chapter 16

6.2K 96 1
                                    


CHAPTER 16

"I AM so sorry about your car." Pang-ilang beses na iyong sinabi ni Andre.

"Enough already," anang babae. "Konti na lang dudugo na ang tainga ko. Konting dent lang naman ang inabot ng kotse ko. It's hadly noticeable. Mabuti na lang nga at hindi ka na-off balance. Ano ba kasi ang nangyari?" tanong nito.

Bago makasagot si Andre ay lumapit sa kanila ang waiter, dala na ang order nila. Laking gulat niya kanina nang maaninag ang itsura ng babaeng nagmamaneho sa kotseng nabangga niya. Si Chloe. Todo ang hingi niya ng apology. Wala naman daw kaso ayon sa dalaga dahil maliit lang ang damage. He ended up inviting her for coffee. Sa isang café sila nandoon ngayon.

"May iniisip ako kanina kaya wala sa kalsada ang atensiyon ko. Stupid, huh," ani Andre nang makaalis na ang waiter.

"It must be something serious. A woman, I bet." Pailalim siyang sinilip ni Chloe habang sumisipsip ito sa straw. "Gf mo? May LQ kayo? Oh, ooops, don't answer. That's none of my business. Sorry, na-curious lang."

Ano ba ang inaayaw mo sa babaeng ito? Tanong din iyon sa kanya ng mommy niya noon. This woman is lovely, intelligent, driven. Sigurado ring walang maipipintas dito ang kahit na sino sa angkan nila. Siniguro iyon ng mommy niya.

"That's okay. Uhm, no, I...I don't have a girlfriend."

"Oh, so tutoo pala iyong sinabi ni Tita Deidre. Mina-matchmake niya tayo, FYI lang. Just so you know." Humiwa ito ng cake gamit ang tinidor. She daintily took the small slice in her mouth. She looks so feminine. And nice. And sweet.

"Do you play games?" tanong dito ni Andre. "By games I mean, do you screw around with a guy's mind, telling him one thing while doing something else?"

"Why would I wanna do that? It's so time-consuming and I don't have much of that. No. What you see is what you get," mabilis na sagot ni Chloe. "Kagaya mo na lang. I like you. Iyon eh bago ka pa i-build up sa 'kin ng mommy mo. Given the chance, I would want you to be my boyfriend. And mind you, choosy ako. Hindi basta-basta ang lalaking gugustuhin kong maging bf. Even my dad has high standards when it comes to the man I would bring home to meet him. But I think you'll pass. With flying colors."

He likes her honesty and her frankness. Mukhang what you see is what you get nga pagdating dito.

"Thank you for that," sabi niya.

"But you're not interested, right?" dugtong nito.

Hindi sumagot si Andre.

"You don't have to give me an answer right away," anang dalaga. She took another bite of the cake she is eating. May icing na kumapit sa labi nito. Dinilaan nito iyon habang nakatingin sa kanya.

Sugar and spice and everything nice. Ano ba talaga ang aayawan mo pa sa babaeng iyan?

"Your mom invited me to a party. Para sa lolo niyo raw. I think she's hoping I would be your date."

"Puwede naman," sabi niya matapos sandaling matahimik. With the way things are going with Rhyanna, why would he want to stir things up with his family?

"Oh, goodie," nakangiting hayag ni Chloe.

PANG-ILANG basa na ni Andre sa proposal nakabukas sa screen ng laptop niya. Hindi pa rin niya maintindihan iyon. Paano ay wala sa binabasa niya ang atensiyon niya. Masakit pa ang ulo niya. Kagabi ay nagkayayaan sila ng ilang kakilala na magpunta sa isang bar. Naparami ang inom niya. He feels bothered, that's why. Bothered by Rhyanna. Or rather, with what he would do with her.

Hidden Desire by : Mystique (R-18) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon