Chapter 3// Hindi kaya.
Nagdaan ang mga araw na nakauwi na ako dito sa Pilipinas. Three days to be exact at naiinis parin ako sa nangyari sa kwarto ko noong isang araw. Bakit ba hinayaan kong halikan niya ako. Urg! Inis na inis ako sa sarili plus I'm kinda bored also.
Yeah, damn bored!
Then I decided na pumunta nalang ako sa mall para magliw-aliw. Wala lang. Gusto ko lang. Pinark ko muna ang Ferari Car ko bago ako pumasok sa loob ng mall. Pumunta ako sa isang boutique. Tumingin ako roon ng pwedeng mabili at may isang dress akong natipuhan. Lumapit ako doon then someone bumped with me. Gosh! Sino ba to hindi man lang marunong tumingin sa dinaraan niya?!
"WHAT THE HELL--"
"Sorry-"
Pareho kaming napatigil sa pagsasalita.
"Celine? C-celine Yanne Carrera? Bruha ikaw ba yan talaga?"
"Hindi 'te, kaluluwa ko lang ito. Guni guni mo lang." Saad ko sa'kanya.
"Tatawa na ba ako? HA-HA-HA." Sarcastic na sabi nito. Aba't. "Ikaw bruha ka, may atraso ka pa sakin 'no, kaya 'wag na 'wag mo akong sinusungitan diyan, gaga 'to. Akala ko ba BFF tayo pero para mo akong inabandona e, iniwan mo lang ako ng walang paalam. Umalis ka ng hindi nagsasabi. Chaka mo talagang bruhita ka. Alam mo bang alalang alala ako sayo tapos bigla ka nalang nawala. Gosh! Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko. Hinintay ko pang kontakin mo ako pero wala. Gosh! Sarap mong jumbagin kang bakla ka. Pero promise namiss kita payakap nga" sabi niya then niyakap niya ako. As far as I know, hindi din naman ako matitiis ng bruhitang ito. Niyakap ko narin siya dahil namiss ko rin kasi siya
"S-areh okay? Sareh. May inayos lang kasi ako kaya naging super-duper over busy ako and I forgot na kontakin ka." Kaila ko. Luh, sobrang emotional stress kasi ako noon kaya nakalimutan ko na ring kontakin ang mga kaibagan ko sa Pinas. You know I need to do it 'cause nasa sitwasyon ako noon ng moving on. Kaya iniwasan kong magkaroon ng kontak dito para hindi ko maalala ang mga nangyari. Kaya, sorry for that Jas.
Oo nga pala she is, JASMINE MITCH RAMIREZ , ang aking BFF simula noong ipinanganak ako sa mundong ibabaw? Pwede ba iyon? Choz! Magbff na kami since noong highschool. At alam niya lahat ng mga nangyari sa akin, well, maliban nalang doon sa part na umalis ako dito sa bansa, 3 or 4 years ago from now. . ewan!
"Tse, lame excuses, ano naman ang pinagbibusy-busyhan mo? Iyang puso mong sugatan? Hindi ako tanga I know na kaya hindi mo ako kinontak dahil nag momove on ka kay Zach at ayaw mong may magpapaalala sa kanya kaya inabandona mo ako. I'm so sad na like ewwww!" pinusan niya naman kunwari ang luha sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
General FictionI'm sorry. It was my mistake. It was my choice and my decision to be his other woman." Celine Yanne Carrera