Nagmokmok lang ang prinsesa sa silid at umiyak ng umiyak buong araw. Ni ayaw niyang kumain ni uminom man lang ng tubig. Lubhang nag-alala na ang mga diwata sa kanya dahil sa kanyang kalagayan pero wala silang magawa para dito. Pilitin man nila ang prinsesa ay hindi nila mapilit sapagkat para na itong patay kung umasta. Ibang-iba sa prinsesang kanilang nasilayan noong nagdadalaga na.
Lahat iyon nasaksihan ni Malificient sa kanyang mahiwagang kalan. Nakita niya kung paano nagdusa ang prinsesa sa palasyo at masama iyon sa kanya. Masama sa kanyang kalagayan ngayon!
Pagkat ang prinsesa ay nagdadalangtao. Hindi man lang nalaman ng prinsesa na siya'y buntis dahil sa hinagpis sa pagaakalang patay na si Magnos.
Oo, buhay si Magnos. Nang itulak ng hari si Magnos sa pang-pang agad siyang nandoon para saluhin ang kanyang anak.
Ang kanyang anak ay nagpapagaling sa mga pinsalang natamo nito sa kamay ng walang hiyang hari! Napakawalang hiya nito at dinamay pa pati ang kanyang anak na si Magnos. Walang puso talaga ang hari.
Samantala, ng malaman ng palasyo na nagdadalangtao ang prinsesa agad pinadali ng hari ang pagpapakasal ng prinsesa sa prinsipe. Ayaw man ng dalawa wala na silang magagawa. Higit na ayaw ng prinsipe na magpakasal sa may sabit. Hindi niya anak ang nasa sinapupunan ng prinsesa. Ng malaman niya iyon nandiri siya sa prinsesa.
Dahil sa pandidiring iyon, araw-araw siyang nagdadala ng mga babae sa palasyo at ikinakama niya ito sa harapan pa ng prinsesa. Ang prinsipe pala'y isang manggagamit. Wala itong pinagkaiba sa ama ng prinsesa. Hindi man sila maiituring halimaw pero sa inaasta nilang iyon para na rin silang halimaw kung tutuusin.
Ang prinsipe Marcos pala'y nagtataglay ng kapangit-pangit na ugali! Sa kabila ng kanyang maamo at kaakit-akit na mukha ay hindi mo aakalain na iyon ang kanyang ugali. Isang prinsiping walang iniisip kung hindi ang kanyang kaligayahan! Araw-araw siya nagpapakasaya sa palasyo at lahat ng babae na gusto niya ikinakama niya. Wala siyang pakialam sa prinsesa. Ang tanging gusto lang niya ay ang trono na sa malaon ay magiging kanya. Yon lang naman ang gusto niya. Wala ng iba!
Hindi mo pala makikilala ang isang tao hanggat hindi mo siya nakakasama sa iisang bubong. Labis siyang nandiri sa prinsesa kaya hindi niya ito ginagalaw at iyon naman ang gusto ng prinsesa. Wala na siyang pakialam kung pagtawanan man siya ng mga babae ni prinsipe Marcos, ang mahalaga ay ang kanyang anak. Ang kanyang anak lamang.
Makalipas ng siyam na buwan ay kabuwanan na ng prinsesa Sefora. Manganganak na siya. Sa kabila non wala parin pakialam sa kanya ang prinsipe.
Hirap na hirap siyang manganak subalit wala man lang si prinsipe Marcos para gabayan si prinsesa Sefora. Pinabayaan lamang siya ng prinsipe habang ito'y nagsasaya sa magarbong kaarawan nito. Walang pakialam ang prinsipe basta't sinusunod lamang ng prinsipe lahat ng ibigin nito.
Sa gabi ng kaarawan ng prinsipe ay may isang matandang babae na humingi ng tulong dito. Na kung pwede pakainin naman siya. Ang prinsipe ay sobrang gahaman. Hindi man lang niya pinansin ang matanda. Sa halip ay pinagtawanan pa niya ito. Dinusta-dusta pa ng prinsipe ang matanda na para bang walang awa.
Labis ang pagkasuklam ng matanda sa prinsipe kung kaya't pinarusahan niya ito. Ang prinsipe ay naging halimaw. Mabagsik na halimaw! Labis ng takot ng mga taong nandoon. Nagsitakbuhan sila ng makita ang prinsipe na naging halimaw. Pero ang matanda ay hindi niya hinayaan na sila'y makaalis sa halip ay ginawa niya lahat ng nandoon na mga kasangkapan sa bahay. Lahat sila na nagsasaya. Lahat ng nandoon maliban sa prinsesa at sa hari.
Samantala si prinsesa Sefora ay hirap na hirap sa panganganak. Parang binibiyak ang kanyang tiyan pero hindi parin lumalabas ang bata. Nandoon ang dalawang diwata upang siya'y tulungan pero hindi pa rin nila kaya. Hindi lumalabas ang bata kahit anong iri pa ng prinsesa. Nahahapo na siya at hindi makahinga ng maayos. Sige pa rin siya sa pag-iri, umaasang lalabas na ang bata sa kanyang sinapupunan. Mas lalong kinakabahang ang dalawang diwata sapagkat may malamig na hangin na parang ipo-ipo ang dumating. Napakalakas niyon na lahat ng gamit ay lumilipad sa himpapawid. At mas lalo pa silang kinabahan ng makita nila ang dahilan kung sino ang may gawa non! Wala iba kung di.... Si Magnos! Buhay si Magnos!

BINABASA MO ANG
The Other Side Presents: Malificient's Son
RomanceSorry guys pero may kung anong nakapukaw sa akin ng sinulat ko ito. Just bare with me... And thank you sa suporta, kailangan ko yan hehehe.