Sa wakas nagkasama ng muli sila Magnos at ang prinsesa. Si prinsesa Sefora ay nanganak ng dalawang kakambal. Ang isa ay babae habang ang isa naman ay lalaki. Napakasaya nilang dalawa ng binayayaan sila ng dalawang malulusog na anak. Wala na silang mahihiling pa.
Sa harap ng mga diwata ay nagpakasal muli si Magnos sa prinsesa. Walang tumutol kahit na ang ina ni Magnos na si Malificient. Napatunayan ng prinsesa na tunay ang pag-ibig niya kay Magnos. Nakita at nasaksihan iyon ni Malificient. Nagkamali siya sa pag-aakalang lulukuhin lamang ng prinsesa si Magnos. Bagkos nahigitan pa ng prinsesa ang gusto ni Malificient para sa kanyang anak.
Lubos ang kanyang paghanga para sa prinsesa. Lahat ay kinaya ng prinsesa para kay Magnos. Lahat ay ginawa ng prinsesa para maprotektahan lamang niya ang pagmamahal niya para kay Magnos at higit na sa sakripisyo kanyang ginawa para sa dalawang anak.
Hindi sana pumapayag ang hari na ang bata na nasa sinapupunan ng prinsesa ay bubuhayin pero nagmatigas ang prinsesa. Sa malaon napilit din niya ang hari. Pero sa kondisyon na magpakasal siya sa prinsipe. At iyon naman ay sinunod niya. Alang-alang sa kanyang mga anak.
Umiiyak si prinsesa Sefora ng sambitin nilang dalawa ang kanilang sumpaan. Parang hindi pa rin siya makapaniwala ng sa wakas ay magkasama na silang muli ni Magnos, ang kanyang mahal.
Mas lalo pa siyang napaiyak ng sambitin ito ni Magnos. Na gagawin niya ang lahat para sa ikakasaya ng prinsesa. Na simula ngayon magbabago na ang lahat sapagkat habang buhay na silang magsasama. Sa hirap man at sa ginhawa lagi silang magkasama.
Oh kay tamis ng kanilang halikan ng matapos na ang seremonyas. Lahat ay nagpalakpakan ng pagkatapos ng matamis na halik ay nagyakapan ang dalawa ng sobrang higpit. Lahat ay masaya kabilang na doon ang tatlong diwata at si Malificient na hawak-hawak ang kanyang dalawang malulusog na mga apo. Hindi rin niya napigilan umiyak sa galak para sa anak na si Magnos. Sa wakas nakahanap ito ng taong mamahalin ito ng tapat at magsasakripisyo para dito.
Sa mga nangyari sa kanya. Siguro nararapat na din siyang lumaya para sa sakit na dulot ng kahapon. Simula sa araw na ito magbabago na ang lahat.
Simula sa araw na ito. Matuto na si Malificient ngumiti at kalimutan ang mga masasakit na ala-ala. Mga alaalang nagpasama sa kanyang mabuting puso.
Nagpasalamat siya sa prinsesa na tinulungan siyang makabalik sa kanyang sarili. Sa sariling kanyang kinalimutan. Dahil sa tapat na pagmamahal ng prinsesa kay Magnos ang nagpabalik kay Malificient sa kanyang tunay na sarili.
Nakita niya ang lahat na nangyari. Ngayon nakikita na niya ang magbibigay sa kanya ng pangalawang pagkakataong upang mabuhay pa ng matagal. Dahil iyon sa dalawa niyang makukulit na mga apo.
BINABASA MO ANG
The Other Side Presents: Malificient's Son
RomanceSorry guys pero may kung anong nakapukaw sa akin ng sinulat ko ito. Just bare with me... And thank you sa suporta, kailangan ko yan hehehe.