CHAPTER 13
"I MISS you already!" Gustong mahiya sa sarili ni Rhyanna nang matukoy kung ano ang ginagawa niya. Nakalambitin siya sa leeg ni Andre. Kung makakapit siya rito ay para siyang pugita at iyong pakiramdam niya, katulad ng misis ng isang ofw na pasakay na ang mister sa eroplanong magdadala rito sa malayong bansa.
Seriously? Sita niya sa sarili.
Okay, fine, hindi sa kabilang unit lang lilipat si Andre. Sa bahay daw nito uuwi ang lalaki. May aasikasuhin daw ito. Masyado na yata siyang nasanay sa ideyang ilang metro lang ang layo ni Andre sa kanya, na puwede niya itong puntahan kung gusto niya, kaya nagliligalig ang kalooban niya ngayon.
May isa pang dahilan. Pagkatapos ng pakikipag-usap nito sa kung sino mang tumawag dito ay nag-iba ang mood ni Andre. He seemed distracted. Pinuri pa rin naman nito ang luto niya pero sa itsura nito habang kumakain sila ay ewan kung nalasahan man lang nito ang inihanda niya.
It bothered her that she is bothered by his actions. Di ba dapat ay wala lang siyang pake sa personal na buhay ng lalaki? It's just sex, iyon ang usapan nila. Iyon ang relasyon nila. Hindi nila ni-revise ang usapan at wala siyang balak na baguhin ang status nila. Kaya bakit siya nababahala? Bakit nakakaramdam siya ng kaba na baka...baka bigla na lang ay hindi na magpakita sa kanya si Andre?
Hindi talaga siya makali kaya natagpuan ni Rhyanna na nagre-research siya sa internet tungkol dito. First time niyang ginawa iyon mula nang mag-decide siya na wala na siyang balak sumabak sa isang seryosong relasyon.
Nagsisimula pa lang siya nang mag-ring ang phone niya. Hahayaan na lang dapat niyang tumunog iyon pagkakita sa pangalan sa screen. Si Lucas. Pero naisip niya na baka may makuha siyang impormasyon tungkol kay Andre sa kaibigan nito.
"Yes?" aniya pagkadala ng phone sa tainga niya.
"Miss me?" bungad ni Lucas.
Tawa lang ang isinagot niya.
"Joke lang iyon, 'wag kang mailang," anito. "Uh, nandito ako sa labas ng condo building. Pupunta ako dapat kay Andre pero cannot be reached ang phone niya. By any chance, is he with you?"
"Wala siya. Umalis na."
"Ah, so nandoon na siya sa unit niya?"
"Wala eh. Uuwi yata siya sa bahay niya.
"Oh. Malayo ang bahay niya rito." Parang nag-iisip ang kausap niya. "Look, I don't wanna bother you but I...I just need someone to drink with. Si Andre sana ang yayayain ko. May dala na nga akong iinumin. Baka puwedeng... Oh, no, that's too much to ask. Never mind. Thanks na lang..."
"May problema ba? I mean, kaya gusto mong mag-inom?"
"My...my dad just died."
"Oh."
"Sa States na siya nakatira, matagal na kaming walang communication and like I told you before, I really don't give a damn about him. Or so I thought. Ni hindi na nga ako nakapunta sa libing niya kasi two weeks na pala siyang nailibing." Bahagyang nabasag ang boses nito.
That would suck. Kahit siguro siya na hindi rin maganda ang relasyon sa ama niya, kung malalaman na lang niya na patay na ito at nailibing na ay sasama rin ang loob niya. Ni hindi man lang kasi siya makakapagpaalam ng maayos dito kung sakali.
"Come on up," yaya niya rito.
"No. Ayokong mag-impose at..."
"Just come on up," ulit niya.
BINABASA MO ANG
Hidden Desire by : Mystique (R-18) COMPLETED
RomanceErotic dreams. Hidden past. Dark secrets. May sikretong itinatago ang isip ni Rhyanna. Sikretong posibleng dahilan kung bakit nagkaka-anxiety attack siya kapag may makakatalik siya.