Chapter 9 : Zerafus the Undead King

249 11 1
                                    

[ Shu's POV ]

Nang magsimula na ang barilan ay sabay sabay kaming gumamit ng aming ability.

Focus ON!

Booster ON!

Eagle Eye ON!

Trickter ON.

< Trickster >

- a kind of ability that gives you high agility to move easily and rapidly. Also, it gives you an ability to climb , somersaulting , tumble etc. to dodge or assassinate your enemy

Napatingin ako sa isang member namin. Kung ang kay Rence ay asul na aura sa kaniya naman ay puti.

RaAAaWWwwwRRrr!!!

Nabaling naman ang atensyon namin sa sigaw ng boss kasunod nun ay may lumitaw sa aming mga VS.

Name : Zerafus the Undead King
HP : 15,000 / 15,000
Rank : SSS
Ability :
Acid Bomb
Ground Impact
Acid Blast
Slice of Death ( Not Activated )
Regeneration ( Not Activated )

Mukhang totoo ang nakasaad sa libro. Tulad ng sabi ni DeathMark may cannon ito sa kanang kamay at sa magkabilaang braso naman may kadena na kung saan sa dulo ay may pakurbang talim. Kung ididiskubre ang itsura , sobrang taba nito at may parang gas mask na sira sa mukha , maputla ang balat at may sirang korona sa ulo nito. Ang mga paa naman nito ay may mga bakal na nakakabit ang ilan pa ay may patusok. Kung susumahin ang taas tingin ko dalawang palapag.

Okay mga GearMaster na may mga robot gamitin nyu na!. Utos ni DeathMark.

Nagkaniya kaniya namang sigaw ang mga GearMaster na may robot.

Manipulate ON! Summon : Alfredo / Steel Wing !!. Sigaw ng mga GearMaster.

Nagkaroon naman ng tatlong robot na nasa lupa at dalawang lumilipad. Yung Steel Wing parang maliit na dragon or draggy ito na robot na kulay black na may silver.

Lahat ng Robot ipang front sa boss pati yung mga Vanguard at yung mga Executioner naman na close range umatake kayo habang may robot na pinagkakaabalahan ang boss. Pati na din ang mga Assassinator. Yung mga Sharpshooter naman focus kayo sa mga alagad ng boss para hindi sila makalapit sa mga aatake sa boss!. Yung mga Medic maging alerto kapag may player na konti buhay!. Command ni DeathMark.

Hindi ko naiwasan na mapahanga sa pag command ni DeathMark. Kung titignan parang hindi na siya baguhan at mukhang nahasa na sa pagle lead.

Wargh!

Naalerto ako bigla ng may sumunggab sa aking harapan na zombie. Yumuko ako at naiwasan ko naman ang atake nito. Mabilis kong ipinuwesto sa baba ang aking steel sword sabay slash paitaas.

Namatay naman doon ang zombie pero hindi pa doon natapos ng napansin kong may tumalon sa aking likuran. Huli na ng napansin ko ang isang Hollow na papalapit sa akin. Nang malapit na ito ay nabigla ako ng may sumipa dito palayo sa akin saka pinagbabaril ito.

*bogsh*

Napatingin ako sa kaniya at isang ngiti ang nasilayan ko sa ilalim ng kaniyang hood.

*Ratatatatatatataatatt*

*Baaaannnggggg*

*Booggssshhh*

RaawwwRrr!!!.

Napatingin kami bigla sa pagsigaw ng boss. Galit na galit ito at dahil doon tinabing niya gamit ang kaliwang kamay ang mga nasa harapan niya. Nagsitalsikan naman ang mga Vanguard at yung mga robot naman ay nasira at naglaho. Hindi pa natapos doon ng pagbabarilin niya ang mga steel wing gamit ang cannon nito sa kanang kamay.

Cross Fire Online II : Z-World  #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon