Chapter 7 : Rence and Alex

262 9 2
                                    

[ Shu's POV ]

YAAHHHH HHHAAAA!!!!...

*Ziiinnngggggg*

[ You killed the Undead !! Here's your reward ]

Exp gained : 25 exp
Z-Coin : 100

Hingal na hingal ako pagkatapos kong hiwain yung huling zombie na natira. Napaupo ako sa sahig pati na rin ang dalawang kasama ko dahil sa pagod.

Nagtagumpay kaming talunin lahat ng zombie na ibinagsak sa amin ni Moltimer. Pero kapalit naman nun ay may mga iilang player ang namatay.

Natapos din phew!. Saad ng sniper na nasa aking likuran habang katabi nito ang kaibigan niya.

Nakakapagod talaga hayss kailangan ko tuloy pataasin pa yung Stamina ko. Ani ng katabi ng Sniper saka humiga sa sahig.

Napansin ko na hindi pa ko nag heheal kaya inilabas kong muli ang Med. Gun at itinarak sa aking braso. Dahil doon ay napunong muli ang HP ko kaya ibinalik ko na ito sa aking inventory.

Nakita ko namang papalapit sa akin ang dalawang player na nakasama ko. Inilahad pa ng Sniper ang kamay nito sa aking harapan kaya agad kl itong hinawakan at tumayo.

Sa tagal ng pakikipaglaban natin kanina hindi namin alam kung anong pangalan mo pre. Sabi nung maliit.

Pero nung nakita namen kung paano mo hinarap yung naka AK-47 kanina ay nakabuo kami ng isang hinala. Saad naman ng Sniper.

Tinignan ko lang silang dalawa at ganun din sila sa akin. Napansin ko pa na napagawi ang mga mata nila sa Rusty Sword ko pero agad din namang bumalik sa akin.

Ikaw ba iyan Shuriken??. Sabay nilang tanong.

Nagulat ako sa sinabi nila pero hindi din nagtagal dahil napalitan agad ito ng tuwa sa aking nararamdaman. Napangiti ako sa kanilang dalawa pero doon ko din napagtanto kung bakit pamilyar sila sa akin simula nung una ko silang makita.

Hindi nako magtataka kung kayong dalawa iyan Rence. Sabi ko saka tumingin sa maliit na player. at Alex. Baling ko sa naka sniper.

Ikaw nga iyan SHU!!!!. Tuwang sabi ni Rence.

Mabuti naman at nakita ka din namin. Sabi naman ni Alex saka ngumiti.

Oo nga pala nasaan sina Clark at Nery?? Nakita nyo na din ba sila pati ang Legions?. Tanong ko.

Doon nawala naman ang galak sa kanilang itsura at napayuko naman si Rence.

Hindi pa namin sila nakikita Shu lalo na sina Clark At Nery. Hanggang sa nagsimula itong game kaming dalawa lang ni Rence ang nagkasama. Sagot ni Alex.

Buti na nga lang nagkita kami ni Alex kung hindi nagkataon baka solo mode tayong lahat. Dagdag ni Rence.

Napailing na lang ako sa mga narinig ko sa kanila. Ang akala ko pa man din ay magkakasama sama kami sa larong ito.

Bigla naman nagbago ang pakiramdam ko. Feeling ko kasi parang may kulang at inisip ko kung anu yun.

Oo nga pala Shu hindi mo ba kasama si Mantha??. Tanong ni Alex.

Sh*t.....

Napamura ako sa aking isip ng marinig ko ang tanong ni Alex. Bigla akong nabalot ng takot at pangamba dahil hindi ko alam kung saan siya hahanapin.

Bakit sa dinami dami pa ng tao siya pa yung nakalimutan ko?!. Inis kong tanong sa aking sarili sabay hawak sa aking ulo.

Base sa reaksyon mo mukhang hindi mo sila kasama. Masama ito. Pailing ma sabi ni Alex.

Cross Fire Online II : Z-World  #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon