Chapter 25 : Z-Scroll

198 10 4
                                    

[ Shu's POV ]

<• Floor 16 : Aisland •>
Central City of Aisland
'Date and Time : December 23, 2019 [ 10:45 AM ]'

• Grandzam Assembly Hall - SDF Meeting •

Kasalukuyan akong nasa meeting ngayon kasama sina Alex at Rence pati ang mga piling player ng RDB. Syempre nandito din ang mga inimbita ni Dust na mga player tulad ng sinabi niya. Kung susumahin nasa 50 plus kaming narito.

Bakit ngayon ka lang umattend ha?!.

Karamihan sa mga player na napili na mapabilang sa Special Dragon Force ay magkakahalo. May iba na galing sa kilalang clan na Victus Siege, Commandments at yung iba mga solo player na ata. Kung tutuusin ito yung plano noon sa front lines na meeting na nabago ngayon at naging piling player na lang ang mga kasama. Aaminin ko na mas nakakakaba at nakakabahala ito. Dahil ang kalaban namin dito, marunong mag-isip hindi tulad ng mga zombies.

Huwag ka magbingi bingihan hoy!!.

Nabigla ako nung sikuhin ako ni Alex at binulungan. Sumagot ka oy.

Ako ba tinutukoy niya?. Tanong ko.

Imbis na sagutin ay napailing lang siya habang si Rence nakita kong tawa ng tawa sa gilid.

*swoosshh*

*Tang!*

Aray!.

Nabigla ako nung may tumama sakin na bagay. Nang tignan ko ay compass pala iyon. Tumingin ako sa pinanggalingan nito at ang sama ng tingin niya sakin. Nakalimutan ko na pangatlo at huling meeting na pala ito.

Pasensya na nakalimutan ko kasi eh.

Nakalimutan?! Pero yung dalawang kasama mo nakakapunta. Pinaglololoko mo ba ko ha?!. Inis na sabi nito.

Ah eh. Napatingin ako kila Alex at umiwas lang sila ng tingin sakin.

Mabuti pa ituloy mo na yung meeting dahil may mga gagawin pa kami. Pagsingit ng isang player na may puting buhok.

Mag-uusap tayo mamaya sa office ng Head Master. Duro sakin ni Frejya.

Oyy teka lang. Pagtawag ko pero hindi nako pinansin nito.

Muli ay nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag tungkol sa meeting. Wala nakong nagawa kundi makinig na lang. Kung tutuusin alam ko naman ang mga napag usapan nila sa mga naunang meeting. Balak ng buong SDF (ayan yung tawag nila samin) na iambush yung lungga ng mga PK. Sa mga nakalap na impormasyon sa nagdaang araw, nadiskubre nila ang isang PK Clan na tinatawag na Noxus. Isa daw itong grupo na sobrang dalubhasa kung ikukumpara sa mga ordinaryong PK Clan. Kaso napakadalang nila makita dahil sa bawat krimen na nagawa nila. Sobrang bilis at linis nila pumatay. Isang informer ang nakapagturo kung saan sila nagka kampo. Aaminin ko wala akong naiambag dahil may importante akong inaasikaso.

Ayon pa sa nakalap naming impormasyon, itong tatlo ang namamahala sa grupong iyon. Hindi ko alam kung anong mga specialization nila pero atleast dito may ideya na tayo kung anong itsura nila. 

Nag swipe bigla si Frejya at may lumitaw na holographic board sa harapan. Iniharap niya samin iyon at tatlong litrato ng mga player ang naroon.

Yung nasa kaliwa, siya si Sting. Pinindut naman ni Frejya yung litrato at nag highlight ito.

Base sa itsura niya mukha siyang psychopath. Nakadila ito habang may hawak na kutsilyo. Kulay grey ang buhok, kulay pula ang mata at nakasuot ito na parang plated armor costume na may style na camouflage. Pero ang takaw pansin dito ay yung suot nitong eyepatch na itim sa kaliwang mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cross Fire Online II : Z-World  #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon