Juyeol's.
'Nandito ako ngayon sa isang malawak na hardin. Marami ka'ng makikitang nagsisiliparang ibon at paru paro. Matataas na puno at makukulay na bulaklak.
Bigla tuloy akong nagtaka kung bakit ako nandito.
Ah, oo nga pala, pinapunta niya ako dito ng walang dahilan. Sinimulan ko siyang hanapin sa paligid.Pero ni anino niya, hindi ko nakita.
"Nasaan ka na ba?"
Mahina ko'ng tanong sa kawalan. Tumitingin tingin ako sa palagid, nagbabakasakaling makita ko siya. Pero natigil ako sa paghahanap ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.
Unti unti akong kumalas sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Sobra ko siyang na-miss kaya gusto ko ng makita muli ang mukha niya. Ang napakagwapo niyang mukha.
Ang mukha ng pinakamamahal ko.
At nung oras na nilingon ko siya, biglang lumabo ang aking paningin. Naramdaman ko namang nahulog ako sa kinatatayuan ko, at may naririnig akong sumisigaw.'—
"Gising na!"
Napabalikwas ako sa kama ko at nahulog. Hanep, umagang umaga naninigaw si kuya. Tangina ang sakit, naumpog yata 'yung ulo ko sa sahig. Ang sakit talaga.
Napansin naman yata ni kuya 'yon kaya tinulungan niya akong tumayo mula sa sahig. Hinaplos haplos ko naman ang ulo ko. Masakit parin.
"Okay ka lang? Kung gusto mo wag ka muna pumasok." Alalang sabi niya at umupo sa tabi ko. Umiling iling naman ako. "Okay lang ako. Tsaka 'di ko pa nakikita 'yung titser namin, aabsent na ako?" Sabi ko na nagpatawa sa kanya. Eh totoo naman, 'di ko pa nakikita titser namin, aabsent na ako?
"Sige na, ligo na. 6:07 na." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Six 'o clock pa lang? Nakteteng, eight pa klase namin! Ang aga pa.
"Seryoso?! Eight palang ang klase natin!" Sigaw ko sa kanya. Umirap naman siya at bumuntog hininga. "Namove ang oras ng klase. Kaya maligo ka na diyan! Nag baho mo!" Singhal niya at lumabas na. Iniwan akong nakasimangot dito.
Makaligo na nga. Letse.
—
Nandito na ako ngayon sa classroom namin. Lima pa lang kaming nandito. Apat na babae at Isang lalaki. May kanya-kanyang silang pinaguusapan. Nang biglang lumapit sa akin ang isang babaeng maganda at lalaking matangkad.
Naka-ngiting lumapit sa akin yung dalawa at hinarap naman nila sa akin ang dalawang upuan na nasa harap ko, at umupo doon.
"Hello! I'm Jennie! Nice to meet you." Sabi niya at inilahad ang kamay niya sa akin. Agad ko namang tinanggao 'yon at nginitian siya.
"I'm Mark. Nice to meet you!" Shet, ang pogi ni Mark. Mama may boyfriend na ako hehe charot! Sunod naman akong nagpakilala sa kanila,
"I'm Juyeol, nice to meet you guys!"
Nagsmile naman ako. Nagsmile rin sila. Awkward man pero, maya maya pa, nagtawanan kaming tatlo. Mukha na nga kaming timang dito sa likod. Tinitignan na kami ng mga kaklase ko.
"Feeling ko, magkakasundo tayong tatlo. Haha!" Sabi ko at sumangayon naman sila. Habang hinihintay namin ang teacher namin, nagkuwentuhan muna kami at nagtatawanan. Pwede niyo na kaming bansagang "Ang mga timang."
BINABASA MO ANG
MR. BADBOY | yoongi
Fiksi Penggemar"paano ba ako nainlove sayo ha? hindi naman ikaw yung type ko eh." ; mingoosh