Juyeol's.
Dalawang araw na ang lumipas simula nung nag-date kami ni Yoongi. Laking pasasalamat ko dahil, hindi na niya ako ginugulo—inaaway na niya ako. Nyeta, pagka-tapos nung araw na nag-date kami, binato ba naman daw ako ng bote ng tubig. Baliw yata. Tapos, nung ginantihan ko, nilagyan niya ng red paint yung upuan ko.
Ngina, papatayin ko na 'to. Actually, nandito ako ngayon sa classroom, nilagyan ang upuan niya ng red paint at bubble gum na nginuya ko. HAHAHA masama na kung masama, kadiri na kung kadiri, basta naka-ganti ako. HAHAHA. Kasabwat ko mga beshies ko syemps.
Nang dumating na sila, nanahimik na kaming mag-kakaibigan at bumalik sa mga upuan namin. Tinignan ko siya ng nakakaloko at nginisian siya. Naka-poker face lang siya'ng naka-tingin sa akin. Naka-jacket siya ngayon na may hoodie kaya medyo hindi niya mapapansin ang upuan niya. Well, pati mga tropa niya hindi mapapansin yun, kasi, busy sila'ng mag-chikahan tungkol sa mga chix. Kadiri!
"Good morning, class. Get your notebooks, seatwork tayo ngayon. Essay." Sabi ni Ms. Kwon pagka-pasok niya sa classroom. Ganyan lahat ng teachers ditey, agad may gagawin pagka-pasok nila.
"Miss, about saan po yung essay natin?" Tanong ni Sherine. Isa yan sa mga kaklase kong medyo siga. Pero nag-aaral ng mabuti.
"About your inasaeng-eseo gajang aleumdaun sungan. Kahit maikli lang yang sasabihin niyo, i don't care. Basta, may naisulat kayo diyan at may score kayo. Ilhae haesseo?" Sabi ni Miss at agad naman kaming nagsi-tanguan. "Ne, seonsaengnim! Daedanhi kamsahabnida!" Sabay sabay naming sabi at tinuon na ang atensyon sa mga notebook namin.
Medyo ma-nnose bleed ka sa pag-kkorean kay Mrs. Kwon. Kasi, half korean siya, meaning, hindi siya masyadong marunong mag-tagalog. Naiintindihan naman namin siya.
Nag-simula na akong mag-sulat ng sagot ko. Minsan, tumitingin kay Yoongi na nag-sasagot din. Mukhang hindi niya alam na may bubble gum sa upuan niya, ah.
"Staring is rude, Yuju." Nagulat ako ng bigla siyang nag-salita. Hindi ko na pala namalayan na naka-titig na pala ako sa kanya kanina pa. Nginisian ko lang siya at binaling ang atensyon ko sa papel ko. Ini-iscan kung may mali.
"Pass your papers." Tatayo na sana ako pero hinintay ko munang tumayo si Yoongi. Ano kayang hitsura ng pwetan niya kapag may bubblegum at red paint?
At ayun na nga, tumayo na siya kasabay ng mga tropa niya. ShEyT, kitang-kita yung paint tapos yung bubble gum parang regla! HAHAHAHA. Mukhang nakita din yun nila Jennie at Mark kaya tumingin sila sa akin. Palihim kaming tumatawa dito habang naka-tingin kay Yoongi.
"Hala bro, nireregla ka din ba?! Bakit may dugo yang pwetan mo?!" Gulat na sabi ng isa sa mga ka-tropa niya. Si Hoseok. Nagtawanan naman ang buong klase nung marinig nila iyon. Habang ang mga tropa niya, tinignan lang ng masama ang mga ito.
Bigla na lang siyang lumapit sa akin at tinignan ako nang masama. Woah, natakot daw ako. Ngayon ko lang napansin na suot niya yung kwintas na binili namin. Uh, I mean, napansin ko yun kasi, sobrang tingkad ng ilaw nun. Pula. Pula yung kwintas. Oh noes, beast mode na siya.
"Damn you, woman." Sabi niya at naglakad na palabas ng classroom. Si Mrs. Kwon ay napa-iling na lang sa pamangkin niya. Shikes, paktay akes.
"Bes, pasa na natin papers natin." Sabi ni Jennie. Tumango na lang ako at naglakad na papunta sa table ni Mrs. Kwon at pinass na ang mga papel namin.
Deadma lang si Mrs. Kwon. Alam niya'ng gumanti lang ako sa ginawa ni Yoongi sa akin nung last thursday. Sanay na yan si Mrs. Kwon sa pasaway at basag-ulo niyang pamangkin. Noong isang araw nga, nabalitaan na lang niya na, binasag ni Yoongi ang pag-mumukha ni Taeyong.
BINABASA MO ANG
MR. BADBOY | yoongi
Fanfiction"paano ba ako nainlove sayo ha? hindi naman ikaw yung type ko eh." ; mingoosh