Hindi maintindihan ni Sefora ang kanyang sarili. Ngayong araw ang pag-iisang dibdib nila ng prinsipe. Pakakasalan niya ang siyang nagligtas sa kanya. Pakakasalan na niya ang sinisinta niya pero bakit nalilito ang kanyang puso? Bakit may kulang? Parang may hinahanap ito na hindi niya mawari.
Nasa ganon siyang pag-iisip ng bumukas ang pintoan ng kanyang kwarto. Pumasok doon ang kanyang ama na nakangiti. Parang giliw na giliw itong pagmasdan ang anak na dalaga. Sa wakas! Ikakasal na ito at ang prinsipe!
Ang pagpapakasal ng dalawa ay nagsisilbing kaligayahan ng hari. Kaya hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa, inalalayan niya si Sefora patungo sa simbahan at sinignalan na ang lahat upang maghanda.
Lahat ay nakatayo para salubungin ang prinsesa at ang hari sa kanilang pagdating. Napakatahimik ng bulwagan pero ang puso niya'y nagririgidon sa lakas. Sa sobrang lakas nito'y parang nabibingi na siya.
Mabagal silang lumakad papunta sa altar. Pero pakiramdam niya napapagod na siya. Di ba ito ang gusto niya? Oo! Ito ang gusto ko! Sabi pa niya. Marahil kinakabahan lang ako sa sarili kong kasal. Gusto niyang paniwalain ang sarili na ganon nga. Pero ang puso... Ay iwan! Nakakalito na!
Makikita mo ang galak ng mga taong nandoon. Lalo na ng sambitin ng pari ang pamilyar na katagang iyon; tatangapin mo ba si Prinsipe Marcos bilang iyong asawa? Sa hirap at sa ginhawa? Para siyang natulos sa kinatatayuan. Ano ba?! Bat walang namutawi na kahit anong salita sa kanyang mga labi kung di mahabang katahimikan. Inulit ng pari ang tanong sa kanya. Pero bago niya nasabi ang sagot sa tinatanong na pari ay isang napakalakas na hangin ang nagpatigil sa kanila. Sa lakas niyon parang liliparin na sila.
Si Magnos at si Malificient magkasama! Sa lakas ng hangin lahat ng desinyo sa kasal ay nagsiliparan. Lahat iyon maliban sa mga taong nandoon. Bakit ganito? Bakit nakikita niya ang panibugho sa mga mata ni Magnos? Bakit galit ito sa kanya at sa prinsipe? Marami siyang katanungan subalit lahat ng nandoon ay nagkagulo na.
Lahat ng gwardia pinoprotektahan sila. Ang prinsipe ay nauna ng nagtago sa kung saan at hindi na siya hinintay pa. Nakatunganga lang siya sa papalapit na si Magnos. Para wala na siyang narinig. Nabingi na ata siya sa lakas ng tambol ng kanyang puso. At ng hawakan siya ni Magnos. Bigla siyang nakaramdam ng init. Init na hindi niya nalasap mula rito.
Maraming katanungan sa isip niya. At gusto niya iyong itanong kay Magnos pero sa ngayon parang impossible. Parang may gustong gawin si Magnos na tiyak niyang ikababago ng kanilang relasyon.
Si Magnos ay dagling nakatingin sa pari na para bang may gusto itong gawin at sabihin. Hindi nga siya nagkamali ng utusan nito ang pari na ituloy ang naudlot na kasal. Kasal? Sino? Sa prinsipe?
Parang siyang napipil ng sabihin ni Magnos na ito ang pakakasalan niya! Ano bang kahibangan ito? Naloloko na ba ito?
Walang nagawa ang pari kung di ang ikasal sila. Nagpatianod na lamang si Sefora. Wala na siyang magagawa. Kailangan gawin niya ang nararapat. Hindi nagbibiro si Magnos na papatayin ang lahat ng nandito pag hindi siya nagpakasal dito. Isa iyon sa tungkulin ng prinsesa. Ang magsakripisyo at protektahan ang nakakarami!
Ng araw ding iyon nilisan nila ang kastilyo pagkatapos ng kasal. Walang namutawi na salita sa mga bisitang nandoon kung di gulat. Kataka-takang wala man lang pumigil sa dalawang mag-ina. Kahit ang mga diwata ay wala doon!
Saan kaya nila dadalhin ang prinsesa? Iyon ang katanungan ng nakararami... Pagkatapos ng kasal binuhat ni Magnos ang prinsesa. Si Malificient ang gumamit ng kapangyarihan para tuluyan na silang maglaho.

BINABASA MO ANG
The Other Side Presents: Malificient's Son
RomanceSorry guys pero may kung anong nakapukaw sa akin ng sinulat ko ito. Just bare with me... And thank you sa suporta, kailangan ko yan hehehe.