Chapter 2: Si Magnos at Ang Prinsesa

3 0 0
                                    

Sa paglipas ng panahon ay lumaki si Sefora na uhaw sa pagmamahal ng kanyang sariling ama. Nalulungkot siyang isipin na parang baliwala lang sa kanyang ama na hindi man lang siya makita. Minsan naitanong niya sa mga diwata kong mahalaga ba siya sa kanyang ama. Ang tanging sagot nila; mahal na mahal daw siya ng ama niya at pinoproktektahan lang daw siya laban sa kaaway. Iyon ang tanging sinagot nila sa kanya. Pero bakit hindi niya maramdaman iyon. Parating may dahilan ang kanyang ama sa tuwing bibisita siya sa kaharian. At ni ayaw pa siyang tingnan nito kahit sandali lang. Parang kinakahiya siya nito na maging anak. Hindi siya tanga upang hindi niya maramdaman iyon. Kaya itinigil na niya ang pagbisita dito. At umaasang darating ang araw na pahahalagahan din siya nito katulad ng pagpapahalaga niya rito.

Sa tuwing nasasaktan siya dahil sa pag-iiwas ng kanyang ama parating naroon si Magnos upang siya'y alalayan. Nandoon ito para punasan ang mga luha ng pumapatak sa tuwing iiyak siya. Pakiramdam niya'y isa siyang prinsesa na walang kaharian. Isang prinsesang hindi tanggap ng sariling kaharian. Isang prinsesang nakakulong sa hindi niya pag-aaring palasyo!

Ayaw na niyang umiyak. Pagod na pagod na siya. Ayaw na niyang tumunganga at maghintay pa. Kaya imbes na tumunganga siya'y ibinuhos niya sa pag-aalaga kay Magnos ang oras at panahon niya. Parati niya itong iniimbitahang mamasyal sa labas pero hindi naman nito gusto. Parati itong nakakulong sa mundo nito.

Sa mundong puno ng mahika. Sa mundong siya lamang ang hari at wala ng iba. Oo, si Magnos ay nagtataglay ng kahanga-hangang kakayahan. Mayroon itong kapangyarihan na higit pa sa tatlong diwata. Kapangyarihang hindi nalaman ng sarili nitong ama.

Simula ng makilala niya ito dalawang taon ng nakakaraan ay hindi niya nakitaan ng ganitong kapangyarihan ang kababata. Oo, at especial si Magnos sa iba pero ang mas lalong kakaiba sa kanya ay ang paglabas ng tunay nitong talento. Talentong nakakamangha at nakakakilabot! Hindi rin akalain ni Magnos na magkakaroon siya ng ganitong talento. Kailan lang nito nalaman na siya'y nagtataglay ng malakas na mahika.

Nalaman niya ito ng misan may nagtangkang kitlin ang buhay ng prinsesa. Labis ang kanyang galit at hindi inaasahan ang paglabas ng malakas na enerhiya sa buo niyang katawan. Noong una, natakot si Sefora sa kaibigan pero alam niyang mabait si Magnos. Kaya tulad ng dati tinanggap niya ang pagka-tao nito ng walang duda. Katwiran niya iyon ang mag-kakaibigan diba? Laging nagdadamayan. Kaya simula non nangako si Magnos na poprotektahan ang prinsesa sa kahit ano paman. Iyon lang ang nasa puso nito ng panahon na iyon.

Sa dalawang taong pag-tatago niya sa ilalim ng kwarto ng prinsesa may isa sa tatlong diwata ang nakahuli sa kanya at iyon ay si Aling Memfes. Ang diwatang naghandog sa prinsesa ng isang napaka-gandang regalo. Na hindi daw siya mamatay bagkos, sa pagdating ng tunay na pag-ibig siya'y mabubuhay.

Nalaman ni Aling Memfes na nagtatago sa ilalim ng kwarto si Magnos ng minsan pumuslit ng pagkain ang prinsesa para dito. Pero hindi siya sinumbong sa ama nito sa kadahilanang ito lamang ang may alam. Kaya mas lalong napalapit ang kanyang loob sa matandang diwata. Hindi naman sa masama ang ugali ng dalawang diwata kaso nga lang masyado silang over protective pagdating sa kanya. Sinusunod nila lahat ng naisin ng hari sa kadahilanang hindi rin alam ng prinsesa. Basta bantay sarado siya. Kung pwede nga lang pagbawalan siyang wag lumabas ng bahay ay gagawin nila maprotektahan lang ang prinsesa. Pero hindi maari dahil nakapangako din sila sa ina ng prinsesa na bigyan siya ng kalayaan sa lahat ng bagay.

The Other Side Presents: Malificient's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon