Chapter 13 : Moon Squad

210 11 0
                                    

[ Shu's POV ]

<• Floor 6 : Zarth>
Central City of Zarth
'Date and Time : November 11, 2019 [ 10:16 AM ]'

• Cafe Shop •

Cheerssss!!!.

*Ting*

Nandito ako ngayon sa loob ng cafe shop kasama ang grupo na tinulungan ko kagabi. Bilang pasasalamat daw nila ito sa akin at maliit na celebration dahil unang beses pa lang sila naka kill ng Rank S zombie.

Maki cheers ka naman pare!. Sabi ng isa sa kanila na sa pagkakatanda ko ito yung naka shield.

Oo nga kung hindi dahil sayo di namin mapapatay iyon. Sabi naman ng isa pang kasamahan nilang babae.

Ahh ehh. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila.

Nahihiya ka pa ata kasi di mo kami kilala. Saad nung nasa gitnang table na katapat ko. Ako nga pala si [ Rednax ] ang leader ng grupong ito. Isang Executioner.

Ito naman si [ Freek ] isang Sharpshooter. Turo niya sa naka Sniper. Ngumiti lang ito sa akin.

Yung nakasabayan mong Vanguard. Turo niya sa naka shield. Siya si [ Teechi ].

Ikinagagalak kitang makilala pare. Sabi nung Teechi.

Ito naman si [ Cassandra ] Executioner din tulad ko. Yung babaeng may dilaw na buhok.

Hello. Ngiting sabi ni Cassandra.

At ang huli yung niligtas mo kagabi. Turo niya sa tabi nung Cassandra. Siya si [ Miracle ] isang Medic.

Salamat sa pagsagip sa akin kahapon kuya. Yukong sabi ng may IGN na Miracle. May pagka mahiyain siguro.

Dito nabuo ang grupo namin. At ang grupo na iyon ay tinawag naming........

MOON SQUAD!!. Sabay sabay nilang sabi.

Kaya pala pansin ko na sa mga suot nila ay may logo ng baril na ang background ay buwan.

Ikaw di ka pa namin kilala. Sabi ni Teechi.

Dali! Pakilala kana. Magiliw na sabi ni Cassandra.

Napalingon ako sa kanila at halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Tila ba nag aantay ng napakagandang sasabihin ko.

Ahm. Zekken isang soloer. Maikling sabi ko.

Yun lang? Akala ko pa naman kasali ka sa mga bigatin na clan dahil sa skill mo. Saad ni Cassandra.

Kaso sabagay paano nga naman mahahalata eh nakapang beginner set ka pa din. Puna ni Teechi sa suot ko.

Solo player? Wala ka bang naging kasama kahit isa manlang?. Usisang tanong ni Rednax.

Meron pero magkakahiwalay kami ngayon dahil sa isang Misyon. Tugon ko.

Anung misyon naman iyon?. Tanong ni Teechi.

Hindi ko ito nasagot. Mas gusto ko kasi na kami kami na lang nila Rence ang nakakaalam sa bagay na yun.

Cross Fire Online II : Z-World  #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon