Chapter 8 : First Floor

257 11 0
                                    

[ Shu's POV ]

<• Floor 1 : Private Citadel •>
Central City of Private Citadel
'Date and Time : May 8, 2019 [ 04:28 PM ]'

Nakaupo ako ngayon habang nakasandal dito sa isang puno malapit sa sentro ng Citadel.

Isang buwan. Mag iisang buwan na ang nakakalipas mula ng magsimula ang larong ito. Sa pagkakataon na ito ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob ang mga player na lumaban at hindi tumakbo o tumakas sa kung saan. Pero hindi lang iyon ang inaalala ko dahil sa loob ng isang buwan na lumipas bigo pa din akong mahanap si Mantha mapa hanggang ngayon.

Shu tara na baka mahuli tayo. Napatingin ako sa tumawag sakin.

Si Rence lang pala habang sa tabi nito ay si Alex. Tumayo nako at nilapitan sila saka nagsimulang maglakad.

Patungo kami ngayon sa North Side ng CITADEL. Doon kasi gaganapin ang pagpupulong tungkol sa pag clear namin ngayon sa unang floor ng Z-World. Maraming player ang inimbita na pumunta doon upang makipag cooperate sa gagawin.

Tingin nyo kakayanin kaya natin ma clear ang unang floor?. Pagsisimula ng usapan ni Rence.

Sa palagay ko oo Rence , sapat na din ang level at mga gamit natin para lumaban. Sagot ko.

Pero may sabi sabi na mas mataas pa din ang level sa atin ng Boss at ang HP nito. Singit ni Alex.

Napatingin naman ako sa Status bar ko sa upper left side ng aking VS.

Lvl. 20     [❇️]
IGN : Zekken
HP : 140 / 140
AC : 100

Lvl. 20
IGN : Xael
HP : 140 / 140
AC : 100

Lvl. 19
IGN : Tails
HP : 130 / 130
AC : 100

( A/N : Ang ibig sabihin po ng AC ay Armor Combat. Isa ito sa pandagdag depensa sa bawat player upang mabawasan ang matatanggap nilang atake. Kapag nakaabot na ng lvl 15 ang bawat player ay automatic na may 100 AC na agad ito. Pero upang madagdagan ay makakabili ang mga player ng AC sa mga Shop o Black Market o di kaya naman sa mga costume nito. )

Nag swipe ako at agad na tinungo ang character stats ko. Pagkapindut ko ay ito ang lumitaw sa aking harapan.

[ Character ]

IGN : Zekken
Gender : Male
Level : 20
Clan : None
P.Weapon : Steel Blade
S.Weapon : VZ.61 Skorpion
Specialization : Executioner
Ability : Focus
Costume : Beginner Set

Character Status :

HP : 140
AC : 100

STR = 45
AGI = 20
INT = 17
LCK = 10
STA = 13

Points : 0

< Back|

Hindi ka talaga mag ra rifle Shu?. Nagulat ako ng sumingit si Rence sa akin at sinilip ang character ko.

Siguro Rence di ko kasi gusto yung mga weapon na nasa Market kaya nga yung Steel Blade na lang ang binili ko pati Skorpion. Sagot ko sabay sara ng VS ko.

Buti pala ako swerte kasi nandoon yung baril ko may kaibahan nga lang ng konti. Ngiting sabi ni Rence sabay hugot ng dalawang baril sa magkabilaang tagiliran at iniharap sakin.

Kung hindi ako nagkakamali ito din yung baril niya sa CFO kaso ang kaibahan ay wala itong silencer. Ang baril na gamit niya ay normal lang na Dual MP7. Napatingin naman ako kay Alex at sa baril nito na nasa likuran niya.

Cross Fire Online II : Z-World  #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon