Chapter 9// Miss me.
Paggising ko hinanap ko agad si Zach sa tabi ko kaso wala siya.
'Baka umuwi na. Tss. Hindi man lang nagpaaalam.' Sabi ng isang tinig ng isip ko.
'Bakit naman siya magpapaalam sa iyo asawa ka ba?' Kontra naman ng isa pang tinig. Aba! Hmp!
Hay! oo nga no? Ano bang ineexpect ko? That he will stay in my house? Haler? Hindi ako assuming alam ko kung saan ako lulugar.
Bumangon na ako sa kama ko at naligo. I feel sore in my sensitive part kasi naman nakailan kami kagabi at kaninang madaling araw. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako at bumaba para magluto sa kusina kaso napansin kong bukas iyong pinto sa bahay ko kaya tinignan ko baka nakalimutang isarado ni Zach bago siya umalis.
Lumapit ako doon kaso may narinig akong boses. Boses ng babae at lalaki na nag-uusap? Sumilip ako sa pinto na bahagyang nakabukas at nakita ko si Zach na may kausap na babae at walang iba kundi si Alex.
''Zach, please 'wag mong gawin 'to. Kahit para sa anak natin kahit hindi na para sa akin. ''
''I'm sorry Alex. But my decision is final. I love Celine. Alam mo iyon noon pa man pero 'wag kang mag- alala hindi ko pababayaan ang anak ko. Susupurtahan ko siya hanggang sa paglaki niya.'' Aalis na sana si Zach pero hinawakan ni Alex ang kamay nito.
''Wag mong gawin ito Zach please lang ha?" Pagmamakaawa niya. "Naawa na ako sa anak natin. Lagi ka nalang niyang hinhanap kapag wala ka sa bahay. Alam kong kahit kailan hindi ko mapapalitan si Ate sa puso mo pero please lang 'wag mo namang sirain ang pamilyang binuo natin.'' Umiiyak na ito sa harap ni Zach at alam ko sa loob kong awang-awa na ako sa kapatid ko. I loved her but then what happened to us? Nang dahil sa isang lalaki nagkaganito kami.
BINABASA MO ANG
The Unfaithful Wife
Aktuelle LiteraturI'm sorry. It was my mistake. It was my choice and my decision to be his other woman." Celine Yanne Carrera