Ng idilat ni Magnos ang kanyang mga mata ay mukha ng minamahal na prinsesa ang kanyang nabungaran. Puno iyon ng luha. Ayaw man niyang makita siya nito sa ganitong kalagayan ay wala siyang magagawa. Hapong-hapo ang kanyang pakiramdam at nawawalan na siya ng lakas para gamitin ang natitirang kapangyarihan.
Napaigik na lamang siya ng hawakan ng prinsesa ang kanyang katawan. Kahit naroon siya sa ganitong sitwasyon ay walang ina ang tumulong sa kanya.
Bago sila naghiwalay ng kanyang ina ng araw na kinuha na niya sa poder ng hari ang prinsesa ay nag-away muna sila. Wala sa usapan nila na pakakasalan niya ang prinsesa. Higit pa na inuwi niya pa ito sa kanyang tahanan. Lubhang nagalit ang kanyang ina sa kanya. Katwiran nito lulukuhin lamang siya ng prinsesa. Ikapapahamak lamang niya ang pagpapakasal sa prinsesa at iiwan din siya nito gaya ng pag-iwan ng ama nito sa kanya.
Oo, inaamin niyang kinakabahan siya na maaaring totoo ang sabi ng kanyang ina. Dahil noong unang araw siyang nakakulong sa kulungang iyon ay hindi man lang dumadalaw sa kanya ang prinsesa. At mas lalo siyang nalungkot ng tatlo pang nakakaraan ay hindi na niya makita ni anino o tinig man lang ng prinsesa!
Kaya laking gulat niya ng makita niya ngayon ang prinsesa. Puno ng hapis ang kanyang mga mata. Parang hindi ito natutulog at nangangayayat na sa sobrang pag-alala sa kanya. Humingi ito ng tawad ng hindi siya nakadalaw sa kanya at iyon ay dahil sa kanyang ama. Nakakulong din ito tulad niya at tumakas lamang ito makita lamang siya! Inaamin niya sa kanyang sarili na natutuwa siyang makita ang prinsesa.
Nagyakapan sila ng mahigpit. Kaya nakapagdesisyon ang prinsesa na tumakas na lamang silang dalawa! Kailangan nilang makatakas bago mahuli ang lahat. Si Aling Memfes! Siya lamang ang makakatulong sa kanila na agad naman silang tinulungan nito. Walang pagsidlan ang kanyang kaba habang inaalis nila ang kadena sa mga kamay at leeg ni Magnos. Wala ng panahon kaya ng natapos ang pagpakawala sa hawla kay Magnos ay agad silang tumungo sa pinakatago-tagong labasan mula sa kulungang iyon. Nagpaiwan si Aling Memfes, katwiran niya ay poprotektahan niya mula sa loob ang dalawa.
Lakad takbo ang kanilang ginawa makatakas lamang sa malupit na lugar na iyon. Hirap na hirap na ang prinsesa sa pagtulong kay Magnos. Masyado ng marami ang dugong nabawas dito at hindi na makalakad ng maayos. Idag-dag pang napakatulis ng dinaanan nilang daan. Nagkadulas-dulas pa sila makatakas lamang sa malupit na hari. Lahat ng iyon ay tiniis ng prinsesa dahil despirado na siyang makatakas at mailigtas ang mahal na asawa.
Nasa ganito siyang ayos ng makita siya ng hari! Ang hari at ang mga kawal nito. Sa kaalamang iyon ay tumakbo pa sila ng napakabilis umaasang hindi sila maaabutan ng hari at prinsipe.
Nakalayo man sila ay bangil naman ang naghihitay para sa kanila. Isang napakatarik at malalim na bangin ang nagaabang sa kanila.Wala ng lugar para sila'y makatakbo. Parang nawawalan na ng lakas ang prinsesa. Hapong-hapo na rin siya. Nawalan na siya ng lakas lalo ng makita niyang tuluyan ng nawalan ng malay si Magnos.
Napaiyak na siya dahil sa pagod. At mas lalo pa siyang napahagulhol ng makita na niya ang bulto ng mga kawal. Mga bultong papalapit na sa kanya. Hindi siya makahinga ng hilahin na hari paitaas si Magnos. Labis ang kanyang pagmamakaawa na palayain ng hari ang kanyang mahal. Pero hindi ito nakikinig, sa halip ay itinulak ng hari si Magnos sa matarik na bangil. O kay tarik! Kahit na sino mamatay kapag doon ka inihulog! Magnos! Sigaw niya. Tatalunin na sana niya ang bangil upang samahan si Magnos pero mahigpit na pinigilan siya ng prinsipe na nandoon pala sa likod niya.
Lumong-lumo ang kanyang pakiramdam. Wala na si Magnos. Sa mata niya nakita ang pagpanaw nito at lubhang napakahirap pana sa mga kamay pa ng amang hari ang gumawa niyon. Ang amang walang paki-alam sa kanya. Ang amang hindi siya mahal. Ang amang pinatay ng walang kaawa-awa ang mahal niya. Dala narin ng pagod at hinagpis tuluyan na siyang nahimatay!
BINABASA MO ANG
The Other Side Presents: Malificient's Son
RomanceSorry guys pero may kung anong nakapukaw sa akin ng sinulat ko ito. Just bare with me... And thank you sa suporta, kailangan ko yan hehehe.