"Ang totoong nagmamahal ay tinatanaw na lamang sa malayo ang minamahal. Habang ito'y masaya na sa piling ng iba. Yon ang tunay na pag-ibig."
Sa wakas ang araw na pinakahihintay ni Sefora ay dumating na. Ika-labing walong taong gulang na niya. Lahat ay naghahanda. Kabilang na doon ang tatlong diwata. Sila ang sobrang abala sa lahat. Sila kasi ang maghahatid kay Sefora sa kaharian kaya labis silang nangangamba. Hindi kasi nila alam kung anong panganib ang kanilang susuungin maihatid lang ng ligtas ang prinsesa.
Pero bago siya umuwi sa kaharian hindi niya akalain kung sino ang nadatnan niya sa kanyang kwarto. Walang iba kung di si Magnos. Ang kaibigan niyang matalik na hindi niya nakita ng dalawang linggo.
Para siyang natood sa binigay sa kanya ni Magnos. Isang pulang damit na hapit na hapit talaga sa kanya. Kay garang damit. Hindi iyon matatawag na simply sapagkat may desinyo itong kakaiba sa ibang damit. Ayon dito kaya raw hindi ito nagpakita ng dalawang linggo sapagkat ito raw ang ginawa nito. Pinaghandaan talaga nito ang kanyang kaarawan.
Naappreciate niya talaga ang regalo at napayakap pa siya dahil sa tuwa. Isang pulang damit! Ang tanging nasambit niya. Ang pagtatampo ay nahaluan ng kagalakan simula ng makita niya ang regalo. Hindi siya makapaniwala.
Sa lahat talaga; si Magnos ang nakakaalam sa gusto niya. Hindi kasi niya gusto ang suot niyang pink na damit. Regalo iyon ng isa sa mga diwata. At feeling niya kapag sinuot niya iyon para siyang maliit na bata. Dalaga na siya. Gusto naman niyang magsuot ng magagandang kulay at ang kulay pula ang isa sa mga gusto niya.
Ngumiti si Magnos sa kanya ng magpalit siya ng damit. Bagay na bagay talaga sa kanya ang pulang damit. Walang puknat siya nitong tiningnan na para bang siya ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa. Maganda talaga si Sefora. Mapungay ang kanyang mga mata na may maamong mukha. Parang rosas ang kanyang mga labi na kay sarap halikan. May mahaba at tuwid na tuwid siyang buhok. Napakaputi ng kanyang balat na kay sarap damhin. Masyadong nabighani si Magnos sa kanya at hindi nito napigilang haplusin ang kanyang mukha.
Bigla silang natigilan na waring may mahika ang kwarto para sila'y dalhin sa isang malamyos na musika. At iyon ang nakapagtataka sapagkat parang narinig na niya sa kung saan ang awit na kanilang sinasayaw.
Parang nahipnotismo si Sefora dahil sa pagkalapat ng kanilang katawan. Parang may sarili silang mundo na nakakaunawa sa isat-isa. Isinayaw siya ni Magnos. Si Magnos na kanyang matalik na kaibigan. Ang mga mata nito'y taimtim siyang tinitigan. Hindi niya rin maiwasan humanga kay Magnos. Si Magnos kasi ay nagtataglay ng anking kagwapohan kahit pa may sungay ito. Pero nakapangako na siya na ang iibigin ay si prinsipe Marcos. Sa malaon ay magpapakasal siya dito. Kaya itong nararamdaman niyang paghanga ay lilipas din. Iyon ang katwiran niya sa sarili. Oo mahal niya ito. Mahal niya ito bilang kaibigan.
Kaibigan? Pero bakit ng kabigin siya ni Magnos para halikan ay hindi man lang siya tumutol? Bagkos inilapit niya pa ang kanyang sarili upang tugunin ang mga halik nito. Para silang uhaw na uhaw na camel na hindi mawari. Kusang gumalaw ang kanyang mga labi na parang may isip iyon. Masyado silang nadala sa bugso na kanilang damdamin na hindi man lang nila nabantayan ang panay na pagkatok ng tatlong diwata sa likod ng kanyang pintoan.
Para silang binuhusan ng malamig na tubig matapos maganap ang kanilang unang halik. Hindi siya makapaniwala. Si Magnos ang unang lalaking nakahalik sa kanya!
Paano na ngayon? Nagkasala na siya sa prinsipe. Ano pang mukha ang ihaharap niya para dito? Iyon ang nasa isip ni Sefora simula ng natapos ang kanilang mainit na halik. Masyado siyang nagulat sa bilis ng pangyayari at hindi man lang siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
Nababahala din si Magnos sa nangyari at humingi ng paumanhin sa prinsesa pagkatapos, tuloy-tuloy itong umalis patungo sa lungga nito! At iniwan si Sefora na naguguluhan.

BINABASA MO ANG
The Other Side Presents: Malificient's Son
RomanceSorry guys pero may kung anong nakapukaw sa akin ng sinulat ko ito. Just bare with me... And thank you sa suporta, kailangan ko yan hehehe.