CHAPTER 9
"HEY, GIRL, okay ka lang?" tanong kay Rhyanna ni Candy. Kakatapos lang niya sa session at pagpasok niya sa kuwartong pagbibihisan niya ay napasandal siya sa pinto. Lumabas naman galing sa banyo ang kasamahan niya. Kagaya niya, isa rin itong Domme.
"Pagod lang siguro," sagot niya. Pero hindi siya pagod. More like wala siyang gana. Mula nang makilala niya si Andre ay parang tinabangan na siya sa ginagawa. Nakakainis dahil ayaw niyang isipin na may lalaking nakaka-apekto sa kanya ng ganoon. Nakakainis lalo na parang gusto niya ay lagi niya itong makita at makasama.
"Hmmm, baka naman in-love ka. Ganyan din ako dati eh, noong ma-meet ko si Reynold. Hirap ako mag-concetrate sa ginagawa ko. Parang gusto ko na lang matapos ang sessions ko para makasama ko siya."
"So, 'asan na si Reynold?" usisa niya.
"Gone with the wind. Masarap at masaya naman kami habang magkasama. Mabuti at sinulit ko. Masakit ng konti pagkatapos pero ang sikreto kasi eh 'wag tayo dapat aasa sa forever. At hindi tayo dapat maging emotionally dependent sa guys of the moment natin."
Mabuti at naipaalala iyon sa kanya ng kasamahan niya. Hindi siya magpapaka-dependent kay Andre. Parang tukso naman na noon ito nag-message sa kanya.
"If you're not doing anything tonight, lets meet. I'll pick you up just say where and when."
Susulitin ko na. Hindi nga forever eh. Iyon ang ikinatwiran ni Rhyanna sa sarili bago siya nagdudutdot sa phone niya.
May sariling sasakyan siya kaya ang suggestion niya ay magkita na lang sila ni Andre. Paghinto niya sa ibinigay nitong address ay nakita niya na parang isang spa ang bahay na nasa loob ng gate. Pero mukhang sarado na ang spa.
"Hello there!" Mula sa likod ng malaking puno ay lumabas ang lalaki.
Nagulat siya sa paglitaw nito kaya napaatras siya. Sumabit nga lang iyong takong ng isang sapatos niya sa maliit na uka sa pavement. Nawalan tuloy siya ng balanse. Pero hindi siya natumba dahil maagap siyang sinalo ni Andre. Hindi siya agad pinawalan nito. Instead, he nuzzled her neck and ears.
"You smell good," anito. "Good enough to eat."
"At ikaw, para kang engkanto na basta na lang sumusulpot," sita niya rito.
"Nainip lang kasi ako sa paghihintay sa iyo kaya lumabas ako." He gave her hip a gentle squeeze before letting her go.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya.
"Diyan."
"Parang sarado na."
"Bukas pa 'yan. Para sa 'tin na lang."
Ilang sandali pa ay nasa loob na sila. Tama ang hula ni Rhyanna. Spa nga iyon. Couples massage daw ang gagawin sa kanila. Bago ang lahat ay tinanong siya ni Andre kung kelan niya gustong kumain, before or after the massage. Busog pa siya kaya sabi niya pagkatapos na lang.
Dahil couple's massage nga ay magkasama sila sa kuwarto kung saan sila mamasaihin. Magkatabi lang din ang massage table na hinigaan nila. Kakilala raw ni Andre ang may-ari ng spa kaya okay lang kahit tapos na ang business hours. Nakipag-appointment daw ito.
Nang simulan siyang masaihin ay saka na-realize ni Rhyanna kung gaano ka-tensiyonado ang katawan niya. Kahit ang masahista binanggit na naninigas daw ang mga muscles niya. Sa magaan na pagmanipula ng kamay nito sa mga kalamnan niya ay gumaan ang pakiramdam niya. Nagsimula na rin siyang antukin hanggang sa tuluyan na nga siyang makatulog.
May mga kamay pa ring dumidiin at pumipiga sa likod at balikat niya nang magising siya. Pero nang lingunin niya ang masahista para sabihin na ang sarap ng masahe nito ay hindi na iyong babaeng nakasuot ng pastel uniform ang nakita niya kung hindi isang lalaki. At ang tanging nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito ay ang maigsing tuwalya.
BINABASA MO ANG
Hidden Desire by : Mystique (R-18) COMPLETED
RomanceErotic dreams. Hidden past. Dark secrets. May sikretong itinatago ang isip ni Rhyanna. Sikretong posibleng dahilan kung bakit nagkaka-anxiety attack siya kapag may makakatalik siya.