Juyeol's.
Friday ngayon at naka-p.e. unfinorm kami. Kaya, kahit anong gawin namin pwede. Sa mga nag-aakala na ngayon kami mag-kikita ni 930309, hindi. Next friday pa yun mga chong!
Tsaka, about dun sa nangyari sa akin kahapon, okay na. Dinila ako nila Kuya at Mama sa hospital nung gabing yun. Sabi ng doktor, normal lang daw yun sa mga hindi...? Hindi ko na narinig yung sunod na sinabi nung doktor kasi hinila na ako ni Mama palabas sa hospital. Weird. Pero atleast, nandoon na si Mama sa mga oras na nahimatay ako.
"Nakita kita kahapon sa Hospital namin, Juyeol. Buhat-buhat ka ng kuya mo. Anyare sa sayo?" Tanong ni Jennie, na may bahid na pag-aalala at...takot? Nginitian ko lang siya at ginulo ang buhok niya. Nag-pout lang siya. Si Mark naman, inirapan lang si Jennie sa nakakatakot niyang pout.
"Ah. Bigla na lang kasing nag-dilim yung paningin ko. Buti na lang talaga't nandoon sila kuya." Tumango na lang siya at tinuon ang pansin sa pag-kain sa ice cream niya. Recess namin ngayon eh. Tsaka free time! Halos kalahati ng subjects namin niyan, free time lang. Friday eh.
Nag-libot lang kami sa buong campus. Hanggang hindi maubos ang ice cream namin, hindi kami titigil sa pag-lakad. Pwede kaming pumunta kung kahit saan man. Pero, kung may nag-kaklase, dapat manahimik kayo o ikaw. Pwede kang ma-guidance.
Nung maka-ramdam kami ng pagod, nag-pahinga muna kami sa may school garden. Mapapa-awang ang bibig mo kapag nakita mo ang garden dito. Malinis, malawak, at makulay. Relaxing tignan. May playground sa gilid nito, na para sa mga junior at senior kinder. May mga benches din na naka-pwesto sa ilalim ng puno.
Kami lang ang tao dito kaya nag-unahan kaming tatlo sa swing. Actually, apat naman yung swing eh, feel lang naman namin mag-agawan. Feeler lang ampeg.
Para kaming mga bata dito na tumatawa at tuwang tuwa sa pag-sswing. Pero sila lang talaga.
"Bakit kaya magilagid si Jennie?" Biglang sabi ni Mark. Nasisiraan na ng ulo toh. Umirap na lang ako sa kanya. Si Jennie naman, tinignan lang si Mark with a poker face.
"Oh talaga, tol." Sabi ni Jennie kaya natawa ako ng malakas. Oo! Ako na mababaw ang kasiyahan! Ang angas kasi ng pagka-sabi ni Jennie eh!!
"#TolZoned" Sabi ko at tumawa ulit. Bigla na lang tumayo si Jennie at hinila kami'ng dalawa ni Mark.
Naguguluhan man, hinayaan ko na lang siya.Dinala niya kami sa classroom namin. Lol, may klase na pala. Pero malay niyo, free time uhe. Pero parang malabo. Malabo sa subject na 'toh. Ito kasing teacher namin sa Music, simula palang ng klase, may pinagawa na. Orayt din eh noh. Tsaka, terror teacher siya. Babae pa naman kaya nakaka-takot. Ewan ko kung bakit natatakot ako sa mga babaeng terror na teacher, keysa sa lalaking terror.
Dumating na rin si Gluta na pawis na pawis. Kasama ang tropa of course. Mukhang nag-basketball. Nung nagtama ang paningin namin, nginisian niya ako at umiwas na agad ang tingin sa akin. Iniwas ko na lang din ang tingin ko sa kanya at tinuon ang pansin sa board. Maya-maya din ay dumating na rin ang subject teacher namin.
Tumungo siya sa teachers table na naka-pwesto sa gilid para ilagay ang ilang gamit niya roon. Pagkatapos niya, tumungo na siya sa harapan namin.
"Magkaka-roon tayo ng project ngayon. Gagawa kayo ng music video. Apat lang na group ito. Sa isang group sampu ang members. Dahil 40 lang naman rin kayo." Pagpapa-liwanag ni Ms. Reyes. Pero totoo, na-shock ako. Music Video amp! Shemay sana magkaka-sama kaming tatlong bibe!!!
