Prologue

33.3K 289 1
                                    

        "I do" kasabay ng pagbigkas niya sa salitang iyon ay ang pagpatak ng luha ko.


        Tears of joy ba itong nararamdaman ko? Masayang masaya ba ako na sa wakas sa hinaba haba ng taon naming pagsasama nasa simbahan narin kami. Pero bakit ganoon? Bakit parang may kulang? Bakit parang may pumipiga sa puso ko at parang tinutusok ng karayom at unti unti itong nadudurog. Masakit pala talaga. Masakit na masakit lalo na at alam kong hindi ako ang pinagsabihan niya ng mga salitang iyon at hindi ako ang kaharap niya sa simbahang iyon.




        Nakakaloko lang talaga ee. Nakakaasar. Ang alam ko kasi dapat kami yung nandun pero bakit paggising ko isang araw iba na ang naging sitwasyon. Ang pangarap kong kasal NAMIN sa iba napunta. Ang mga salitang kaytagal kong hinintay sa iba niya nasabi.




        Pinahid ko ang nagbabadyang luha ko. Hindi dapat ako maging malungkot dapat maging masaya ako sa araw ng KASAL nam-Nila pala. Masaya dapat ako. Tama, dapat maging masaya ako pero paksyet namang buhay ito hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang maging masaya para sa kanila. Kasi sa mga oras na ito I wanted to die. I really wanted to die. Right here! Right here infront of all the people na saksi sa kasalang ito. I really wanted to die. Pakshet!




        Napansin kong luminga linga siya sa paligid pagkatapos banggitin iyon. Nangangamba. Natatakot na baka may isang taong makarinig nun. Hanggang sa dumako ang tingin niya sa AKIN. Tila ipinapahiwatig ng mga titig na iyon ang kalungkutan ng kanyang puso . Na ako parin ang mahal niya. Na ako parin ang laman ng puso't isip niya. Na ako parin ang mamahalin niya habang buhay.




        "By the power vested in me by the Catholic Church of the Philippines, I now pronounce you, husband and wife".




        "You may now kiss the bride" anunsyo ng pari.




        Ibubuka sana niya ang bibig niya para magsalita kaso umiling ako at ipinahiwatig na sundin nalang ang sinabi ng pari. OO, tama kayo, Ako ! Ako ang may desisyon nito. Santo ba ako? Martir? Bakit kailangan kong gawin ito? Bakit kailangan ako ang magsakripisyo?




        "Celine, mahal na mahal!" sigaw niya sa akin habang niyuyugyog niya angbalikat ko. Bakas sa mukha niya ang takot na totohaning iwanan ko siya. Pero iyon naman talaga ang gagawin ko . Masakit man pero iyon talaga ang dapat kong gawin. Nakapagdesisiyon na ako.




        "S-sorry. P-pero.. kailangan na talaga n-nating maghiwalay. A-ayoko na. T-tama na. Pa..p-pakawalan na natin ang isa't isa." Nauutal kong sabi. Masakit. Oo, pero wala akong magawa. Lahat sila umaayaw na sa pagmamahalan na namin. Bawat salita. . . bawat kilos namin. . .may mga masasaktan na.

The Unfaithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon