Nagsimulang dumistansiya si Magnos ng mag-binata na ito. Hindi naman maintindihan ni Sefora kong bakit dumistansya ng ganon si Magnos. Labing pitong taong gulang na siya at sa makalawa ay ika-labing walong taon na niya. Sa wakas kaarawan na niya pero sa pagkakataong iyon ay hindi na nakikipaglaro si Magnos sa kanya o bumibisita man lang sa kanyang kwarto. Parati itong nakakulong sa kwartong iyon at ayaw siyang makita. Gustuhin man niyang puntahan ito pero hindi niya mabuksan-buksan ang pintoan nito kasi may nakaharang nakong ano doon. Sayang gusto pa naman niyang mamasyal ngayon dahil malapit na siyang bumalik sa kanyang kaharian. Malapit na ang kanyang hinihintay na kaarawan. Malapit na niyang makita ang kanyang ama. Sa sobrang excited niya hinayaan na lamang niya si Magnos siguro may ginagawa itong importante kaya ayaw nitong magpadestorbo sa kanya.
Lumabas siyang mag-isa upang magpahangin. Kailangan niyang maglibot sa kaharian ng mga diwata. Dahil alam niyang ito lang ang panahon na magagawa niya iyon. Mamimiss din niya ang lugar nato kung aalis na siya. Ito kasi ang nagsilbing tirahan niya simula ng mag-dalaga siya.
Marami siyang masasayang ala-ala sa lugar na ito. Kabilang nadon ang tatlong diwata at si Magnos na matalik niyang kaibigan. Hindi niya makakalimutan iyon. Lahat ng ala-ala ay biglang nagsink in sa kanya ng mag-simula na siyang mag-lakad patungo sa kagubatan.
Ayaw niyang umiyak dahil lilisan na siya kaso lang hindi niya maiwasan. Sa tagal niyang namalagi rito, alam niyang hindi basta-bastang kalimutan ang lahat ng ala-alang umikil-kil sa kanyang puso. Sariwa pa ang lahat sa kanyang isip at hindi niya maiwasang ngumiti. Marami talaga siyang nakakatawang ala-ala. Lalo na pagdating kay Magnos. Hindi niya makakalimutan ng supresahin niya ito sa ika-labing walong taong kaarawan nito. Para itong nakakita ng engkanto kung makatingin ito sa kanya. Hindi ito makapaniwala na senorpresa siya nito at ni Aling Memfes. Napakasaya nito pero ang ipinagtataka niya bakit ang ginaw na ng pakikitungo niya ngayon sa kanya? Ano ba ang nagawa niyang kasalanan? Bakit napapansin niyang hindi na siya pinapansin ng kaibigan?
Nasa ganon siyang pag-iisip ng may nadama siyang may nag-mamasid sa kanya. Ayaw man niyang isipin kung sino iyon kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.
Sa daanan may nakita siyang nasasaktan na isang koneho dahil naipit ito na kung anong bagay na sa kanyang paa. Tinulungan niya ang konehong tanggalin ang bagay na iyon sa kanya.
Katatapos lang niyang palayain ang koneho ng may lumabas na tao sa kung saan. Isa itong lalaki na nakasuot ng marangyang damit. Napaka-gwapo nito at napakakisig nito sa suot nito. Para siyang nahipnotismo sa taglay nitong angking kagwapohan. Nagpakilala itong si Prince Marcos.
Napatigil ang dalaga. Hindi kaya ito ang lalaking pakakasalan niya? Si Prince Marcos ang lalaking magiging kapareha niya sa buhay. Lubhang nagagalak ang kanyang puso sa kaalamang iyon.
Gusto sana niyang magpakilala kaso may malamyos na awitin na sumasaliw sa kagubatan at inaya siya ng prinsipe para sumayaw. Napakagandang sayaw na inihandong nito para sa kanya. Walang puknat ang kanyang ngiti ng matapos ang sayaw. Sa tingin niya mabait ang prinsipe at tiyak niyang pag nagpakasal siya dito ay magiging masaya sila. Mahal na ata niya ang prinsipe.
Sa kaalamang iyon parang domoble ang saya niya at excited na excited na talaga siyang umuwi! Sa wakas!Nakita na niya ang mamahalin niya sa buhay at iyon ay si prinsipe Marcos wala ng iba!
Nakaalis na ang prinsipe pero hindi pa rin nito alam ang pangalan niya. Pero hindi siya nalulungkot pasa-saan ba't magkikita din sila. At malapit na malapit na iyon.

BINABASA MO ANG
The Other Side Presents: Malificient's Son
Storie d'amoreSorry guys pero may kung anong nakapukaw sa akin ng sinulat ko ito. Just bare with me... And thank you sa suporta, kailangan ko yan hehehe.