"Group One, Jihoon, Seungcheol, Soonyoung, Son Seungwan , Joshua, Seokmin, Seungkwan, Seulgi, Dahyun, Chaeyoung. Doon kayo pumwestonsa bandang gilid ng mga shelves." Sabi ni Miss. Nagsitayuan naman yung nga yon at halata sa mga ito na masaya sila. Mag-babarkada kaya mga toh.
"Group two, Mingyu, Bambam, Wonwoo, Minghao, Jun, Chaeng, Chan, Nayeon, Lisa, Jaebum. Doon kayo." Bigla na lang niyakap ni Mingyu si Wonwoo kaya nagsi-tilian ang mga babae. Ah, bading.
"Group Three, Jisoo, Joohyun, Jihyo, Jinjin, Eunwoo, Sanha, Rosé, Yerim, Sooyoung, Jeonghan. Dito malapit sa teachers table." Sabi ni Miss. Nakatayo na yung mga kaklase namin kaya kaming sampu na lang ang natira.
Sht, ka-group namin sila Yoongi.
"Group four, kayong natira na naka-upo diyan. Kayo na lang hinihintay. Tayo na." Sabi ni Miss kaya agad na kaming tumayong sampu. Oh talaga tol, bakit sila pa?!
Sumunod na lang kami at nag-sama sama sa isang gilid. Ang awkward nga eh.
"Ang concept, malungkot. Kayo na bahala basta malungkot. Yung music niyo, sa pagkaka-alam ko may mga producers sa inyo diyan. Patulong na lang kayo sa iba, okay? At dahil mabait ako, walang deadline. Basta nagawa niyo at natapos niyo na, ipasa niyo na sa akin. Bahala kayo kung kailan niyo gustong ipasa. Yun lang, goodluck." Sabi niya at umalis na ng classroom. Woah, ang bait pala ni Miss. Pero naiinis ako sa kanya, parang sinadya niya na pag-sama kami ni Yoongi. Ngina.
"Uh..guys, meeting na lang tayo sa bahay ni Yoongi sa bukas. Mag-uusap lang tayo." Sabi nung matangkad na may dimples kapag ngumiti. Ah! Namjoon! Oo, tama! Namjoon ang name. Ang pogi bes! Huehue. Pero bakit sa bahay ni Yoongi?
"Kingina, ayaw ko'ng makasama ang magilagid na yan. Asa siya." Sabi ko sabay irap. Tinignan lang niya ako at inirapan. "Asa ka ring gusto kitang maka-sama." Sabi niya habang naka-ngisi na ngayon. Tinignan ko lang siya ng masama at kinausap na lang yung mga ka-tropa niya. Nakisama naman si Jen at Mark sa akin.
__
Juyeol's.
Nandito na kami ngayon sa bahay. Kasama ko sila Jennie at Markus. Diba nga, may pa-party si Koya Jin!
Nag-aayos kami ngayon ng tent. Hindi as in yung tent ha, yung as in blanket na mahaba tapos didiskartehan mo para mag mukhang tent. Basta! Ganoin.Mag-mmovie marathon daw kami pero party. Yung totoo? Party o Movie? Sapakan na lang oh!
"Yes! Tapos na yung tent!" Masayang sabi naming tatlo. Nakaka-enjoy pala gumawa ng tent. Lol. Nag-punta naman si Kuya ng may dalang maraming junk foods at soft drinks. Wow, galing pala ng Robinsons amp. HAHAHAHA.
"Ang dami naman yata niyan?" Tanong ni Mark habang tinitignan lahat ng pinamili ni Kuya. Naki-sama naman ako at si Jennie. Kumuha na nga kami ng sari-sariling chichirya, eh.
"Aba! Aba! Dapat naayos niyo na lahat ng gagamitin! Bago lumamon ok—?!" Ani ni Kuya. Nakaka-irita naman toh. Binatukan ko nga lang naman siya para matahimik.
Tumawa na lang yung dalawa'ng bibe at pumwesto na para manood ng Avengers. Yung Infinity War. Napanood na ni Author iyon last month pa. Oh talaga, tol. Singit pa ang sarili eh no.
(a/n: lakampake)
Nanood lang kami buong gabi hanggang mag-sawa na kami at naka-tulog na. Bahala na bukas, kahit ma-late kami sa meeting okay na yun. Ay shet, di ko nga pala alam kung saan bahay ni gluta. Hutangina. Bahala na si batman at superman.
BINABASA MO ANG
MR. BADBOY | yoongi
Fanfic"paano ba ako nainlove sayo ha? hindi naman ikaw yung type ko eh." ; mingoosh