Chapter 12 : Wicked Wolf

199 8 0
                                    

[ Shu's POV ]

<• Floor 6 : Zarth>
South Gate - Rain Forest
'Date and Time : November 10, 2019 [ 03:08 PM ]'

Kasalukyan akong nagpapahinga ngayon isa sa mga puno dito sa Rain Forest na malapit sa ilog. Kakatapos ko lang kasi magpa level at sa kabutihang palad naman ay nasa 29 nako. Puro Class B at A ang common na mga napapatay ko kaya mababang EXP lang ang nakukuha ko.

Bigla naman may lumitaw sa VS ko.

[ You have a message! ]

  < Open >  < Ignore >

Pinindut ko ang open at kay Rence pala nanggaling yung message.

From : Tails

Shu mag iingat ka may mga kumakalat ngayon na grupo ng mga PK sa buong Z-World...

[ Close ]

Player Killer huh?.......

Pinindut ko naman ang close atsaka bumangon at bumaba sa puno saka nagsimulang maglakad. Mukhang delikado ang mga yun at sa tingin ko sa mga gantong lugar sila nag lilibot dahil hindi ito sakop ng safe zone kung saan hindi mo pwedeng patayin ang mga player.

Nakarating naman agad ako sa gate patungong town at kasunod nito ay ang paglitaw ng notif sa aking VS.

'You would like to go to Zarth?' - Virtual Screen.

< YES > < NO >

Pinindut ko na ang YES at nateleport din naman ako agad sa town.

----------------------------------------------------------------------

Nagsimula nakong maglakad patungong sentro ng Zarth. Sa paglalakad ay panay tingin ako sa paligid baka sakaling makita ko siya. Palagi akong bumababa sa gantong floor kung sakali man na nandito siya nagpupunta.

[ Annoucement : Floor 11 has been clear by a Party!. For more information please go to the 'News Department' near to the center town of every floor. ]

Napatigil ako sa paglalakad matapos kong marinig ang annoucement. Kasabay nito ang mga bulungan ng ibang player sa paligid ko.

Ang galing talaga nila.

Sana mapasama din tayo sa Front Lines.

Nakakalungkot lang dahil may base level silang sinusunod para makasali sa kanila.

Hindi nako nakinig pa at naglakad na ang ulit.

Mayroon ngang base level na sinusunod ang mga namumuno sa Front Lines. Kailangan nasa level 30 pataas dapat ang character mo pati na din ang mga gamit. Kaya ko naman magpa level 30 kung tutuusin pag sa mataas na floor ako nagpa level pero mas pinipili ko pa din dito.

Agad kong tinungo ang News Department para malaman kung sino sino ang mga player na nandoon.

• News Department •

Pumasok ako sa loob at may iilang mga player din ang narito. Napakadaming holographic board sa paligid pero hindi din ako nahirapan maghanap ng makita ko ang word na New sa isang board.

Tinungo ko ito at nakapaloob doon ang tungkol sa nangyari sa pag clear sa Floor 11 pati na ang mga player na nakipag participate. Napagawi ako bigla ang mata ko ng makita ko ang pangalan nila Rence sa list.

[ Floor 11 ]
1. Royal Dragon Battalion ( Clan )
2. Victus Siege ( Clan )
3. Black Fury ( Clan )
4. Commandments ( Clan )
5. Ranger Alliance ( Clan )
6. Zeromix
7. Tails
8. Xael
9. Mikkleo
10. Rengar
11. Sheen
12. Dark Rose
13. Sphynx
14. Wilmer
15. Zachi
16. Kinko

Cross Fire Online II : Z-World  #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon