Chapter 13// Hot
Dahil sa hindi ko na alam kong anong gagawin ko at kong anong dapat kong isipin I decided to go somewhere.
Lugar kong saan maari akong makapag-isip ng maayos ng walang distorbo.
Maari kong balikan ang mga desisyon ko upang mapagtanto ko kung anong mga kamalian ko. Para kapag humarap na ako ulit sa ibang tao. Magiging sigurado na ako sa isasagot kong sakaling tanungin man nila ako.
Napagdesisyunan ko nalang magtungo sa beach resort ni Zero dito sa Pilipinas.
Yes! Si Zero na pinsan ni Zandrex. Nakausap ko na siya noon pa lang na kapag uuwi ako ay bibisita ako roon.
Pumayag naman siya, syempre magkaibigan kami noon at tsaka hindi din ito alam ni Zandrex. Si Zero lang din kasi ang nakakaalam nitong private resort niya.
Maya maya tumunog ang cellphone ko dahil may tumatawag. Sinagot ko naman ito agad.
"Hello. Nakarating ka na ba? Okay ba 'yong place.?"
Bungad niya sa akin.
"Yeah. Nice ambiance. Thanks for letting me na pumunta dito."
"No problem Yanne. Malakas ka kaya sa akin." He said.
"Yan tayo e.Thank you ulit." Ngumiti ako kahit hindi niya ako nakikita.
"It's okay. Sige na baka nakakaistorbo na ako sa pagmuni muni mo diyan. Bye -bye na my Yanne-girl. Miss you."
"Owww. Sweet naman. Huwag kang ganyan baka mainlove ako sayo. Hahaha. Okay. Miss you too. Hope to see you soon. Bisitahin mo naman ako dito kapag hindi ka na busy."
"I'll try ."
"No, do it okay! I'll hung up na. Bye." Sabi ko at i-end call ko na.
MAAGA akong nagising dahil gusto kong sulitin ang pagpunta ko dito. Nag ayos muna ako ng sarili bago lumabas at maglakad lakad. Ahay, sarap talaga ng simoy ng hangin sa tabing dagat—nakakagaan ng pakiramdam.
Naglakad lakad lang ako nang mapagod ay umupo ako sa may buhangin. Pinikit ko ulit ang aking mata.
Kailan ba ako ulit nakapunta sa beach? Di ko na matandaan dahil sa sobrang tagal.
"Ang init" Bigkas ko at pumikit. Bumilang ako ng tatlo bago nagmulat ng aking mata at natagpuan ko naman isang pares ng matang kulay bughaw na nakatingin sa akin.
"Yeah right. Your so hot." He said while a smile form in his lips.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
General FictionI'm sorry. It was my mistake. It was my choice and my decision to be his other woman." Celine Yanne Carrera