ay dahil kay Andre. Kaya bakit may nalalaman pa siyang ka-dramahan?
"I just want...a normal setting. Something like...a honeymoon," sabi nito.
Boriiiing! Kung ibang lalaki ito ay tiyak na iyon ang laman ng thought bubble ni Rhyanna. But with this guy, she found the idea so sweet.
"An innocent bride or a vamp?" tanong niya.
"Your choice," anito.
"Okay."
Isa ang lugar na iyon sa mga puwedeng pagdalhan sa kanila ng mga clients nila. Hindi pa nagamit ni Rhyanna ang facilities dahil mas bagay iyon sa mga pumapayag na makipag-sex kliyente nila. Gusto niyang bigyan ng kakaibang experience si Andre kaya naisip niya na yayain ito roon.
Naka-set na ang lahat. May app ang lugar at doon na ini-input ni Rhyanna ang mga detalye. Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanila. In-assist nito si Andre papunta sa lugar na gagamitin nila.
"Susunod na lang ako," sabi niya rito.
Hindi pa gumanap ng ibang role si Rhyanna. Pagiging Domme lang ang gusto niyang gawin dati. Pero sa pagkakataong iyon ay nakikiliti siya sa ideyang kunwari ay bagong kasal sila ni Andre at first night nila iyon. Nagbihis na siya.
Innocent bride na naging vampish kalaunan ang gusto niyang ipatikim kay Andre. She dressed accordingly. Cotton negligee ang isinuot niya. Simple, napaka-inosente ng dating. Demure na demure siyang tignan. Pero sa ilalim niyon ay panty na gawa sa purong lace at may hiwa sa harap ang suot niya.
She acted coyly when she entered sa room. Kunwari ay ninenerbiyos pa siya. Nang halikan siya ni Andre ay nakiliti pa kuno siya at umiwas-iwas muna rito. Mukhang nag-e-enjoy naman nang husto ang lalaki habang ini-initiate kunwa siya nito sa sex. He was very gentle as he kissed her lips. Banayad at nag-aatubili ang ginawa nitong pagdampi ng palad sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Hidden Desire by : Mystique (R-18) COMPLETED
RomanceErotic dreams. Hidden past. Dark secrets. May sikretong itinatago ang isip ni Rhyanna. Sikretong posibleng dahilan kung bakit nagkaka-anxiety attack siya kapag may makakatalik siya.