MBB. | 000.5

17 2 2
                                    

chapter :: five ; what is love?

Juyeol's.

"Talaga?! Ginawa mo 'yon?!" Sabay na sigaw nila Mark at Jennie. Hindi kasi nila alam na pinuntahan ko si Yoongi kahapon sa may lawa. Nasa classroom na kami ngayon, nag-uusap. Nabanggit ko kasi sa kanila ang nangyari kahapon. Ang ginawa ko kay Yoongi.

Ibinaba ko ang kamay ko sa may armchair at inirapan sila. "Kung nakita niyo lang kung paano siya mamalipit sa sakit." Sabi ko at sabay ngisi. Sila naman, tawa ng tawa.

"Tangina, lampa pala ang puta!" Sabi naman ni Jennie at nagpatuloy sa pagtawa. Medyo natigilan naman si Mark dahil sa pagmumura ni Jennie. Maging ako ay bahagyang nagulat pero nakitawa na lang rin ako.

"Tatawa ka na nga lang, may mura pa!" Suway naman sa kanya ni Mark. Inirapan na lang siya ni Jennie. Wala namang nagawa si Mark at pinabayaan na lang ang nangyari.

Napalingon naman kami sa may pinto kung saan kasalukuyang papasok ang grupo nila Yoongi. Inaalalayan siya ng isa niyang mga kaibigan sa paglalakad. Makikita mo sa kanyang hitsura na pinipigilan ang sakit ng tuhod niya.

'When you're in pain but trying to be cool.'

Maya maya pa, nagpaalam na sila Jennie at Mark na babalik na sila sa designated seats nila. Tumango na lang ako. Halata namang nagpipigil sila ng tawa. Wala ring isang minuto dumating na rin ang aming guro.

Nakatingin lang ako ng diretso sa glass board. Sinusubukan kong makinig pero hindi nagsisink in ang mga sinasabi ng guro. Nang makaramdam ako ng antok, bahagya akong tumungo upang umidlip saglit.

"Sana mahimbing kang matulog mamaya."

Napalingon naman ako sa kanya nang bigla niyang sabihin 'yon. Napagtanto ko rin na nakatingin rin siya sa akin. Kumunot naman ang aking noo. Nababaliw na ba siya?

Hindi ko siya pinansin at binaling na lang ang tingin sa harapan. Bahagya akong nagulat nang may maramdaman akong humawak sa aking kanang kamay at pinag-interwind ang mga ito.

'Teka, nabaliw na ba ng tuluyan 'to?'

Pilit kong inaalis ang kamay ko sa kanya. Tinignan ko siya ng masama at pilit paring inaalis ang aking kamay mula sakanya. "H'wag mong hintaying dumapo muli ang aking palad sa iyong mukha." Madiin kong sabi.

Ngumiti lamang siya sa akin. Isang pekeng ngiti. "Labas tayo mamaya." Sabi niya at inalis na ang pagkahawak sa aking kamay. Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at lumabas na kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko naman namalayan na tapos na pala ang klase.

'Ano raw? Lalabas kami mamaya? Tangina niya asa siya.'

English subject. Last subject bago ang oras ng lunch. Natapos ko na lahat ang pinapagawa ng aming guro kaya maari na akong mag-lunch ng maaga. Pero pinili ko na lang hinitayin sila Mark at Jennie.

"Sasabayan kita mamaya. Sa ayaw at sa gusto mo." Biglaang sabi ni Yoongi sa aking tabi. Hindi ko na lang siya pinansin at umidlip na lang.

Napabalikwas ako nang maramdaman kong may tumapik sa akin. Si Mark. "Kain na." Tumayo naman na ako at bahagyang nag-unat unat. Nilibot ko naman ang aking tingin sa loob para hanapin si Jennie. Nakita ko naman siyang papalapit sa akin ng may ngiti sa kanyang mga labi.

"Arat na." Aya ko sa kanila. Tumango naman sila at nagsimula na kaming maglakad palabas ng room. Tahimik lang kaming naguusap at nagtatawanan nang biglang may umakbay sa akin. Sino pa ba? Si Yoongi.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko sa kanya. Inalis ko naman ang pagkaka-akbay niya sa akin. Ngumisi lang siya at nagpamulsa.

"I told you na sasabay ako, remember?" He said. Inirapan ko na lang siya at binilisan na ang paglalakad ko. Nauna na sila Jennie. Sinenyasan ko na silang mauna kanina.

Bigla naman akong hinila ni Yoongi at inakbayan ulit. Napupuno na ako sa lalaking 'to. "Juyeol, what is love?" Tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot.

He sighed and continued."For me, love is like a surprise. It's unexpected." Seryosong sabi niya. Wala naman akong pakialam sa mga sinasabi niya kaya nanatili akong tahimik at nagtitimpi. "Ikaw ba Juyeol? Para sayo ano ang-" I cut him off.

"Lumayo layo ka sa akin. Baka maubos nang tuluyan ang pasensya ko at mabura ka na lang sa mundong ito." Madiin kong sabi at inalis ulit ang pagka-akbay niya. Wala naman na siyang nagawa kung hindi pabayaan akong maglakad ng tuluyan palayo sa kanya.

'I know this game. It's all the same.'


ulit, edited ang chapter na 'to. medyo napaikli kasi tinanggal ko ang mga kajejehan ko at kakornihan. pasensya na rin sa mga grammatical errors.

MR. BADBOY | yoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon