Chapter 2 : Cody's Death

380 21 1
                                    

[ Shu's POV ]

{ Virtual World }

*Bang* *tlang*

Sapul!! Hahaha mukhang sa akin na mapupunta yung pizza yuhoo!!. Tuwang sabi ni Rence matapos tamaan ang lata na nakapatong sa kabilang mesa na ilang metro ang layo saamin.

*Bang* *klang*

Asa ka namang matatalo mo ko sa pag aasinta. Sambit ni Alex ng natamaan niya yung lata na kalapit ng binaril ni Rence.

Alam nyo mas mabuti kung paghatian nyo na lang yung isang slice kesa nagpapaligsahan kayu dyan. Suhestiyon bigla ni Nery habang nakaupo malapit kila Rence.

Pinagtatalunan niyo pa eh kung tutuusin kay Master dapat yung huling slice. Singit naman bigla ni Clark.

Kanina pa nagpapaligsahan sila Alex para lang sa huling slice ng pizza na natitira. Nawalan kasi ako ng gana kainin kaya yun nagtalo yung dalawa. Buti na lang talaga isang Safe Zone itong GoM kung hindi baka nakaperwisyo pa kami ng ibang player.

*Bang* *Klang*

*Bang* *tsung*

HAA!!?? Bat di tumama?!?!. Gulat na reaksyon ni Rence.

Paano ba yan sa akin na yun ahh panalo ako. Sabi ni Alex sabay ngisi kay Rence na parang nang aasar.

Nabigla ako ng nay lumitaw sa VS ko.

<| You have a message ! |>

       [ Open ]   [ Ignore ]

Pinindut ko na lang ung open at binasa yung message.

[ MESSAGE ]

Shu magkita tayo mamaya ahh miss na kita ehh :* ^_^

                                      From : Yuna18

Nagkita naman kami kahapon miss agad?. Bulong ko sa aking sarili.

Agad na lang ako nag reply sa kaniya.

[ MESSAGE ]

Anung oras ba ?? Atsaka pwede bang dito na lang kasi wala ding magbabantay ng bahay kapag umalis ako.

                                     From : Zekken

[ Send ]  [ Cancel ]

Pinindut ko naman agad yung send saka sinara ang VS ko. Pero ilang minuto lang din ay nakatanggap ulit ako ng reply sa kaniya.

[ MESSAGE ]

Edi dyan na lang tayo sainyo okay lang naman sakin yun ehh basta punta nako agad dyan ahh see you later... love you! :) :* ^^

                                       From : Yuna18

Magrereply pa sana ako ng bigla na lang siyang nag offline. Napatingin naman ako sa team ko na abala sa kwentuhan nila.

Team mag a out muna ako magkikita kasi kami ni Mantha ehh. Sabi ko.

Oks lang yun master ingat na lang. Saad ni Clark.

Sige Shu kami ng bahala dito basta enjoy with your loves yiie!!. Pang aasar ni Rence. Baliw talaga to.

Nag swipe nako at pinindut ang Log Out button.

[ LOG OUT ]

Would you like to log out??

Cross Fire Online II : Z-World  #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon