Chapter 22// Pregnant
Minsan naisip ko kung totoo ba ang forever? Ang One True Love? Ang happy ending? Ang happily ever after na nangyari kay Cinderella, kay Sleeping Beauty at -- sino pa ba iyong ibang characters na may happy ending? Ay basta sila. Iyon na iyon.
Baka nga nakatadhang wala talagang akong happy ending. Kasi kong tutuusin mas gugustuhin ko nalang din mag-isa sa buhay ko kung hindi rin lamang siya ang mapupunta sa akin.
Oo, mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at never iyong nawala. Mahal na mahal ko parin siya. Ano ba, paulit ulit nalang ako. Mahal ko si Zach. Period!
Hindi ko naman na sila ginugulo noon. Umiwas na nga ako simula noong kinausap ko sila 'Mmy at Daddy pati na rin si Alex.
Pinanindigan ko na talaga ang pagpaparaya.
Kahit masakit pinipilit ko na talagang tanggapin na wala na. Wala na kaming happy ending na magaganap ni Zach.
He belongs to my sister and I don't want to ruin again their family. Once is enough, kako nga sa sarili ko.
Nagiging maayos na rin pala ang lahat. Tingin ko nga I really made a right decision and I'm so proud of myself. I am also hoping na magtagal na ito.
But not until that day happen.
Lahat ata ng ginawa ko mawawalan ulit ng saysay.
All my sacrifices parang naglaho bigla.
Ang mga desisyong nagawa ko parang sinira ko rin lang ng paunti-unti.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
General FictionI'm sorry. It was my mistake. It was my choice and my decision to be his other woman." Celine Yanne Carrera