Chapter 21 : Traitor

221 4 3
                                    

[ Frejya's POV ]

Napakadami nila......

Napapalibutan kami ngayon ng mga di kilalang player. Magkakaiba sila ng mga suot ngunit ang pinagkakapareho ay ang kulay grey na maliit na bandana na may simbolong itim na diamond at sa gitna nito ay may bungo na may nakatarak na kutsilyo sa ulo at may dugo.

Tinignan ko silang maigi at halos lahat sila ay Orange ang mga Status bar nila.

Sino naman kayo?. Tanong ni Zekken.

Kami ang [ Blood Heads ] at ang Relic na ito ang kampo namen. Sagot nung babae. Siya ata yung tumatayong leader ng grupo nila.

At ikaw? Sila ba ang mga ipapatumba mo ha?. Nagtaka ako sa sinabi nung babae.

Napatingin ako sa aking likuran pero nung tinignan ko si Zekken ay naka fighting stance at tahimik lang ito. Doon ko napagtanto kung sino ang tinutukoy niya.

Hindi ko manlang napansin na wala na siya sa talikurang ginawa namin kanina.

Zohan?!. Imbis na sumagot ay napahawak lang ito sa kaniyang mukha at tumawa.

HAHAHAHAHA. Akala ko pa naman matatalino kayo. Tawang saad ni Zohan.

Anung ibig sabihin nito?! Sumagot ka!!. Pasigaw kong tanong. Ngunit hindi niya ako sinagot.

Ipapapatay mo kami dito tama ba?. Nabigla ako sa tinanong ni Zekken.

Tch. Grabe napakabilis mo naman mag isip. Saad ni Zohan. Naglakad ito papunta sa haparan namin. Pero tama ka. Yun ang plano ko!. HAHAHAHAHA.

Hayup ka! Ang mga katulad mo ay di nararapat sumali sa RDB!. Inis kong sabi.

Ow teka lang. Nag swipe ito sa kaniyang inventory at may kung anung ginawa doon.

Bigla namang may lumitaw sa VS ko na isang message. Kaya inopen ko agad ito. Halos matulala ako sa nabasa ko.

Natanggap mo na ba ang mensahe nila?. Hindi ko pinansin ang tanong niya bagkus ay binasa ko na lang yung message sakin. Halos natigilan ako saglit sa nabasa ko.

Hindi maaari ito.......

Nasayang ang pag set ko ng trap para sayo doon. Kinailangan ko pang gawan ng paraan para lang mapagtagumpayan ang planong ito. Paliwanag niya. Sa totoo lang ikaw lang talaga ang pakay ko Frejya pero dahil sa pampapahiya sakin ng Player na yan!!!. Turo niya ay Zekken. Isasama ko siya sa hukay mo!.

Parang hindi pa din pumapasok sa isipan ko yung nabasa ko. Hindi talaga ako makapaniwala na mangyayari iyon. Dahil sakin.

Anu ba Frejya! Umayos ka nga. Ano ba iyang nabasa mo?. Mahinang bulong ni Zekken sa akin.

Patay......

Anong patay?.

Namatay lahat ng pinapunta ko sa sinabi ng informer namin!. Kasalanan ko to!. Napayuko na lang ako.

Umayos ka nga sabi eh! Hindi ito ang tamang oras para diyan. Hinila niya naman ako at tinapik ang balikat ko.

Para ano pa?. Mamamatay din naman tayo dito eh!.

Tsk. Talagang mamamatay tayo kung gumaganyan ka pa!. Sabi niya saakin. Ikaw?. Tukoy niya kay Zohan. Sinayang mo lang ang pagiging RDB mo para lang sa gantong bagay.

Hmmm teka may hindi ka pa ata nakikita. Muli itong nag swipe at may inequip ito.

Isang maliit na tela na kulay itim ang lumitaw sa katawan niya at nakasuot ito sa leeg niya.

Cross Fire Online II : Z-World  #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon