Chapter 10 : Red Haired Girl

248 9 2
                                    

[ Shu's POV ]

ACID BLAST NANAMAN!!!

IWAS!!

AHHHHH!!

Bwiset!. Naiinis nako sa boss na ito.

Kaming lahat sobrang hirap na hirap na makalapit sa kaniya at maka atake dahil sa bilis nito. Halos nasa anim na player na ang namamatay kasama na si Jester.

RaaWwwRrrrr!!!

Name : Zerafus the Undead King
HP :  754 / 15,000
Rank : SSS
Ability :
Acid Bomb ( Not required )
Ground Impact
Acid Blast
Slice of Death ( Activated )
Regeneration ( Activated )

Patuloy pa din sa pag regenerate ang HP nito kaya dapat hindi kami tumigil sa pag atake. Kaso ang problema bumibilis masyado ang boss dahil may iilan sa amin ang konting buhay. Hindi naman sila makagamit ng Medical Gun dahil pag nagkataon baka hindi nila maiwasan ang bawat atake ng boss. Ang mga Medic namin walang magawa dahil sadyang matagal mag cooldown ang mga ability nila.

Kung titigil kami sa pag atake walang mangyayari patuloy lang na mag reregen ang HP nito. Pero kung mag sasabay sabay kami malaki ang chance naming manalo.....Yun ay kung kaya namin itong tagalan...

Napatingin ako sa ibang mga player. Halos karamihan sa kanila ay sobrang hingal na hingal dala ng pagod. Maging sila Alex at Rence ay halata sa kanila maliban na lang sa naka cloak. Patuloy pa din sa pakikipag laban ang lahat lalo na si DeathMark na panay ang command.

Sa-sa-sala-mat n-na lang sa-i-yo ba-ta..

Natulala ako ng sumagi sa isip ko ang itsura ni Jester bago siya mamatay. Napayuko na lang ako at napahawak ng mahigpit sa aking sandata.

Mag isip ka ng paraan Shu. Bulong ko sa aking sarili.

Tumingin ako sa paligid at inilibot ko ang aking mga mata. Halos lahat ay abala sa pakikipag sabayan sa Boss. Pero nabaling ang atensyon ko kila Alex. Kasalukuyang lumulusob si Rence patungo sa boss. Mabilis naman itong napansin at humampas ito gamit ang kurbang talim sa direksyon ni Rence. Ngunit madali lang iyon naiwasan ni Rence ng mag side step ito sabay talon sa kanang braso nito. Hahawakan naman sana dapat ng boss si Rence pero parang wala lang ito sa kaniya at sumigaw pa.

XAEL!!

*Baaannngggg*

ARRRGGHh!!

*Ratatatatatattatatatatatat*

Imbis na nahawakan si Rence ay sa mukha napunta ang kamay ng boss dahil sa balang tumama dito. Mabilis na umatras si Rence. Akala ko doon na natapos pero hindi pa pala dahil muling lumusob si Rence ng harap harapan habang si Alex ay nakatutok sa likuran ni Rence.

Teka pamilyar sakin yun ah........

*Ratatattatatatatatatatatat*

Bumaril si Rence na siyang ikinagalit lalo ng boss kaya humampas ito paharap. Pero agad na nag backstep si Rence sabay sigaw nito.

Ngayon na Alex!!. Sigaw ni Rence sabay bartikal paatras at kasunod nun ay ang isang putok.

*Baaaaannngggg*

ARGHHH!!

Daing ng boss sa sakit dahil sa pagkatama ng bala sa kaniyang ulo. Pero hindi ko pa inaasahan ang kasunod dahil habang nasa ere si Rence ay bumabaril pa ito na siyang nagpabawas lalo sa HP ng boss.

Name : Zerafus the Undead King
HP :  435 / 15,000
Rank : SSS
Ability :
Acid Bomb ( Not required )
Ground Impact
Acid Blast
Slice of Death ( Activated )
Regeneration ( Activated )

Cross Fire Online II : Z-World  #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon