MBB. | 000.1

52 4 1
                                    

Juyeol's.

"Hoy babaita! May klase pa tayo! Gumising ka nga!" Sigaw ng magaling ko'ng kuya na si Jin. Argh! Ang ingay nitong unggoy na 'to! Eh ano bang magagawa niya kung antok pa ako?! Tangena.

Bumangon na ako at naligo. Hindi ko na din siya sinagot pabalik. Nagbihis na ako at bumaba. Nadatnan ko sila mama at kuya na naka-upo sa sofa at tinitignan ako habang pababa ng hagdan. Binigyan ko naman sila ng 'Alam kong maganda na ako' look.

"Ma, kuya, tama na sa kakatingin okay? Oo na, maganda kasi ako kaya tinititigan niyo ako." Sabi ko at dumeretso sa hapag-kainan. Wow, hapag-kainan pa more. Nagiging makata na ako.

"Hoy Yuju Yeol Choi! Wag ka nga'ng feelingera diyan. Kanino ka ba nagmana ng ka-feelingerahan ha?" Sabi ng unggoy ko'ng kuya. Siya si Jin Ivan Choi. Pogi pero slight lang. Kaso, sa pwet pa napunta! Tsk. Pero wag ka, love ko 'yang unggoy na 'yan.

"Syempre mana sayo." Sagot ko pabalik sa kanya. At dahil napikon ang unggoy, akma niya ako'ng susuntukin pero inawat siya ni Mama, "Hoy ano ba kayong dalawa? Wag nga kayong mag-away. Nakaka-stress kayo! Sakit niyo sa bangs." Sabi ni Mama sabay irap. Agad kami'ng nagtawanan at sabay sabi ng-

"Nanay/Anak ko yan!" At sinabayan ng hair flip. Si Kuya naman ay diring-diri sa mga nakikita niya. "Tinde! Ma, Juyeol, naka-tira ba kayo? Lakas ng tama niyo eh!" Nasabi ko na ba na maingay si Jin? Jusko kung kayo ang nasa posisyon ko, mas gugustuhin niyo ng pakinggan si DK at Chenle sumigaw.

Nagtawanan na lang kami at pagkatapos, nagpaalam na kami kay Mama na papasok na kami. Oo nga pala, hindi ko alam pangalan ng school. Si kuya kasi nag-enroll sa akin at sa sarili niya. Tsaka lumipat kami ng school. Kasi, sa Trinity High ang daming nangtitrip sa akin. Kaya napag-desisyunan na lang naming lumipat.

"Kuya, anong pangalan ng school natin?" Tanong ko sabay kalabit sa kanya. "Kismet High School." Sabi niya sabay talikod. Eh paano naman kaya? Siya nangunguna sa paglalakad kaya nasa likod niya ako. Letse.

Medyo malayo din yung school kaya hingal na hingal ako nang makarating kami ni kuya. Pumasok na kami sa loob ng school at nagtanong sa guard kung saan yung bulletin board para malaman ang section namin.

"Kuya, nasaan po naka-pwesto yung bulletin board?" Tanong namin dalawa ng kapatid ko. "Diretso lang kayo papunta office, doon niyo na makikita. Malapit lang." Sabi ni Kuya at tinuro pa papunta ng office. "Okay po. Thank you po kuya." Sabi ko at naglakad na kasama si Jin papuntang bulletin board.

"Room 209, BT Building ang classroom mo, Juyeol. Ingat ka, tanga ka pa naman." Inirapan ko na lang siya at nag-simula na ako'ng hanapin classroom ko. Sumunod naman siya sa akin at hinatid na lang ako sa classroom ko at nagpaalam na din.

And now, nandito na ako sa classroom ko. Sobrang ingay. Nagliliparan ang mga papel at ballpen. Muntik na nga ako'ng matamaan eh. Dumeretso na lang ako sa may bakanteng upuan sa likod. Pinili ko talaga sa likod kasi mas-komportable ako doon. Atleast kahit hindi ka nakikinig sa teacher, hindi ka mapapagalitan.

Hindi parin tumitigil ang mga kaklase ko sa pag-iingay dito sa classroom. Yung iba naman nag-lalandian. Maririnig mo sa kanila ang mga katagang "I love you," at marami pang iba. Sana all may jowa.

Ang sarap sumigaw ng "Magbebreak rin kayo ulol." Pero wag na, lilitaw akong bitter. Biglang tumahimik lahat ng mga kaklase ko nang may pumasok na pitong lalaki.

'Yung kaninang may nagba-batuhan ng papel at ballpen, notebook, book, at halos lahat ng nasa classroom, ay nawala't natigil. Tapos, 'yung mga mata ng mga babae ay kumikinang habang nakatingin sa kanila. Sus, mukha lang namang mga itlog.

Feel na feel naman nila ang pag-lakad nila papunta sa dulo kung saan nandoon ang maraming bakante. In short, sa row ng mga upuan dito sa likod, at ang isa sa kanila ay tumabi sa akin. Nagulat nga ako 'nung tumabi sa akin yung lalaki'ng maputi. Blangko ang mukha niyang tumabi sa akin.

Binalewala ko na lang yung gluta boy. Napakaingay nung lalaki na kung mag-smile ay pa-kahon tsaka yung pandak. Nabigla na lang ako nung in-approach ako nung malaki ang ilong,

"Hi po! Ano po'ng pangalan niyo?" Sabi niya at nag-smile. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon ang atensiyon ko sa bintana. Pero madaling gumive-up ang kuya mo. Nag-walk out na lang siya at nag-sabi ng "Sungit."

Nagtawanan naman mga kasama niya at pinag-susuntok niya naman ang mga ito. Halos mag-dadalawang oras na at wala paring dumadating na teacher.

"Bakit wala pa'ng teacher? Ganito ba talaga dito?" Mahinang sabi ko at pinalo ng mahina ang table ng arm chair ko sa sobrang inip at inis. Nabigla na lang ako ng may nag-salitang lalaki sa tabi ko.

"Hindi mo naman masisisi yung teacher kung late o absent siya, 'diba?"

Dali-dali ko siyang hinarap, "Kausap ba kita? 'Diba hindi?" Sabi ko. Kinuha ko naang bag ko at tumayo na paalis. Dadaan muna ako sa canteen.

Dumeretso ako ng canteen dahil gutom na ako. Sakto lang paglabas ko kasi break time pala. Tahimik lang akong kumakain dito at naglalaro sa phone. Nakakainip, pero mas okay naman dito sa canteen kasi tahimik.

"Hanna, 'yun ba 'yung crush mo? Yung malaki 'yung ilong?"

"Oo! Ang pogi shet!"

"Jimin! Kahit maliit ka ang pogi mo!"

Pero, biglang umingay. Maingay na ngayon dahil sa pitong lalaki na 'to. Napatingin naman ako sa gawi nila. Ayun, feel na feel ulit nila 'yung paglakad nila. Pero hinayaan ko na lang, nagtuloy tuloy lang ako sa pagkain.

Maya maya pa, may naramdaman akong napakalamig na likido na tumutulo mula sa ulo ko. At lumabas na ang gluta boy na 'yon ay, binuhusan ako ng tubig.

Tawang tawa naman ang nga tao sa canteen. Kasama na yung mga kaibigan niya at lalo na siya. Ngumisi siya na parang demonyo,

"Ay, sorry. Ang dusing mo kasi kaya, binuhusan kita ng tubig para luminis ka." Sabi niya at sabay tawa ulit. Tangina mo, nagtitimpi lang ako sayo. Pero, sumobra ka na.

Kinuha ko naman ang softdrink na iniinom ko at, itinapon 'yon sa pagmumukha niya. Pero hindi lang 'yon ang ginawa ko, meron pa. Sinampal ko lang naman siya ng pagkalakas.

"Oh sorry, not sorry." I said and walked out of there. Iniwan ko siyang nanggagalaiti. Well, ngayon alam mo na kung sinong kinakalaban mo, kaya dapat matakot ka na. Burat.

𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘱𝘢𝘳𝘵 𝘪𝘴 𝘦𝘥𝘪𝘵𝘦𝘥. 𝘯𝘢𝘣𝘢𝘸𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘰𝘳𝘯𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢-𝘤𝘳𝘪𝘯𝘨𝘦. 𝘯𝘨𝘪𝘯𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘫𝘦𝘫𝘦.

MR. BADBOY | yoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon