Chapter 1: Ang Kasamaan ng Hari

12 0 0
                                    

Once upon a time in a dreamy land.....

Hindi lahat ng prince charming ay mabuti. Hindi lahat ng nakasulat sa libro ay puro magaganda. Wake up! Sa panahong ito wala ng fairytale. At ang prince charming ay hindi na charming kung di halimaw!

Kasalanan ba ang umibig? Lalo na sa isang katulad kong sabik sa pagmamahal? Hindi naman masama iyon diba? Kahit pa, isa akong kontrabida sa buhay ng iba?!

Dahil sa kataksilan ng hari. Lahat ng meron si Malificient ay inagaw nito. Kinuha nito ang lahat ng sa kanya at walang itinira. Puso't, dangal at kapangyarihan ay ibinigay ni Malificient sa ngalan ng pag-ibig. Nagbulag-bulagan siya, ibinigay halos lahat ng luho ng hari umaasang isang araw pakakasalan siya nito. Pero iyon ang pagkakamali niya. Dahil sa oras na binigay na niya lahat, iniwan siya nito ng walang pasabi. At sa pagbabalik nito ay sibak ang tanging nakatarak sa puso niya.

Nagpakasal ang hari sa isang napakagandang prinsesa na kinabibilangan sa isang malayong kaharian.

Nabalot ng sama ng loob ang kanyang puso. At sa araw mismo ng kasal ng hari ay pumunta siya para maghiganti dito pero naunahan na siya ng hari. Isang basong alak na may panpatulog ang ipainom sa kanya.

Binabalak ng hari na siya'y patayin. Pero ang lukong lalaking inutusan nito para kitlin ang kanyang buhay ay may pagnanasa para kay Malificient. Bakit hindi? Maganda si Malificient ng nag-dalaga kaya hindi nakapagtataka na ito'y mahumaling sa kanya. Habang himbing na himbing siyang natutulog ay pinagsamantalahan siya ng hayop. Para siyang baboy na parausan sa isang uhaw na tigre. Wala siyang nagawa kungdi ang umiyak ng umiyak. Hindi pa nakontento ang lalaking iyon at inuwi pa siya sa bahay para gahasain ng gahasain ng paulit-ulit.

Sa panahong iyon ay wala siyang kapangyarihan sapagkat binigay niya halos lahat ng enerhiya sa hari. Sa kaalamang gagamitin niya ito para sa kaharian. Masyado siyang nagpadala at ni isang kusing wala siyang itinira para sa sarili. Pero lahat ay nagbago.

Naghiganti siya sa buong kaharian sa pamamagitan ng anak ng hari. Sinumpa niya itong mamatay pagdating ng ika-labing walong taong gulang nito. Pero sa pamamagitan ng tatlong diwata, tinulungan nila itong manipulahin ang sumpa. Na kung sino man ang magmamahal sa prinsesa ng tapat iyon ang makakaputol sa sumpa. Isang halik ng tunay na pag-ibig ang makakasira sa sumpa! Iyon nga lang sino?

Di lumaon, lumaki ng napakaganda at mabuting bata si Sefora. Siya ang naging ilaw sa kaharian. Dulot niya'y ilaw at pag-asa para sa iba.

Mabuti na lamang at hindi siya nagmana sa kanyang gahaman na ama. Sa sobrang busy ng kanyang ama ay walang na itong panahon para sa kanya. Simula noong bata pa siya'y ang kanyang ina ang nagturo ng dapat gawin bilang isang mabuting prinsesa. Lahat ng pagmamahal na pwedeng ibigay ng isang ina ay ibinigay nito ng walang kapantay. Hindi tulad ng kanyang ama na wala ng ginawa sa buhay kung di ang magpalakas ng magpalakas pa.

Ng mamatay ang kanyang ina ng walong taong gulang pa siya, walang ama ang dumungaw sa puntod nito sa halip, ng taong ding iyon may pinakilala siyang bagong asawa na may isang batang anak na lalaki. Prince Marcos daw ang pangalan.

Si prince Marcos na hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya. Hindi niya alam kong anong klaseng pagkatao ang prinsipe.

Ang tanging nakilala lang niya ay ang ina nitong ubod ng sama. Bagay nga ang dalawa na maging mag-asawa sapagkat pariho sila ng may masamang ugali.

Pero kahit ganon, pinalaki pa rin siya ng ama ng maayos yon nga lang malayo dito. Ito raw ang nakagawiang tradisyon ng kanilang pamilya. Pag namatay ang unang asawa at meron ng ipanalit, kailangan mawala ang unang anak sa palasyo. Kailangan niyang lumisan sa palasyo at iwan ang lahat. Magka-ganon man, kailangan protektahan niya parin ang kanyang anak na babae sapagkat ang sumpa ay hindi pa nagaganap.

Ang hari mismo ang nagsabing doon siya titira sa tatlong diwata. At ibabalik ang prinsesa pagsapit ng ika-labing walong taong gulang nito at ipakakasal ito kay prince Marcos ang anak ng pangalawa niyang asawa.

Masyadong gahaman ang hari at gusto niyang manatili ang kapangyarihan sa kanya, kaya nakapagdesisyon siyang ipakakasal niya ang dalawa sa pagsapit ng tamang panahon.

Sampong taong gulang siya ng may nakilala siyang batang lalaki. Ang batang lalaki na iyon ay kaawa-awa. Masyadong marumi ang kanyang mga damit at gutom na gutom ito. Wala itong matirhan sapagkat namatay raw ang ama nito dahil sa malobhang sakit.

Hindi maiwasan ni Sefora na maawa sa bata kaya tinulangan niya ito. Inahon niya ito sa kinasadlakang kahirapan at ipinunta sa kaharian ng tatlong diwata. Wala siyang pinagsabihan sa pagtulong niya sa bata. Alam na alam niyang hindi uuyon ang mga diwata sapagkat nakapangako na ang tatlo sa ama ni Sefora. Magagalit ang kanyang ama na may lalaking aaligid sa kanya.

Gustohin man niyang pabayaan ang bata at tuparin ang gusto ng kanyang ama pero nanaig ang kanyang awa para dito. Pinatira niya ito sa ilalim ng kanyang silid. Gustohin man niyang patirhin ito sa amponan kung saan marami na siyang natulungan kagaya nito na ulila ay hindi maaari, sapagkat ang batang lalaki na iyon ay nagtataglay ng kakaibang hitsura. Isang nakakakilabot na mukha na ayaw na ayaw ng ibang tao kung ito'y makikita.

Ayon dito, naingkanto raw ang kanyang ina ng ito'y nagbubuntis pa lamang sa kanya. Kaya mayroon siyang maliit na sungay sa ibabaw ng kanyang ulo. Noong una, natakot siya. Takot na takot. Pero ng makita niyang nahimatay dahil sa gutom ang batang lalaki ay tinapon niya lahat ng takot at tinulungan ang kawawang bata na nag-ngangalang Magnus.

The Other Side Presents: Malificient's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon