Juyeol's.
"Sige na Juyeol! Sama ka na sa amin ni Mark mamaya sa park! Sige ka, hindi na kita bati. Hmp!" Pamimilit ni Jennie habang naka-pout. Teka, mukha na siyang isda. Joke.
"Oo na, sasama na ako." Bigla naman siyang nagtatalon na parang bata. Nagka-tinginan naman kami ni Mark, "Hindi po namin kilala yan." Sabi namin habang nag-pipigil ng tawa. Makakasama na rin ako kasi, magaling na tuhod ko.
Agad naman na siyang tumigil sa pag-tatalon at tinignan kami ng masama. "Ang sama niyo sa akin ah." Sabi niya at nag-pout ulit tapos umupo na. Tumawa na lang ako ng mahina.
"Tigil-tigilan mo pag-pout, Jennie. Baka, mainlove sayo yung isa diyan." Asar ko sa kanya kaya, naka-tanggap ako ng mag-jowang batok. Sakit 'non pota.
"Ulol, hindi ko gusto si Mark. Hindi ko siya type." Ani ni Jennie at tumawa. Si Mark naman umirap tapos tinignan niya ng masama si Jennie.
"Asa ka namang type kita. Ni isa nga sa characteristics ng ideal type ko hindi ka pasok." Sagot naman ni Mark kaya nag-bangayan ang dalawa. Jusko, mag-away na kayo sa harap ng ibang tao wag lang sa harapan ko. My god Cassie!
"Kung pinagusapan na lang natin kung ano ang gagawin natin mamaya, mas worthy pa ng oras, 'diba?" Pagsabat ko sa bangayan nila. Agad naman silang tumigil. Nagsimula naman na kaming pagusapan kung anong gagawin mamaya.
Napagusapan namin na magpicnic na lang kahit malapit ng mag-gabi kapag nakapunta kami doon. Tsaka sabi nila, gusto lang nilang maghanap ng jowa. May problema pa pala ako, hindi ako papayagan ni kuya.
"Pagpaalam niyo ako kay kuya, ha? Baka hindi ako payagan." Sabi ko sa kanila. Agad naman silang ngumiti at nagthumbs up. "Oo naman. Malakas yata ako kay kuya mo." Ani naman ni Mark.
—
"Class, dismiss." Pagkasabi na pagkasabi ni Miss Vergara niyan, ay nag-sitayuan na kaming lahat at nagpaalam na sa kanya. Nagsama sama na kaming tatlo at lumabas na.
Walang assignment ngayon kaya yung oras namin ay aaksayahin na lang namin sa pag-pipicnic. Tsaka napag-paalam na nila ako kay kuya.
Nandito na kami sa may malapit sa gate ng school. Bigla namang may lumapit sa akin, isa sa mga kaibigan ni Yoongi. Ngumiti muna siya sa akin bago ibigay ang bulaklak na hawak niya.
Nagulat naman ako sa inasta niya. Akma naman akong magtatanong kung bakit, pero inunahan na niya ako. "Uhm, peace offering, sorry sa ginawa ni hyung sayo. Uhm, we're really sorry in behalf of hyung." Mahabang sabi niya at umalis na.
Oh, paano muna 'yung sorry? Charot.
—
Medyo madilim na dito at kami lang ang tao kaya solo namin ang park na 'toh. Medyo nakaka-bored din kasi waley wifi. Huhu sad life.
Lamon lang kami ng lamon, nang mag-salita si Jennie. "Juyeol, hindi ba yun yung lalaki'ng nagbigay sayo ng isang bouquet of roses?" Naidura naman namin ni Mark yung coke na ininom namin. Sa may damuhan ha, hindi sa mukha ni Jennie hehe.
Bigla na lang uminit ang ulo ko nung tinignan ko kung sila nga. At, sila nga. Puta, hanngang dito ba naman?
"Wag mo na lang pansinin. Mag-relax ka nalang." Sabi ni Mark pero walang effect. Nainis na lang talaga ako bigla. Siguro dahil rin sa mood swings.
Lumingon ako ulit sa direksyon nila. At doon 'ko lang napag-tanto na nakatingin na rin si Yoongi sa akin habang naka-ngisi. Sinamaan ko naman siya ng tingin, at inalis ang paningin ko sa kanya.
Hanggang dito ba naman?
Yoongi's.
Nandito kami sa park jimin ngayon, nagrerelax. Pero nakita ko si Juyeol. Kabanas, sa lahat pa ng pwedeng puntahan nila dito pa. Tsaka, akala ko ba hindi maka-lakad 'yan? Paano siya nakapunta rito?
Nakahiga ako ngayon sa may damuhan. Iniisip kung bakit, binigyan ni Jungkook ng isang bouquet of roses 'yang si Juyeol kanina. May gusto siguro siya sa babaeng 'yon.
Tsaka, bakit ko ba iniisip 'yon? Tch. Bigla na lang ako'ng napatayo at pumunta sa bandang malapit sa mga bench. Umupo ako sa isa sa mga iyon pero, malapit sa parang maliit na lawa. Nag-hanap naman ako ng bato na pwede'ng itapon doon.
Tuloy-tuloy lang ako'ng nagtatapon ng mga bato sa lawa. Pero may biglang pumigil sa kamay ko. Inis naman ako'ng tinignan kung sino 'yon. Bumungad naman sa akin ang blangkong mukha ni Juyeol.
"Pati lawa sinasaktan mo. Masyado ka'ng brutal." Sabi niya at kinuha ang bato mula sa kamay ko. Inilagay niya iyon sa lupa na puno ng mga bato. Hinarap naman niya ako at tinignan ng masama.
"Alam mo, pasalamat ka at nakaka-lakad pa ako ngayon. Kasi kung hindi na, baka puno na ng bugbog yang mukha mo." Nakita ko na ngumisi siya ng bahagya. Kaya, tumayo ako para harapin siya at nginisi-an pabalik.
"Sana nga hindi ka na lang nakapaglakad. Para, wala na ako'ng peste na nakikita." Sabi ko at tumalikod na. Maglalakad na sana ako palayo sa kanya pero, bigla na lang ako'ng nadapa sa mga malalaki'ng bato na nakapaligid. Dahilan para mamalipit ako sa sakit ng tuhod ko. Pinatid pala ako ng babaeng 'to. Tangina.
Lumapit siya sa akin at nginitian ako. "Ano'ng feeling? Masarap ba? Gusto mo isa pa?" Mapang-asar na sabi niya at umalis na. Naiwan naman ako ditong iniinda parin ang sakit ng aking tuhod.
Pinilit ko na lang tumayo kahit masakit ang mga tuhod ko. Umupo muna ulit ako sa isa sa mga bench para mabawasan ng konti ang pag-kirot ng mga tuhod ko.
'Tangina masakit parin.'
"Hoy, Yoongi. Tara na, uuwi na tayo." Bigla'ng sulpot ni Hoseok sa tabi ko. Inilahad naman niya ang kamay niya sa akin para tulungan ako'ng tumayo, na agad ko namang tinanggap.
"Ayan. Ayan ang napala mo sa pag-patid sa kanya. Ginantihan ka tuloy." Sabi niya habang umiling-iling. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at naglakad na lang.
Nang makarating kami kung nasaan naka-park ang kotse nia sinasakyan namin, agad silang nag-tinginan. May balak pa silang tanungin kung ano'ng nangyari pero tinignan ko na sila ng seryoso. Kaya nanahimik na lang sila.
—
this part is edited. nabawasan ng kajejehan hehe.
BINABASA MO ANG
MR. BADBOY | yoongi
Fanfiction"paano ba ako nainlove sayo ha? hindi naman ikaw yung type ko eh." ; mingoosh