Chapter 6: Halik ng Tunay na Pag-ibig

5 0 0
                                    

Sa kadiliman ng gabi. Si Magnos ang lumaban para kay Marcos. Ang prinsipe ay walang kakayahan para kitlin ang buhay ng dragon. Napakalakas ng dragon at ang simpling taong tulad ni Marcos ay walang kakayahan upang paslangin ang nag-aalab na dragon.

Ang kailangan lamang nito ay pumunta sa tuktok ng kastilyo para halikan ang prinsesa. Iyon ang nakasaad sa propesiya. Matalino talaga si Malificient. Ayaw niyang mabuhay muli ang prinsesa. Alam niya kung papanong mabubuhay ang prinsesa. Kaya dali-dali niya itong tinago sa taas ng torre.

Sa paglalaban ng dalawa isang rebelasyon ang nalaman ni Magnos. Hindi siya makapaniwala. Nagtataglay si Malificient ng kapangyarihang gaya ng sa kanya. Halos hindi niya mapaniwalaan na ang kaaway niya ngayon ang siyang... Siyang nagluwal sa kanya sa mundo. Ang kanyang ina. Ang kanyang inang labis ang poot para sa hari. Ang kanyang inang inabanduna siya noong bata pa siya!

Labis ang luha ang pumatak sa mga mata ni Malificient. Labis siyang naghinagpis. Ang kanyang anak ay napopoot sa kanya. Masyado ng marami ang nangyari at ang tanging magagawa lang niya ay umalis at pagbigyan ang kahilingan ng kanyang anak. Masakit man iyon sa kanyang loob ay ginawa niya.

Samantala, nakapunta na sa tuktok ng torre ang prinsipe pero kataka-takang hindi parin nagigising ang prinsesa. Hinalikan na niya ito ng paulit-ulit pero wala pa rin. Ano ba ang nangyayari? Nasabi na lang nito. Bakit hindi tumatalab?

Hindi iyon mapaniwalaan ni Magnos. Bakit?! Naisigaw na lang niya. Iyak siya ng iyak para sa prinsesa. Hindi niya matanggap na hindi na niya masisilayan ang ngiti ng butihing prinsesa. Ang prinsesang nagligtas sa kanya. Ang prinsesang tinuring siyang hindi iba sa kanila. Ang prinsesang minahal niya higit pa sa sarili niya. Oo, mahal niya ang prinsesa. Mahal na mahal at wala ng magbabago don! Bata pa lang siya ng inamin niya sa sarili na mahal niya ang prinsesa. At nangako siyang ito lamang ang mamahalin habang buhay. Kahit iyon ay impossible. Alam kasi niya na may pakakasalan ang prinsesa at alam niyang may pagtingin ang prinsesa sa prinsipe kaya itinigil na niya ang kanyang pantasya para pangarapin pa ang prinsesa.

Pero ang hindi niya makakaya ay ng makita niyang nakahandusay na wala ng malay ang prinsesa. Hindi niya yon kaya! Handa siyang sumugal para sa kapakanan ng prinsesa! Gagawin niya ang lahat kahit pa ang impossible!

Despirado na siya. At dahil sa kadespiradohan na iyon ang nagtulak sa kanya upang halikan ang natutulog na prinsesa. Umaasang gigising ito sa kanyang halik. Pero wala pa rin. Nanglulumo siyang tumalikod at aaktong lilisanin ang torre. Pero isang kislap ang nagpabalik sa kanya upang silayin muli ang prinsesa.

Ang prinsesa ay nabuhay. Anong saya niya! Pero ang saya ay napalitan ng pagkadismaya. Ang prinsipe ay inako ang lahat. Sinabi niya sa prinsesa na siya ang nagpagising sa kanya. Na siya ang nagligtas sa kaharian. Na tinalo niya si Malificient kaya wala na ito doon. Gustuhin man niyang ituwid ang mga maling sinabi ng prinsipe pero ayaw niyang makita muli ang lungkot sa mga mata nito. Alam kasi niya kung gaano katagal hinintay ng prinsesa na magkita na sila sa wakas ng prinsipe. Kaya umalis siya na hindi nagpapakita sa prinsesa. Binigay niya ang kaligayan para lang dito. Ganon naman diba ang nagmamahal? Nagpaparaya?

The Other Side Presents: Malificient's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon