Chapter 16 : Dragon Trainee

176 5 0
                                    

[ Thirdperson's POV ]

<• Floor 11 : City of Piltover •>
West Gate : Death Forest
'Date and Time :  November 30, 2019 [ 07:28 PM ]'

Sa kalagitnaan ng Death Forest ay isang grupo ng mga player ang naroon. Tila nagsisigawan dahil may hindi sila napagkakasunduan.

Bakit ba pabor lagi sayo ha?!. Inis na sabi ng babaeng player na may brown na buhok na naka twin tail.

Bakit sino ba ang nag boboost sainyo diba kami din naman?. Turan ng babaeng may kulay lila ang buhok.

Ehh bakit sainyo lagi napupunta yung mga item? Hindi lang kayo ang nagpapakahirap dito!!. Sigaw ng naka twin tail.

Teka lang Chirika tingin ko okay lang naman kung sa kanila na yun dahil EXP lang ang habol natin. Pagpapakalma ng isa sa kasamahan ng naka twin tail na si Chirika.

See? Kita mo na Chirika kahit mga kasamahan mo pabor sakin. Ngising saad ng babaeng player.

Hindi okay yon Yamato!! Hindi porket ikaw ang party leader Selena ay ikaw lang masusunod!. Duro ni Chirika sa babaeng may kulay lilang buhok.

Alam mo kung ayaw mo sa patakaran ko mabuti pang umalis ka na lang. Saad ni Selena sa kaniya.

Grr! Fine! Aalis talaga ako!!. Gigil na sabi ni Chirika.

Tumalikod na ito at magsisimula na sana maglakad ngunit pinigilan agad ito ng babaeng player na si Selena.

Teka muna Chirika baka nakakalimutan mo saamin galing ang mga Trans-Disk mo. Ngising saad ni Selena.

Inis na nag swipe si Chirika sa kaniyang inventory at ibinaba ang mga Trans-Disk nito. Dahil na din sa inis ay pati ang mga Z-Coin na nakuha niya sa pagpapaboost nila ay nilapag niya na din.

Ayan isaksak mo sa baga mo!!. Hindi nakatinging sagot ni Chirika saka naglakad paalis.

Teka! Chirika!. Tawag ng mga kasamahan niya pero hindi niya na lang ito pinansin.

Samantala ang player na si Selena ay agad na kinuha ang mga item at Z-Coin na iniwan ni Chirika saka inilagay sa kaniyang inventory. Mas napangisi ito lalo habang nakatingin sa dinaanan ni Chirika.

Tignan lang natin kung makaalis ka sa kalagitnaan ng Death Forest na ito.............

...Dragon Trainee Chirika. Sambit ni Selena sabay talikod at nagsimulang maglakad.

~ End of POV

[ Chirika's POV ]

Hmp! Hindi ko sila kailangan kaya kong magpa level sa sarili kong paraan. Saad ko sa aking sarili.

Napabuntong hininga na lang ako sabay bigkas ng aking ability.

Manipulate ON!! Summon : ZIRO!!. Sigaw sabay taas ng aking kanang kamay.

Mula sa itaas ay may lumitaw na isang mech-cube na may pakpak. Nagliwanag ito at ilang sandali ay lumitaw ang aking alaga. Para itong dragon na sinlaki ng lizard, ang mga pakpak ay gawa sa purong metal na may dark blue at silver na kulay. May green siyang mga mata at ang bibig niya ay nakasara lang kaya kapag nagsasalita ito ay nagliliwanag lang ang bibig niya.

Ziro! Ziro! Ziro!

Lumapag ito sa ulo ko at ikinuskos ang ulo niya sa buhok ko. Isang Mecha-Draggy si Ziro na nakuha noon sa isang mission. Kaya Ziro ang pangalan niya dahil Ziro lang ang parating binibigkas niya. Kakaiba siya sa lahat dahil siya lang ang bukod tanging mecha-dragon na nag heheal. Karamihan kasi ay puro pang atake ang ability nila.

Cross Fire Online II : Z-World  #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon